BU 20

11 0 0
                                    

"PAANO ba yan? Ikaw na bahala sa anak ko, Lara. Pakihatid na lang bago gumabi." Hindi matapos ang mga paalala ni Arjay bago umalis. Napagkasuduan kasi nilang iwan na muna si Jae doon para makapag-usap usap din lalo pa dahil kailangan na nilang umalis dahil kailangan na sa trabaho.

"Walang problema, Arjay. Ako ang bahala," masiglang saad ni Lara. Totoong nasisiyahan siya dahil mananatili roon ang dalaga pagkatapos ng ilang taong nagdaan.

Paniguradong marami rami rin silang pagkukwentuhan.

"Kumusta ang graduating naming Ate?" Napangiti na lang si Jae, maging si Kheiza kasi na bibihira lang magsalita noon ay nagsisimula na ng usapan ngayon.

"Okay lang," naupo siya sa malapit na sofang nandoon — katabi ni Khlea. "Nakakapressure."

Doon na nagawang sumingit ni Lara, halatang excited makipagkwentuhan sa dalaga. "Nako, pupunta kami Jae. Siguradong pambato itong mga 'to sa pagsigaw kapag umakyat ka na sa stage." Doon siyang muli napahagalpak ng tawa. Pagkatapos ng ilang taon, saka na lang ulit niya naramdaman ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Nakakalungkot lang dahil kailangang sa ibang tao niya pa maramdaman iyon.

Sa gitna nang paghalakhak ay doon pumasok si Khlar, kakahatid lang sa mga magulang ni Jae na umalis.

"K, anak. Kailangan ko pa lang kunin iyong mga sinampay ko sa taas. Baka umulan," sabi ni Mama Lara.

Agad din namang napatingin doon so Jae kaya hindi nakatakas dito ang pagngiti ng ginang.

"Ay, Kheiza! Yung pinanonood natin sa Netflix, ngayon na 'yun. Tara!"

Ganoon lang iyon, sa isang iglap silang dalawa na lang ni Khlar ang magkasama.

Lintek! Napalatak agad si Jae nang maramdaman ang kabang kanina pa nito naisantabi. Bumalik na naman at isa lang ang ibig sabihin noon, mahihirapan siyang makausap ang binata.

"Okay lang ba talaga sa'yo, Jae?"

Nang bumaling siyang muli ay nasa tabi na niya si Khlar. Kinailangan niya pang umusog ng kaonti sa malaking espasyong nasa gilid nito bago mahabol muli ang hininga.

"Baka kasi napilitan ka lang dahil andyan ang Papa mo," dagdag pa ni Khlar. Kinabahan din sa kung ano ang pwedeng isagot ni Jae.

Totoong pumayag na ito kanina, pero pinangangambahan niyang napilitan lang ang dalaga dahil sa ama nito lalo pa't kung nagbago ang pagtingin ni Arjay kay Khlar.

"Oo, ayos lang." Nang maramdaman ni Kae ang nakatakas na mga ngiti ay agad itong naglipat ng posisyon. Ayaw nitong ipahalata sa lalaki ang tunay na nararamdaman dahil baka mabulilyaso na naman katulad noon.

Mas gusto muna nitong alamin kung ano talaga ang pinaplano ng ama.

Kailangang maging sigurado muna siya bago sumugal muli.

Ayaw na nitong saktan ang sarili maging ang lalaking katabi.

"Really? That's.. great." Agad na kumunot ang noo ni Khlar, mahirap hirap iyon. Mahirap buhatin ang usapang papalubog na.

Hindi na napigilan ang pangungulila ay agad siyang yumakap sa babaeng katabi. Labis na ikinagulat iyon ni Jae pero hindi na rin nagawang tumutol. "I miss you so much. I.. worked hard for this."

Mabuti na lang at isinubsob ni Khlar ang mukha nito sa leeg ni Jae kaya hindi na nakikita ng binata ang pamumula ng pisngi ng dalaga.

