BU 6

11 0 0
                                    

NANLILISIK ang mga titig ni Jae, hindi nga lang sigurado kung para iyon kay Khlar o sa babaeng kasayaw nito.

Parte iyon ng PE nila, alright? Pero twing titiningnan niya ang dalawa para bang may kung ano siyang nararamdaman kahit alam niyang hindi naman dapat.

Ang mga hawak na iyon ni Khlar sa kaasayaw ay maaaring hawak din ni Khlar sakanya. Hindi niya maintindihan! Bakit ito nagagalit sa nakikita?

"Si Khlar 'yun ah!" Mabuti't sumingit na agad si Red, kapagkuwan ay inabutan siya ng pagkain. Si Red at Vivianne lang kasi ang bumaba para bumili pagkatapos ay siya ang nanatili sa Grandstand para magbantay ng mga gamit nila.

Samantalang si Khlar naman at ang mga kaklase nito ay nasa grounds, nag eensayo para sa gagawing graded presentation sa P.E.

"Hindi rin siya marunong sumayaw! Yey! I'm not alone." Nagtawanan at nag apir pa ang dalawa niyang kaibigan pero nanatili siyang walang imik.

Kumakain pero hindi nagsasalita.

"Luh? What happened?" Itinanong pa rin iyon ni Red kahit alam na niya ang posibleng nangyayari sa kaibigan. Kaya lang, ayaw niya na itong pangunahan dahil baka masyadong seryoso sakanya ang bagay na iyon.

Siguradong magsasabi naman 'yan kung mayroon na.

Nang hindi nasagot ni Jae, si Vivianne nalang ang kinausap nito at hinayaan na munang magmuni muni ang kaibigan.

Noong naging mag isa dahil kailangan nang magpunta sa kanya kanyang klase ay mas lalo lang tuloy nababahala si Jae. Mas lalo lang nadadagdagan ang galit nang maalala nito ang napag usapan ng dalawang araw na ang nagdaan.

"Do you..like me?" Gusto niyang matawa sa sarili, hindi maintindihan kung bakit siya pa ang kailangang unang magtanong. She wanna back out! Pero siya naman ang nagsimula ng usapan kaya bakit niya pa iyon titigilan? Alam niyang pagkatapos ng gabing ito ay pupwede na siyang malinawan. Hindi na nito papalagpasin pa ang pagkakataon.

"Jae." Sa panimula ni Khlar ay hindi na niya napigilan ang pagbuntong hininga, kinakabahan ng kaonti sa kung ano ang pupwedeng malaman. "I really like you."

Naisandal niya ang sarili sa upuan, pinoprosesa ang bawat naririnig. I like him too. Pero bakit ganon?

"Pero I don't want to pressure you. Alam kong mahirap sa'yong magsimula ulit para sa panibagong relasyon, hindi biro ang lokohin. Kaibigan ko pa. Kaya, kung ano muna ang mayron tayo ngayon mas okay na. Ayokong biglain ka." Malulungkot ang mga mata ni Khlar nang bumaling itong muli sakanya.

"Alam kong mahirap 'yun kalimutan, mahirap kalimutan si Raizen kaya hindi ako titigil bigyan ka ng oras. Maghihintay lang ako." Gaano man kagustong tutulan ni Jae ang sinabing iyon ng lalaking kaharap ay nanatili nalang itong tahimik. Ang totoo, hindi na nito naiisip pa si Raizen. Matagal nang nawala sa isip niya ang manlolokong iyon.

Hindi lang din niya siguro mapigilan ang lungkot dahil sa naging pahayag nito.

"Jae!" Agad na nalukot na naman ang mukha niya, nakakapagtaka dahil maghapong sira ang mood niya dahil lang sa nakita kaninang umaga. Hindi niya mapigilang isipin na baka kaya ayaw pa ni Khlar na pumasok sa isang relasyon dahil ayaw nitong mapagpabawalan lalo na sa babae.

Pero imposible, kilala nito si Khlar.

Kaya bakit naman siya magagalit? Ano naman kung may kasayaw si Khlar? Para naman iyon sa subject nila. Tiningnan niya nalang ang papadating, paminsan minsa'y magpapakawala ng irap.

"Pwede pa ba tayong kumain?" Matatalim lang ang tingin niya sa kaharap, nabibingi—hindi na gaanong naririnig ang kung ano pa mang sinasabi nito.

"Jae.." Hinawakan na ni Khlar ang baba para dumeretso na sakanya ang tingin ni Jae. "Anong problema?"

Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon