BU 12

9 0 0
                                    

NAGISING si Jae sa sariling kwarto—maayos ang damit. Kaya kinailangan niya pang halukayin ang isip para lang makumpirma niya ang katotohanan sa nangyari kagabi.

Masakit ang kaibigan niyang naroroon sa baba. May nangyari nga.

Pasimpleng napangiti nalang si Jae, hinatak na siya agad ng antok pagkatapos noon kaya hindi nito aasahang nakaayos na siya pagkagising. Khlar is really thoughtful. Sanay na sanay sigurado siya lalo na't puro rin babae ang nasa bahay.

It's a euphoric feeling! Hindi nito sinasabing tama ang ginawa pero maganda ang naging resulta noon sakanya. She feels light! Parang masaya ito at handang handa na para harapin ang araw.

Hindi naging hadlang ang pananakit ng pagkababae para tumayo siya at maghanda sa panibagong umaga. It's final, nasa maayos na mood siya ngayon.

Walang ibang makakasira noon—

"Jae Abigail! Lumabas ka riyan! Lintik kang bata ka." Nanlalaki ang mga matang agad itong lumabas sa kwartong inuukupa. Pagkalabas sa tanggapan ay nakita niya na doon si Khlar at ang Mama Lara nito na pilit na pinakikiusapan ang mga magulang.

"Malandi ka talagang bata ka! Sa bahay ka pa ng lalaki nagpupunta!" Wala itong nagawa noong lapitan mismo siya ng nanggagalaiting ama. Agad na pinulupot ng ama ang buhok sa mga kamay nito at mapwersang kinaladlad palabas doon.

"Sinabihan na kita noon, hindi ka talaga marunong makinig!"

"Sir, hindi niyo po kailangang—"

"Manahimik kayo! Sino kayo para itago ninyo ang anak ko?" Galit na galit ang ama niya, literal na kulang nalang ay labasan ng usok ang ilong at ang tainga nito.

Hindi halos kayanin ni Khlar ang nakikita. Gusto nitong pigilan ang ama ni Jae, gusto nitong gantihan at saktan. Hindi niya kayang tiisin lang na makita ang babaeng mahal na ginaganon.

"Sir—"

"Manahimik ka sabi! Sino ka ba?!"

Simpleng salita lang ang mga 'yun, pero tumagos sa buong sistema ni Khlar. Sino nga ba talaga siya? Sino niya sa buhay ng babaeng gustong ipagtanggol at ipaglaban?

Pero pumayag ito kagabi, posible rin kayang parehas sila ng nararamdaman?

Nawala ito sa mga naiisip nung malakas ang naging sigaw ni Jae. Kitang kita kasi mula rito ang lakas ng sampal ng tatay nito sakanya kahit nakalabas na sa gate.

Handa na sana siyang takbuhin ang distansya noon kaya lang mariin din siyang pinigilan ng ina, "Sa ngayon 'nak, wala pa tayong ibang magagawa. Ito ang kinatatakot ko, paniguradong sasaktan lang siya nang sasaktan doon."

Nagtiim ng bagang ang binata, hindi maintindihan kung bakit may mga ganong klaseng magulang? Bakit nila sinasaktan ang mga anak? Hindi ba nila ito mahal? Kung dahil sa discipline naman, kailangan bang ganon kalala?

"Ireport natin—"

Marahas na umiling lang ang inang nasa harapan, "Hindi iyon gugustuhin ni Jae." Halos sabay pa silang mapabuntong hininga. "Kaya nga hanga ako sa batang iyon. Marami siyang pagkakataong magalit at magsumbong pero hindi niya ginawa dahil mahalaga sakanya ang mga magulang."

That's my girl. "Kaya ikaw," binalingan niya ang pahabol na sinasabi ng ina. "Pagbutihan mo ang pag aaral, malaki ang tsansang ikaw ang makaalis sakanya sa ganyang buhay."