"Anong ibig mong sabihin?" Walang duda. Ang mga yakap na iyon ang nagpapakalma sakanya.

"Pinaghirapan kong maabot itong lahat para madaling makapasa sa tatay mo, no!" Bumungkaras na ng tawa si Jae pagkatapos noon kaya mabilis na nakahinga nang maluwag si Khlar. Gumagaan na ang sitwasyon.

Mas lalo pa tuloy niyang isiniksik ang sarili nito kay Jae, mula roon ay amoy na amoy nito ang pabango ng dalaga.

Hindi halos makapaniwala si Khlar, totoong pinaghirapan niya ang makarating sa sitwasyon nila ngayon. Lahat ng iyon ay naging worth it! Hindi nito pinagsisisihan ang ginawang pansamantalang paglayo sa dalaga.

"H-Hindi ako makapaniwala, liligawan na kita."

Mukhang nakadikit na ang mga ngiting iyon sa labi ni Jae, kanina pa hindi maalis alis. Napadarag niyo noong maramdaman ang kakaonting pagkabasa ng balikat nito.

"K, umiiyak ka?"

Nagmadali siya para pwersahing paharapin sakanya ang binata. Bumulaga rito ang basang mga pisngi ni Khlar.

Umiiyak nga siya!

"Bakit? Ayos ka lang ba?" Hindi na nito maitago ang pag-aalala sa boses. Iniisip kung ano marahil ang dahilan nang pag-iyak ni Khlar.

Umiling lang ito kaya mariing tiningnan ng dalaga, "K naman."

"It's just weird. Valid ba 'pag sinabi kong masaya ako kaya umiiyak ako?"

Doon ay mas lalo lang lumawak ang mga ngiti niya, ngayon ay hindi na nito tuluyang napigilan. Masayang masaya rin siya, iyon ang totoo. Matagal niyang inantay ang mangyari ito pero hindi niya na inasahang magkakatotoo pa iyon.

Iniisip niya pa lang ang posibleng ginawa ni Khlar para sakanya ay halos hindi na niya makontrol ang mga paru-paro sa tiyan.

Marahan ang sumunod na paghaplos ni Khlar sa buhok ni Jae, halos makalimutan na niya ang pakiramdam na kasama ang dalaga. Wala talaga siyang mas isasaya ngayon.

"Wag ka nang umiyak. Andito na 'ko, oh." Mas lalo lang humigpit ang mga yakap, tahimik at nagpapakiramdaman lang ang dalawa.

Sapat na iyon kay Khlar — sobra sobra pa nga. Ganoon pala talaga ang pakiramdam noon, iyong pinagsumikapan mo ang lahat kaya nasasakal siya sa sobrang kasiyahan ngayon.

Naghiwalay lang sa pagkakayakap ang dalawa noong narinig ang pababang yabag ng ina ni Khlar. Ayaw mang istorbohin ni Lara ay gusto niya ring makausap ang dalaga.

"Jae," masiglang pagtawag niya rito. "Tapos na kayo? Tayo naman usap, nak."

Ang totoo, gusto lang makausap ni Lara si Jae para matulungan ang anak. Matagal na nawala si Khlar sa buhay ng dalaga kaya maging siya ay nangangamba din sa posibleng maging desisyon nito.

Nang makaalis si Khlar ay naging hudyat na iyon kay Lara para magsimula. Umupo muna ito at mahigpit na niyakap ang babaeng kaharap.

"Jae, anak." panimula niya. Pero lingid sa kaalaman nito, may mga ititnatago rin pa lang katanungan ang kausap.

"Ano po 'yung mga ginawa ni Khlar?" Nagulat man sa tanong ay masaya na rin ito dahil kahit papaano ay kuryuso rin si Jae sa anak.

Bago sagutin ay malawak niya itong nginitian, impit na humihiling na sana ay ibigay na ng Panginoon si Jae sa anak.

Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon