"SIR, galing po kay Ma'am Lara. Kailangan daw po 'yan ngayong araw, ipapasa sa head distributor." Tinanguan niya lang bago lumabas ang sekretarya ng ina. Madaling inanalisa ang papel bago sinimulan ang trabaho.Mag iisang buwan na siya rito, paniguradong magtatagal na iyon dahil natapos na rin nila ang isang taon. Sa susunod, graduating na sila. Sa susunod, second year college na si Jae. Mas kailangan niya pang pag igihan.
Nasa kalagitnaan ito ng paggawa ng report at costing ng tumunog ang cellphone nito, si Axl iyon panigurado. Natawa na lang siya sa pagiging clingy ng kaibigan sakanya, walang araw kasing hindi iyon tumatawag na akala mo ay girlfriend.
"Khlar, I'm having sepanx." Napaface palm na lang doon si Khlar, ang kaibigan niyang ito talaga. "I can't take it anymore. Huhuhu." Napabungkaras ito ng tawa, ang siraulong iyon talaga! Binanggit pa nito nang literal ang tatlong 'hu'.
"Bakit kanino ka naman nahiwalay?" Binaling nito ang paningin sa tinatype at saka niloud speaker na lang ang usapan nilang magkaibigan.
"Sayo, of course!" Eto na nga ba ang sinasabi niya. Mahirap kapag mag isa si Axl sa condo dahil kung ano ano na ang sinasabi. Hindi nito mapigilan ang matawa.
"Weh, sa akin o sa kaibigan ni Jae? Make up your mind! I'm jealous," pagsabay niya nalang doon.
"Vivianne?" Natanong ni Axl, hindi kasi nito maisip kung bakit kailangan pa siyang asarin ni Khlar tungkol doon lalo na at malinaw na nililigawan ito ni Dirk noong huli nilang pagkikita.
"No, si Red."
"What the heck? Did you saw her face? Nakakatakot bud! Para akong malalagutan palagi ng hininga sa inis. Tapos," inaalala pa niya ang babae. "Yung kapag naglalakad siya diba ang lakas ng tunog ng takong? So annoying! Parang siya!"
Napangisi ito ng mas malaki, nitong mga nakaraang araw ay palaging siya ang binubwisit ni Axl. Ngayon, nakahanap na ito ng pang-asar na tiyak ay makakatalo sa kaibigan.
"Bakit? Maganda naman siya ah, BS Biology, mabuti namang kaibigan—"
"Ah, ah. K, I think I'm dying. Bye!" Ang sunod niyang narinig ay ang tunog ng pagputol ng tawag. Hanggang ngayon natatawa pa rin siya, finally hindi na siya maaasar ng kaibigan dahil sa naisip nitong pambala roon.
Malaki ang naging adjustment ni Khlar sa bago nitong pinagkakaabalahan. Noon, kapag sembreak o bakasyon siya ang bantay sa dalawa nitong kapatid o di naman kaya'y sinasamahan niya ito papunta sa lolo at lola nila sa Maynila.
Higit na mas mahirap ang trabahong iyon para kay Khlar, mula kasi sa mga plates noong pasukan ay nagmukha naman itong accountant sa daming kailangang itake note at icompute.
Pero para sa dalaga, he'll conquer all.
Kumpara sa ibang trabaho, nang nakasanayan ay naging madali na lang iyon para sa binata. In fact, nag-eenjoy pa siya doon. Maganda dahil pansamantala niyang nakakalimutan ang nangungulila kay Jae.
Iyon ang pinakamatinding kalaban niya—ang kagustuhang makasama ni Jae, pero matagal na noong nagawa nitong kumbinsihin ang sariling kapag nagtagumpay siya ay maaaring hindi na sila muling magkahiwalay ng dalaga.
Dahil hindi na namamalayan ang dumadaang mga araw, madali na lang ang lahat para kay Khlar. Paminsan minsan nga ay siya pa ang humahabol sa oras dahil sa mga deadline ng trabaho at projects sa eskwelahan.