Posibleng mababaw lang ang sinabing iyon ng ina para sa iilan, pero kay Khlar.. paniguradong dadalhin niya yun papunta sa mga pangarap nito.

"HINDI kana nadala sa nanay mo't talagang ginaya mo pa?" Masakit na ang anit ni Jae, paniguradong daan daang buhok na rin ang nabunot sakanya. Nagmistulang puppet kasi siya ng ama pero imbes na iilang tali ang hawak ay ang buhok ang napagdiskitahan.

"At sa dinami daming bahay na kirengkeng ka, sa lalaki pa talaga ang napili mo?" Pagdating sa kabahayan, hinila naman siya nito agad sa kwarto niya.

"Arjay, tama na!" Wala namang ibang magawa ang nanay niya kundi ang pigilan ang asawa. Sobrang naaawa na rin ito para sa anak, nanghihinang walang magawa para dito.

"Tigilan ko, para ano? Para kunsintihin mo? Tangina, patayin mo muna ako!" Pagkatapos makarating sa tapat ng kwarto ni Jae ay agad din siyang tinulak papasok doon, dahilan para halos mahalikan ni Jae ang sahig.

"Hindi ka lalabas dyan hangga't hindi ka nagtatanda. Tandaan mo yan." Iyon na ang huling sinabi ng ama bago sumunod na malakas na pagsasarado ng pinto.

Kinulong na naman siya.

Naulit lang ang dati.

Inilabas nito ang lahat ng luhang pinipigil niya kanina pa, napuno ng malakas na hagulgol ang lugar. Hindi nito alam kung saan siya magsisimulang mag isip.

Grabe ang kahihiyang naibigay niya kay Khlar at sa pamilya nito, dapat ay hindi na siya doon nagpunta. Dapat una palang naisip na niyang madadamay ang mga ito sa galit ng ama. Dapat hindi na siya tumuloy.

Pangalawa, grabe din ang nararamdaman niyang sakit sa ulo dahil sa pananabunot ng ama.

Sunod, ikinulong siyang ulit. Ibig sabihin, haharapin niya na naman ang mga susunod na araw na naglilibang gamit ang iilang librong naroon.

Ang ibang kailangang isipin ay hindi pa halos maklaro. Ni hindi nito matawagan ang mga kaibigan dahil naiwan nito ang cellphone sa bahay nila Khlar.

Ayaw na niya. Gusto na niyang sumuko.

Pero iniisip niya ang pangarap niya, hindi na niya mararamdaman ang saya kapag nakuha niya iyon kung ngayon palang ay titigil na siya.

Inabot siya ng dilim na ganon ang posisyon, hindi halos magawang tumayo dahil sa panginginig.

Ilang beses niyang pinagdasal na sana hindi na maulit ang lahat, pero kahit anong takbo at iwas niya ay doon at doon lang rin siya bumabagsak.

Ang ilang araw na kasama ang pamilya ni Khlar, nawala ang mga takot niya. Nakalimutan panandali nito ang nangyayaring problema sa mga magulang. Kung pupwede ngang manatili nalang siya roon ay gagawin niya, marami siyang naranasan hindi pa nito magawang maranasan sa loob ng bahay nila.

It was having a real family.

Noong nakapag usap sila ni Mama Lara nung gabing iyon, hindi nito pinaparamdam sakanyang mag isa siya. Alam niyang mali ang ginawa nito pero lubos na nagpapasalamat siya dahil nagawa pa rin siyang tanggapin ng mga iyon.

Sandali niya tuloy naisip si Khlea at Kheiza, ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Si Khlar, ano kaya marahil ang mga naiisip nito? I miss him.

Sa sahig na pinagbagsakan niya ay doon na rin siya nakatulog, marami ang naiisip. Pinipilit takasan ang lahat pero patuloy lang na bumabalik.

Simula pa noon, dinadanas na yon ni Jae. Kailan ba iyon matutuldukang lahat?

Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon