IYON na ang huling pagkikita ng dalawa, kahit hindi naman nila sinasadya ang mga 'yun. Ang totoo, gusto na nilang makita ang isa't isa kahit sa malayo pero maski iyon ay hindi pa nabigay sakanila.
Iyon din ang pinakamasakit para kay Khlar, hindi ito naniniwalang hindi siya mahal ng dalaga. Alam niya, sigurado siya doon.
Sinabi lang ni Jae dahil gusto na niyang tigilan siya nito.
"Anak, magpahinga kana. Maaga ka pa bukas." Binalingan nito ang ina bitbit ang malulungkot na mga mata. Ramdam din iyon ni Lara, hindi madali ang pinagdadaanan ni Jae pero apketado din noon ang sarili nitong anak.
Inukupa nito ang maliit na espasyo sa gilid ni Khlar, "'Nak, marami pa namang pagkakataon para mapatunayan mo yang nararamdaman mo kay Jae. Sa ngayon, hayaan mo muna siya. Bata pa naman kayo, maybe you're meant to be together but you're at the wrong time."
Tahimik lang doon si Khlar, nakikinig. Pilit na ipinapasok sa sarili niya ang pahayag ng ina. May punto naman ang mga 'yon, hindi nga lang niya mapigilan ang sariling umisip pa ng posibleng paraan para makausap muli ang dalaga.
It's a hard battle. Pero kung hindi na sasaktan ng ama si Jae kapag hindi na siya lumapit ito ay kailangan niyang tiisin nalang talaga ang sarili.
Miss na miss na niya ang dalaga.
"K, bud. Sila Vivianne andito." Tapos na ang klase nila noon at napiling magpalipas oras sa Gracianas, hindi niya inaasahan ang pagdating nila Red pero natutuwa itong baka may balita na naman tungkol kay Jae.
"She's fine." Agad siyang nakahinga ng maluwag. Isang linggo na rin simula noong huli niya itong makausap kaya pasalamat ito sa mga kaibigan nito dahil nagtuloy tuloy pa rin ang pakikipag usap ng mga ito sakanya.
"May nalaman lang kaming.. hindi ganon kagandang balita." Napakunot ang noo ni Khlar, ano naman kaya maaari iyon? Nagkatinginan muna sila Khlar, Neil at Axl. Ramdam niyang nag aalala rin ang dalawa nitong kaibigan.
"Ano 'yun?" Hindi na lang nito ipinahalata ang pagkapos ng hininga, patagal ng patagal ay lalo lang tumo todo ang kaba.
"Tito Arjay, his father, wants Jae to marry random guy. Sabi kasi ni Jae, malaki raw ang makukuha ng tatay niya doon. Like, seriously? For money? Eh hindi naman sila kinakapos! Gusto niya lang atang ibenta ang anak!" Nanggagalaiti si Red, kanina lang kasi nalaman. Madalas na raw kasing nababanggit ng ama niya kay Jae ang tulong doon kaya hindi na rin ito mapakali.
"I knew it! Kaya dapat itinuloy ko ang plano!" Hindi na halos pumayag si Khlar sa sitwasyong hindi sila pupwedeng mag usap at magkita ni Jae kaya mas lalong hindi ito papayag ngayon.
"Plan? What plan?" Tahimik lang na naroon si Vivianne at si Dirk, si Red lang ang halos hindi na mapigil sa pagsasalita dahil sa inis.
"Bud, risky masyado ang plano—" Agad na pinutol ni Red ang sinasabi ni Axl.
"Ano ngang plano?"
"Miss? What if patapusin mo ako?" Tinaasan ni Axl ng kilay ang dalaga pagkatapos ay napairap nalang si Red. "Fine. Say it."
Binalingan siya ni Axl bago magsalita, "Plinano niyang itakas si Jae—" Agad nalukot ang mukha ni Axl. Hindi talaga siya pinapatapos ng babaeng iyon magsalita.
"What?!" Bumungkaras ito ng tawa. "You'll... oh my! Ano ba 'to, forbidden love? What movie is that?"
