"CAN YOU be my girlfriend, Jae?"
Napuno ng sigawan ang bahay na iyon, karamihan ay galing sa dalawang babaeng kapatid ni Khlar. May narinig din siya galing kay Mama Lara at palakpak sa mga magulang nito.
Ilang buwan din ang tinagal ng panliligaw ni Khlar at matagal nang nakahanda ang sagot ni Jae pero hindi ito makapaniwalang sa mismong graduation niya itatagpo ni Khlar ang pagtatanong. Buong akala nito ay simpleng selebrasyon lang ang magaganap at ang mga magulang nito ang naghanda.
Hindi pa pala tapos ang mga surpresa ni Khlar.
Nangingiti siyang kumagat sa labi nago tumango, kinikilig na. "Yes, Khlar. Girlfriend mo na ako."
Malalaki ng ngisi ni Khlar noong nagsimula itong isuot ang kwintas na regalo sa dalaga. Muli, napuno ng sigawan ang lugar. Kanya kanyang tukso ang namutawi sa mga labi ng naroon.
"Sana all may jowa."
Dahil sa sinabi ni Kheiza, ang pinakabatang naroon ay sabay sabay tuloy siyang tinitigan ng mga taong nandoon. Nanginig na halos siya, lalo na sa matatalim na titig ng kuya nito.
"Joke lang naman, Kuya!"
Natatawang napailing na lang si Jae. Hanggang ngayon ay mahigpit pa rin talaga si Khlar sa mga kapatid.
"Halina't kumain na tayo." Sumang-ayon naman sila sa sinabing iyon ni Mama Lara. Iyon naman talaga ang gusto ng lahat sa pagkakataong iyon.
Sobrang nakakagutom ang napakahabang programang iyon.
Maingay at masaya, paniguradong hindi malilimutan ni Jae ang salu-salong iyon kasama ang mga magulang at ang pamilya ni Khlar.
At kahit nga isang linggo na ang nakararaan pagkatapos noon ay hindi pa rin mawala sa isip niya. First time niya iyon, ang makasama sa hapag ang mga magulang ng hindi nagagawang magsigawan at sakitan.
Ang isang linggong iyon ay umabot pa ng isang taon, hindi pa rin mawala. Habangbuhay ata iyong ivavalue ng dalaga.
Mabilis ang mga nangyari. Katulad ng relasyon ng karamihan, ang kay Jae at Khlar ay hindi rin perpekto. Madalas ding nagkakasagutan pero hindi pinili ang maghiwalay. Wala iyon sa pilian ng dalawa at kahit andoon may ay paniguradong hindi rin nila pipiliin.
Dalawang araw matapos ang Oath Taking Ceremony ni Jae ay ang pagdiriwang naman nila ng first Anniversary, minabuti nga nila ang magpunta sa ibang lugar para makapagsimula na rin sa pangarap ng dalawa — ang makapagtravel ng magkasama.
Amg isang taong iyon ay napuno ng pagpaplano, para sa career at para sa kanilang dalawa mismo.
Sa isang taon ay nakapagsimula na rin sila sa itinatayong bahay nila, hindi pa kumpleto pero mahalaga na rin na may nasisimulan kahit papaano.
"Jae," pabulong na nagsalita si Khlar mula sa likuran nito bago tuluyang yakapin mula roon.
Iyon na ang naging paboritong posisyon ni Khlar twing ang lalambing at kapag may hihilingin. "No, hindi."
Ang pag-inom kasama ang mga kaibigan o katrabaho ang tinutukoy ni Jae doon. Bukod kasi sa ayaw niya sa mga kaibigan ni Khlar ay wala pa itong tiwala.
Kahit mayroon naman itong tiwala ay hindi pa rin siya sang-ayon sa paglalapit nito sa mga kaibigan at katrabahong mga babaero.
"Huh, alam mo ba minemean ko?" Dahil sa pagtawa ni Khlar, ramdam na ramdam ni Jae ang maiinit na hininga nito na tumatama sa leeg niya.
"Nagyaya na naman mga kaibigan mo, no?" Matamang sabi ni Jae, sigurado na siya roon. Nagkakaganyan lang naman ang kasintahan kapag may gustong ipaalam.