Sa madaling sabi, ang natitirang isang taon ni Khlar ay naging panandaling hirap para sakanya. Mahirap, oo. Pero nagiging madali at nakakaya niya dahil may gusto niyang maabot. May gusto siyang makuha.
May gusto siyang mahila mula sa kumunoy ng lungkot na ni minsan ay hindi nito pinangarap.
"Si Axl?" Isang araw ay natanong niya si Neil pero nagkibit balikat lang ito.
"Hindi ko na nga nakikita 'yung kolokoy na 'yun," hinarap nito sa Khlar habang nag-aayos ng buhok. "Baka busy na sa college nila. Patayan daw doon ang second year, eh."
Baka nga, sa isip ni Khlar. Practice na nila sa graduation kaya paniguradong naghahabol din ang lalaking iyon sa finals.
Pero buong taon halos na madalang ang paramdam ni Axl sakanila na sadyang napakaimposible sa clingy niyang kaibigan.
"Uy, dali! Ikaw na sunod." Marami man ang gustong organisahin sa utak tungkol sa kaibigan ay pinilit niya ng iwinala dahil sa rami rin ng kailangang gawin.
Sigurado naman siyang magkikita rin sila ni Axl sa graduation.
Kung iisipin ni Khlar ang lahat habang nasa itaas ng stage at sabay sabay na pinapalak pakan ng mg tao, sasabihin nitong parang ipinikit niya lang ang mga mata pagkatapos ay nang dumilat ay nandidito na siya—masyadong mabilis ang lahat sa persepsyong iyon.
Pero alam ng lahat kung paanong sobrang nahirapan si Khlar Romero—Magnacumlaude from the Institute of Architecture.
Hindi man siya ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa batch ay hindi na halos siya makahinga sa sobrang kagalakan. Ang ika-apat na taon sa kolehiyo ang sumubok sakanya dahil sa kinailangan nitong pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Dagdag pa roon ang hindi magkakaroon ng tsansang makita man lang ang minamahal— si Jae.
"Congrats, Neil!" Nauna na siyang bumati sa kaibigang malaki ang ngisi kanina pa.
"Nagawa ko, bud! Kahit madalas nasa laylayan," mabilis na tinawanan niya iyon pagkatapos ay mahigpit na niyakap si Neil.
Malaki ang pasasalamat nito rito dahil siguradong kung wala ang maloko niyang kaibigan ay baka kung saan na siya pupulitin ngayon. Kung saan saan na lang siya makita habang mag-isang kinakausap ang sarili.
"Bromance!" Sabay silang napabaling sa sumigaw. Matalim ang mga titig noong una pero nagtawanan din kapagkuwan.
Masaya si Khlar na makitang muli si Axl, "Bakit ngayon ka lang nagparamdam?"
"Ah. May problema lang sa bahay, K. Pero ano? G ba?" Walang hiya! Kapag talaga sa inuman ay mabilis pa sa alas kwatro ang kilos ng lalaking ito. Itinago na lang ni Khlar iyon sa sarili at agad na binibit ang kaibigan palabas.
Wala siyang mas isuswerte pa sa dalawang kaibigan na dinaluhan siya sa lahat. Iyon ang isa sa pinakamalaking bagay na hindi niya titigilang ipagpasalamat.
Palagi itong nandyan para sa binata kaya ganoon na lang rin ang paghiling nitong maging andyan di para sa mga ito pag sila naman ang nangangailangan.
"Kapag kukuha kayo ng arkitekto, ako na bahala. Libre ko. Basta, binyagan natin agad ng inom."
Nagtawanan at nagsimula na namang mag-asaran ang mga iyon lalo pa noong sinabi ni Neil na kukunin niya talaga si Khlar kahit itutuloy niya rin naman ang pag-aarkitekto. Dahil daw iyon sa wala siyang tiwala sa sarili lalo pa at puro matagingting na tres ang nakukuha niya.
A smile crept into Khlar's face at ngiti iyon ng labis na kasiyahan.
Nakukuha na nito ang kung ano man ang plinano noong una pa lang, isa na lang at talagang matagumpay na siya.
Isa na lang.
Si Jae.
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
Teen FictionWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024