Absence makes the heart grow fonder. Of course! Jae knew all that. Kaya nga siya hindi na siya makausap nang maayos.
Isang linggo na matapos ang insidenteng iyon at hindi man lang mawala ang bagay na yon sa utak niya! She should have known better!
Dapat talaga umiwas na siya sa kahit sinong taga east campus. Tinawanan niya nalang ang sarili.
She doesn't wanna sound OA at any point pero hindi mawala sa isip nito na baka dahil magkaibigan si Khlar at Raizen ay ganon na rin ang gawin ng binata sakanya.
Pero, hindi ba't wala naman atang balak si Khlar na... magkaron sila ng kahit anong relationship?
Friends? Oh my God! Ako lang ata ang nag iisip na mayroon.
Sa isang linggong hindi pagkikita at pag uusap, hindi lumampas ang isang araw na hindi siya pinadadalhan ni Khlar ng mga bulaklak, may kasama pang mga notes madalas.
Hindi na niya alam ang iisipin. Oo, gusto nitong makita si Khlar pero gusto niya ring pigilan ang sariling hanap hanapin ang lalaki.
Paano kung maulit na naman? Paano kung katulad siya ni Raizen? Paano kung lokohin ulit siya?
Iyong trauma kasi pagkatapos mong maloko, pag ooverreact lang para sa iilan. Pero hindi nila alam kung gaano kalaki ang epekto noon sa mga naloko. After all of that, they will question everything about themselves. Their worth, their physical appearance, are they enough or lacking?
Madali lang sabihin na kailangan nang tanggapin at mag move on, pero hindi madaling gawin! Hindi madaling simulan.
"Pwede kana magtayo ng floweshop nyan, Jae." Natawa ito sa tinuran ng kaklase, si Kea. Maski sila ay napapansin narin ang araw araw na pagbitbit nito ng mga bulaklak.
Ikapitong araw ngayon at hindi nagpakabog ang bouquet na pinadala ni Khlar na may note na, "Please be safe, I miss you."
Really? Ano kayang ibig sabihin non? Does he likes me romantically? Or platonic?
"Sagutin mo na kasi." Nginitian niya lang ang sumegundong kaklaseng si Sharine. Hindi naman nila ang totoong sitwasyon kaya hindi nila alam kung nanliligaw ba talaga itong si Khlar.
Ngayon ang unang araw ng midterm exams nila kaya halos hindi na sila magkita kita ng mga kaibigan. She misses the two at gaano man nito gustuhin na ikwento sakanila ang nangyayari ay wala rin itong makuhang oras.
Natapos ang araw na magkakatext lang silang tatlo, pero kahit lunch at hindi na sila nakakapagkita kita. Kung hindi kasi overtime sa exams ay kailangan namang mag review para sa susunod nilang subject. Pagkatapos ay hindi pa sabay sabay ang uwian kaya hindi na sila nag aantayan at kadalasan ay nauuna nang umuwi para makapag aral sa bahay.
Pero iba ang sitwasyon kay Jae, ayaw nito ang umuwi sa bahay. Tinatagpo nito ang pag uwi ng gabi para hindi maabutan doon ang mga magulang niya.
Hindi katulad kay Vivianne na may buo at masayang pamilya, magulo at hindi pa kumpleto ang kay Jae.
Naghiwalay ang mga magulang niya noong nasa elementarya pa siya. Gabi parehas ang trabaho ng dalawa kaya madalas, simula pa noon, kapag gabi ay natutulog siyang mag isa.
Iyon na ang nakasanayan kaya iyon na ang gustong gustong gawin. Masaya ito twing hindi na naaabutan ang mga magulang na walang ibang ginagawa kundi pagbuntungan siya ng galit sa isa't isa.
Puro away ang mama at papa niya kaya gabi ang depinasyon ni Jae sa payapa. Walang nag aaway at walang maninigaw sakanya.
At dahil only child, tinanggap na niya sa sarili na mag isa nalang siya palagi hanggang sa dumating ang dalawa niyang kaibigan! Ang suwerte niya dahil doon.
Nang mag uwian at nakumpirmang hindi sila ulit magsasabay sabay na tatlo ay dumerecho na ito sa labas para mag antay ng sasakyan.
Saktong sa Gate 2 na siya lumabas kaya hindi niya inasahang makikita roong nag aantay si Khlar.
Sandali siyang natigilan. Hindi nito nakita ang lalaki ng pitong araw. Hindi nya mapigilan ang sariling hindi siya isipin at hindi siya mamiss. Ngayon pa nga lang ay todo pigil na siya sa sariling yumapos sa binata.
Pinilig niya ang ulo at isa isang inalis sa isip ang mga iyon bago tuluyang nilapitan ang binata.
Sa puntong iyon, hindi na siya naguguluhan. Alam niyang mabilis pero hindi niya na rin kayang lokohin ang sarili sa kung anong nararamdaman niya para kay Khlar. Ang iilang araw na hindi siya makita ay sapat na para madiskubre iyon.
"Jae, I am sorry—" Hindi na nito pinatapos ang lalaki sa pagsasalita dahil agad agad na niya itong niyakap. Sa labas mismo ng campus. Sa tapat ng Gate 2, sa harap ng maraming estudyante.
Hindi na lang maitago ni Khlar ang ngiti. Hindi pa nito alam ang nangyari kay Jae sa pitong araw na iyon pero masaya na siya sa ipinakikita ng babae.
Nang humiwalay ay hindi niya parin nagawang ituop ang mga ngiti. Bahala na. Wala naman sigurong masama sa pagiging masaya, bulong ni Khlar sa sarili.
"It's okay. I apologize as well, lalo na sa inasal ko." Bahagya silang gumilid pagkatapos ay ngumiting muli si Khlar at marahang sinuklay suklay ang buhok ng dalaga.
"Stop that! Nagmumukha ka lalong matanda." At dahil nagsimula na namang mang asar si Jae, nakita na naman nito ang signature kunot ng noo ni Khlar. Hindi nito mapigilan ang bumungkaras ng tawa.
"Hey, Jae. Quiet! Pinagtitinginan tayo dahil sa tawa mo nakakahiya." Pero imbes na matigil ay lalo lang natawa ang dalaga.
"Nung hinug kita, hindi ka nahiya." Makahulungan ang ngiting ibinigay ni Khlar ay Jae. "That's because I like that better. Isa pa?"
Hindi na nakailag si Khlar sa hampas ni Jae bago ulit tumawa ng malakas. Ang babaeng ito talaga.
Matagal tagal silang natahimik. Pinakikoramdaman ang kilos ng bawat isa, iniisip ang iilang mga katanungan bago tuluyang nagsalita ang binata.
"Let's eat?" Sumeryoso ang tingin nito kay Khlar bago tumango, kapagkuwan ay malawak na ngumiti.
PANGITI ngiti pa si Jae pagkapasok niya sa gate ng bahay nila habang inaalala ang kulitan at kwentuhan nilang dalawa ni Khlar kanina. Hindi niya malaman kung kinikilig na siya o sobrang nasisiyahan lang.
O baka iyong dalawa. Napahagikhik pa ito sa sarili.
Everytime that he's with Khlar, hindi nito naiisip ang magulo niyang problema sa mga magulang at ang magulong pamilya nito. Nakakalimutan nito iyong lahat dahil masaya siyang kasama ang binata.
"Jae. Kanino 'yan galing?" Mistulang naubos ang dugo sa mukha ni Jae nang makita ang ama sa harap nito. Tama naman ang oras ng pag uwi niya ah, kaya bakit andito pa siya?
"May nanliligaw sa'yo?!" Nagsisimula na namang manggalaiti sakanya ang ama. Pakiwari niya'y nagkasagutan na naman ito ng ina kaya mainit na naman ang ulo. Yumuko lamang siya at dumerecho sa pagpasok sa kabahayan.
"Jae Abigail, kinakausap pa kita! Nagpapaligaw ka? Pinagsabihan na kita hindi ba! Walang magboboyfriend! Malandi ka rin talaga eh no, parehang pareha ka sa nanay mo! Para kayong palaging mauubusan ng lalaki! Akin na 'yan—"
Katulad ng parating ginagawa, pasok sa isang tainga labas sa isa. The next thing Jae knew, nakikipag agawan na siya sa ama noong bouquet na binigay ni Khlar. Kahit alam nitong masisira lang ay hindi niya parin binitawan ang mga iyon, iniisip na sisirain din naman iyon ng ama kapag nakuha niya ito.
Mas maganda na iyong naipaglaban niya ang bulaklak.
Nang tuluyang maghari ang lakas ng ama, may iilan pang piraso noon ang naiwan sa kamay ni Jae. Hinigpitan niya lang ang hawak bago tumakbo papasok sa sariling kwarto at nilock iyon.
Hindi rin siya namali ang palagay dahil hinabol pa siya ng ama at pinagkakalampag ang pintuan ng kwarto niya bago niya marinig ang boses ng ina hanggang sa puro pagsasagutan na naman ng dalawa ang narinig.
Sawang sawa na siya sa ganong sitwasyon, kung iisipin lang ay ilang beses niya nang ginustong makaalis.. pero nagmistula lang itong kumunoy. Patagal nang patagal, mas pahirap nang pahirap makaahon.
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
أدب المراهقينWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024