Pero agad siyang napasinghap noong mismong labi na ni Khlar ang dumampi sa leeg niya, maingat at dahan dahan ang mga iyon. Sa gulat ay mabilis niya itong naitulak, "K!"
Nang harapin nito ang boyfriend ay nagsimula nang mamungay ang mga mata, natawa tuloy ito dahil doon. "Nasa labas tayo, ano ka ba!"
Nagpabaling baling tuloy ito, wala namang taong dumadaan ng mga oras iyon pero hindi pa rin magandang gawin ang ganoon lalo pa at nasa labas ang dalawa.
"Baby, ano kaya ang feeling kung gawin iyon sa Baguio?" Hindi na nito mapigilan bumungkaras ng tawa sa kung ano anong iniisip ng lalaki.
Kapagkuwan ay bumitiw ito sa hawak ni Khlar at diniretso ang daan papasok.
"Jae naman!" Pagbaling niya ay kunot na ng noo ni Khlar ang naaninag.
"Bakit nga?"
Bumagsak ang mga balikat ni Khlar, "I-try natin?"
Nangingiti niya itong muling hinarap, "Ano na? Kanina pa 'ko nasa loob." Deretso na ang pagtalikod ni Jae, nagtuloy tuloy sa paglalakad habang gulat pa rin si Khlar.
"Sige, papasok na rin ako." Ngumiti nang mawala si Khlar sa makahulugang sinabi bago sinundan ang dalaga.
Ang isang taong na iyon ang pinakamasayang taong naranasan ni Jae sa lahat—nakasaka si Khlar at ang pamilya nito, ang pagdalang ng pagsasagutan ng mga magulang at ang pagkakaabot nito sa pangarap.
Nasubukan na nitong mag-apply sa iilang hospital sa loob ng bansa, iyon kasi ang napag-usapan nila ni Khlar. Hindi rin naman kayang mawalay sa lalaki kaya sumang-ayon talaga siya roon.
Isa pa, mas magandang mapagsilbihan ang mga Pilipino. Mas kailangan ng bansa ang mga katulad ni Jae.
Inaantay niya na lang rin ngayon ang confirmation ng mga in-applyan at makakatulong na rin siya sa pamilya maging kay Khlar na gumagastos na para sa bahay na inaasikaso nito.
Lahat ng bagay ay labis na naaayon sa kagustuhan nila — lalo na ni Jae. Pero hinding hindi talaga magagawa ng tadhanang sumang-ayon.
Mag-isa sa bahay nila si Jae, may trabahong tinatapos ang boyfriend kaya naman wala itong ibang ginawa kundi ang asikasuhin ang paghahanap ng trabaho online. Minamabuti niya munang doon magsimula para malaman agad kung ano ang mga kailangang ihanda.
Maya maya ay malakas ang naging pagtunong ng cellphone niya, excited na baka si Khlar iyon ay agad niya itong sinagot.
"Jae," agad na sabi ng nasa kabilang linya.
"Red?" Oh! Namiss ko ang boses ng kaibigan kong ito.
Noong itinuloy kasi ni Red ang pag-aaral sa pagmemedisina ay naging busy na ang dalaga kaya paminsan minsan na lang kung magkita at makapag-usap.
"Kumusta? May nahanap ka na ba?"
Nagtataka man sa tanong ay agad niya iyong sinagot. "Mayroon naman pero nag-aantay pa ako, eh."
"Really?" Pansin nito ang biglaang pagpalit ng mood sa boses ng nagsasalita. "Great! Mayroon akong alam na offer. 60,000 ang starting salary, Jae!"
Halos mahulog ang panga niya, "60,000? Starting salary? Oh my gosh! Saan?"
Maging siya ay naexcite na rin tuloy, malaking bagay iyon. Magagawa na niyang tumulong sa mga magulang, makakatulong pa siya agad kay Khlar sa gastos sa bahay na sinisimulan.
Malaking bagay iyon! Kung pupwede pa nga ay kailangan na niyang magmadali!
"Sa abroad, Jae. Ano, game? Wala ka ng ibang poproblemahin!"
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
Teen FictionWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024