"JAE, ano? Andyan ka pa?" Ilang beses nang inulit ni Red ang pagtawag na iyon pero parang nawala sa linya ang dalaga."Magandang offer na 'yun! Tumawag kasi yung kaibigan ni Mommy from California. Doktor 'yun, nagtatanong kung gusto ko ba daw. Eh 'di naman ako nagnursing. Ikaw agad naisip ko," wala pa ring tugon mula sa kausap. "Tayo tayo na mag aasikaso, baka mga 3-5 months okay na."
Gusto niya ang offer na iyon dahil sa marami itong matutulong sakanila. Lalo na kay Khlar.
Sa mahigit isang taon kasi nilang magkasama ay palaging ang binata na lang ang gumagastos lalo pa dahil naghahanap pa lang siya ng trabaho. Ngayon, mayroon na siyang pagkakataon at malaking pera iyon!
Napabuntong hininga siya, siguradong hindi papayag si Khlar kapag nagkataon.
Pero kailangan niya rin namang tumulong. Mas madali silang makakaipon kung kukunin niya ang offer na iyon. Isa pa, mas magiging madali dahil sa kakilala naman ni Red. Usually 2-3 years lang rin naman ang kontrata. Maka-isang taon lang siya posibleng malaki ang maitulong niya sa pagpapagawa ng bahay. Mas magiging malaki ang significance nito ngayon.
Pero, si Khlar..
Pero para rin naman iyon kay Khlar.
"Jae—"
"I'll take it. Bastq tulungan mo ko Red, ha?" Narinig niya ang paghiyaw ni Red sa kabilang linya. Dapat ay maging masaya siya, malaking offer iyon katulad ng pinapangarap nila pero may iilan naman dapat isakripisyo para makuha iyon namg tuluyan.
"Really? Yey! Free ka today? Wala akong pasok, eh."
Nahimigmigan sa boses na iyon si Jae, tama kaya ang ginagawa niya? Naisip kasi nitong isekreto ang gagawin kay Khlar dahil hindi pa naman sigurado.
Saka na lang siguro niya sasabihin kapag ayos na ang lahat.
Ewan, bahala na. Basta ang mahalaga, maganda itong offer na ito kaya makakatulong ako sakanila.
Iyon naman talaga ang gusto niya una pa lang — ang makatulong sa mga magulang. Pati ngayon na gusto niya ring tulungan ang kasintahan.
Valid naman ang rason ko 'diba? Diba? Ilang ulit niya pang pagkumbinsi sa sarili.
"Alright, text mo sa'kin yung address."
Ibinasura muna ni Jae ang pag-iisip tungkol sa magiging reaksyon ni Khlar. Isa pa, maiintindihan niya naman siguro. Para naman din ito samin.
Suot ang paboritong high neck shirt at maong na pantalon ay gumayak na siya. Mas kumportable na siya sa mga ganting kasuotan ngayon, malayong malayo sa mga isinusuot sa kolehiyo.
Ilang minuto lang pagkatapos niyang dumating sa lugar ay ang siyang pagtunog naman ng cellphone nito.
Si Khlar iyon, tumatawag.
"Baby, nasa bahay ka?"
Doon na nagsimula ang kaba niya, sa isang taom ay hindi pa nito nagawang magsinungaling sa kasintahan.
Isa lang naman ang iniisip niya. Ayaw niyang pigilan siya ni Khlar kapag nagkataon.
Malaki ang hinuha niya na hindi papayag si Khlar dahil wala itong gustong patulungin si Jae sa mga gastusin sa nasimulang bahay.
Paniguradong kung iyon ang gagamitin nitong rason ay hindi sasang-ayon ang binata.
At saka, susubukan pa lang naman niya. Hindi pa sigurado.
Kapag okay na ay doon na lang ito magsasabi.
"Umalis ako, K. Kasama ko si Red, inaantay ko na lang." Hindi pa rin nawawala ang kabang nararamdaman nito, paminsan minsan ay naiisip kung magagawa bang maniwala si Khlar sa mga sasabihin.
"I see. Tumawag ako kasi tinawagan ako ni Khlea kung pwede ka magpunta sa bahay," sabi ng lalaking nasa kabilang linya.
Ngumiti si Jae, kahit hindi naman magawang makita ng kausap. "Kapag maaga kami natapos, dadaan ako. Doon na tayo magkikita?"
Sumang-ayon doon si Khlar, kapagkuwan ay ibinaba na rin ang tawag. Medyo busy raw kasi sa site pero mabuti ay nakatawag siya.
Napapangiti na lang si Jae tuwing naiisip, ganyan kasi ang binata. Hindi nakakaligtaang i-update ito tungkol sa mga ginagawa.
"Jae!"
Agad siyang dumalo sa kaibigang papalapit, "Let's go?"
Nakakakaba.
Hindi sila natapos sa pagdadaldalan, laking pasasalamat niya roon dahil agad ding naglaho ang kabang nararamdaman.
Susubukan ko lang naman, wala namang masamang i-try. Paulit ulit ang pagkukumbinsi nito sa sariling tama ang ginagawa.
Marami ang kailangang iproseso. Syempre, kahit mayroon na siyang dalang iba't ibang papeles ay may kailangan pa silang ibang asikasuhin.
Siguradong babalik pa sila, siguradong kakailanganin na naman nito magsinungaling sa boyfriend.
Halos ilang oras nilang inasikaso, mayroong pinirmahan. Pagkatapos ay may mga kailangang ixerox at kung ano ano.
Higit na mas madali pa iyon kaysa sa iilang mga Pinoy na magpupunta abroad. Madali na lang dahil may mga kakilala ni si Red na agad din silang tinulungan.
Nakakapagod ang araw na iyon, buti ay narecharge si Jae noong sinabing iilang documents ang kailangang ipasa at iilang seminars na lang ay pupwede na siyang makaalis ng bansa.
"I told you! Wala ka namang dapat ikatakot kasi andoon naman si Doctor Amy. Saka may tutuluyan naman kayo."
Dahil papauwi na sila at nabanggit iyon ng dalaga ay mas lalo lang dumoble ang kaba ni Jae. Onting proseso na lang, makakaalis na siya ng bansa pero wala ni isang alam doon si Khlar.
Pagkatapos noon ay minabuti nitong magpahatid kay Red sa bahay nila Khlar, bibisitahin na rin nito ang mga kapatid katulad ng sinabi sa kasintahan.
"Ate!"
Pero noong pagdating niya roon ay mas lalo lang siyang binagabag ng mga iniisip.
Hindi nito alam kung kailan sasabihin kay Khlar. Kung ano ang magiging desisyon nito at kung paano niya makukumbinsi ang binata.
She needs to know.
Kailangan niyang malaman para mapag-aralan kung paanong ang gagawin nitong pagdadaham dahan sa binata.
Paniguradong magagalit iyon.
"—sa tingin mo, ate?"
Nagpakurap kurap siya pagkatapos ay nginitian lang si Kheiza. Hindi man pumapasok sa isip nito ang sinasabi ng magkapatid ay mabuti na ring ngumingiti at pumapayag pa rin siya.
Ganto pala ang pakiramdam noon, bulong niya sa sarili. Hindi na ako uulit.
Mahirap magsinungaling. Siguro ay hahanap na lang siya ng tyempo, pagkatapos ay saka na lang nito sasabihin sa binata.
Kailangan niyang lakasan ang loob.
Doon na naabutan si Jae ng gabi. Nagtatakang hindi pa rin bumabalik si Khlar ay siya na mismo ang nag-abang sa binata sa may pinto.
Gabi na. Ni hindi man lang siya magawang itext ni Khlar.
Maya maya pa ay ilaw na nagsasakyan ang sumalubong sakanya, inantay na iluwa nito si Khlar bago tumakbo at yumakap si Jae.
Nakakakonsensya, sa isip niya. Pero alam niyang iyon lang ang pupwede niyang gawin sa ngayon.
Ayaw niya namang pumayag na si Khlar ang gumastos sa lahat.
"Baby, kumusta? Pagod?" Sunod sunod na tanong niya pero hinawakan lang siya ni Khlar at marahang hinalikan.
Agad na sinalakay ng pang-amoy niya ang alak, uminom ito? At hindi nagsabi sakanya?
Magsisimula na sanang mag-init ang ulo niya noong mahigpit itong yumakap sakanya, "I love you."
Hindi na niya kayang tiisin, hindi nito kaya ang magsinungaling.
"I..love you, too."
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
Teen FictionWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024