Tahimik lang si Khlar, iniisip ang mga bagong nalaman. Kung gusto ng tatay nitong magkaron ng maraming pera kaya ipakakasal nito si Jae sa kung sino, meaning kailangan niya munang magkaroon din bago niya tuluyang makuha ang dalaga. Kailangan nitong pantayan ang standard ng ama nito para sa pagpayag.
Pero third year pa lang siya! Mahahabang taon pa ang kailangan niyang gugulin para roon.
"Miss kasi—"
"Stop calling me Miss! May pangalan ako, you jerk! It's Red."
Pinagkrus ni Axl ang braso nito sa tapat ng dibdib, "Ang arte naman neto." Tinitigan niya lang si Khlar na halatadong mag iisip na naman ng susunod na kilos. "Okay, Red. Plinano niya yun para hindi na saktan ng tatay niya si Jae. Kaya lang, risky nga. Plus, hindi naman iyon natuloy dahil hindi naman daw mahal ni Jae yang si Khlar!"
"Oh bakit ka naninigaw?!"
"Ikaw ang naunang manigaw!"
Napailing nalang si Khlar sa dalawa, tapos ay napabaling kay Vivianne at Dirk na parang may sariling mundo habang lamon naman ng lamon si Neil.
Kailangang may gawin na siya, hindi niya dapat pabayaang maikasal si Jae sa iba lalo na't dahil lang sa pera.
"Red," pukaw niya sa atensyon ng dalaga na hindi pa rin tapos sa pakikipagbangayan kay Axl. "Kailan daw iyong kasal na sinasabi?"
Nagkibit balikat muna si Red, "Aantayin lang ata si Jae makagraduate."
Huminto na siya roon, nakuha niya ang gusto nitong impormasyon.
Matalino si Khlar, madiskarte, alam ng mga kailangan sa buhay at may disiplina kaya madali para rito ang makuha kung ano mang gustuhin niya.
Pagkadating si bahay ng araw na 'yun, hindi na ito nagsayang ng pagkakataon. Pinag aralan na nito ang lahat. Alam niyang matagal na siyang kinukulit ng ina sa naiwang kompanya ng papa niya pero hindi pa siya handa noon.
Buong gabi niyang kinausap ang sarili sa mga plano, malayo sa kurso niya ang kompanya pero hindi naging hadlang iyon para hindi niya kayanin ang mga iyon. It was for Jae afterall, hindi man niya kayang tulungan ang dalaga ngayon ay sisiguraduhin nitong hindi ito magpapakasal sa iba.
Liban sakanya.
"Wow, 'nak! Hindi ko inasahan ngayon 'yan! Buong akala ko'y ayaw mo dahil hindi iyon ang gusto mong gawin kaya hindi na kita kinulit." Masayang masaya si Lara sa deklarasyon ng anak, sasama raw ito sakanya ngayong bisitahin ang papasukang kompanya. Hindi nito inasahan na magiging ganon kaganda ang gising ni Khlar at tatanggapin niya ang nag aantay na posisyon nito sa naiwang komoanya ng ama.
"Ma, kayo pa rin po ang nasa posisyon na iyon. Kukunin ko po ay iyong bakanteng sinasabi niyo ngayon dahil nagresign ang empleyado. Ayoko pong nasa itaas agad." Ngumiti lang si Lara doon, alam niyang iyon ang unang gugustuhin ng anak. Nakakatuwang napalaki niya iyon ng maayos kahit wala ang ama nito.
Hindi naman talaga malayo ang trabaho sa kurso ni Khlar dahil may kinalaman pa rin naman iyon sa bahay; ang Romero's Furnitures.
"Alright. Ihahatid natin ang mga kapatid mo pagkatapos dederecho tayo doon."
Malawak ang ngiti ni Khlar, tumutugma sa plano nito ang lahat. Pero hindi pa rin dapat siyang makampante. Wala sakanya si Jae ngayon, pero mapupunta rin ito sakanya sa mga susunod na taon. Ipinagdadasal niya iyon.
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
Teen FictionWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024