"TANDAAN mo ang pinag usapan natin Jae. Wala akong sasantuhin." Pagkatapos ng tatlong araw na pag absent at apat na araw na pagkukulong sa kwarto ay sa wakas—pumayag na rin si Arjay, ang ama nito na palabasin na ng tuluyan si Jae. Kaya lang, alam na nitong hindi rin magiging normal ang mga susunod na araw sa eskwelahan dahil sa banta ng ama niya.
Hindi siya pwedeng lumapit sa kahit sinong lalaki.
"Iyong kumpare ko sa ibang bansa, pareha kayo ng edad ng anak. Pag nakatapos kayo, ipakakasal ko na kayo dahil kayang kaya tayong gawing mas mayaman noon!" Pinapasok niya sa isang tainga pero pinalabas niya rin agad sa kabila. Ilang beses nang bukambibig niyan ang pagpapakasal ng dalaga sa kung sino.
"Tiba tiba tayo sa pera noon, sigurado!" Halos mag echo ang tawa ng amang nagmistulang demonyo sa paningin niya. "Kaya ikaw, huwag ka ng aarte dyan!"
Iyon ang hindi nito maintindihan. Kaya naman nila ang sariling pamumuhay, parehang may trabaho ang ama at ina. Hindi rin naman sila kinulang sa pang gastos kaya bakit nag aasam pa ng mas maraming pera ang ama?
Kulang na nga lang ay ibenta na siya ng direkta nito sa kung sino.
"Mauuna na po ako." Tahimik nitong kinuha ang bag na dadalhin at dumerecho palabas.
"Khlar, Lara, Kheiza at Khlea Romero. Madali lang lahat ang mga iyan, Jae. 'Wag na 'wag mo akong susubukan." Tumango ito at sumunod ang marahas na napalunok.
Seryoso talaga ang ama niya tungkol doon. Nagawa pa nitong magbanta. Ano pa nga ba ang magagawa niya?
Nadamay na ang pamilyang na yon noong nakaraan, bakit idadawit niya pa ang mga iyon ngayon?
Ilang minuto lang ay tinatahak na niya ang daan papasok sa eskwelahan, iniipon na ang iilang impormasyong pupwedeng ikwento sa mga kaibigan.
"Jae! Oh my Gosh!" Ang mga pasa sa braso ang unang napansin ni Red sa kaibigan, dinaluhan naman agad siya ni Vivianne para sa isang mahigpit na yakap. "That's too much! Ano ba talagang nangyari?"
Bumuntong hininga muna ang dalaga, pilit na kinakalma ang sarili dahil nagbabadya na namang bumuhos ang balde baldeng luha nito. Pigil din halos ang paggalaw dahil sa ayaw nitong makita ng mga kaibigan ang panginginig dahil sa sobrang takot na nararamdaman.
Malulungkot ang mga ngiting nakita niya sa kaibigan, hudyat para malaman na nila ang totoong nangyari.
"BAKIT naman gagawin 'yun ng tatay niya? Kawawa si Jae, bud." Para ng sirang plakang paulit ulit sa utak ni Khlar ang nangyari noon. Kapag ipinipikit nito ang mga mata ay hindi nakalalagpas dito ang paulit ulit na pagpeplay ng akala mo'y palabas sa pelikulang eksena.
Iyong pagkaladkad kay Jae hawak ang buhok nito, ang malakas na pagsampal at paghila sa dalaga. Tandang tanda niya iyong ahat.
"Hindi ko inexpect na ginaganon siya sakanila, K. Masayahing sobra si Jae eh." Sinang ayunan niya ang sinabing iyon ni Axl dahil iyon din ang nasa isip niya. Hindi mo talaga iisipin na sinasaktan si Jae sa bahay dahil masyadong makulit iyon sa personal.
"Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. It's been three days simula nung hindi na siya pumapasok. Paano kung hindi na talaga siya papasukin ng ama? O kung tumigil na siya sa pag aaral?" Ang totoo, ilang araw na ring magulo ang utak niya. Siya nga iyong pumapasok pero lumilipad naman siya kung saan saan.
Kung may maitutulong lang sana siya sa dalaga.
"But Tita Lara has her point as well. Pagbali baliktarin man ang mundo, magulang niya pa rin iyon kaya mahirap din para sakaniya na isumbong ang mga 'yon." Halos ibagsak nito ang ulo sa mesang mesa harap. Sobra ang frustration na nararamdaman nito. Wala na nga siyang magawa, hindi niya pa nakikita si Jae!
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
Teen FictionWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024