BU 9

12 2 0
                                    

GUMISING si Jae sa ibang kama at kwarto. Pero hindi katulad ng mga nagdaang araw, gumising siya dahil sa alarm ng cellphone nito hindi sa sigawan ng mga magulang. Naninibago man ay natutuwa pa rin siya. Ito ay ang peace na matagal na niyang hinihiling.

Hindi pa natigil doon ang paninibagong naramdaman, kumpleto ang mga tao sa mesa pagkalabas niya palang. Lahat ng iyon ay nakaligo at nakapagbihis na rin katulad niya.

"Good morning, ate!"

"Jae 'nak, kain kana. Baka malate kayo ni Khlar."

Ganon pala ang pakiramdam noon, ganon pala ang pakiramdam ng may buong pamilya.

Umupo agad si Jae, nagsimulang kumain at piniling makipagkwentuhan sa maliliit na kapatid ni Khlar. Mga bibo ang mga iyon, medyo malayo sa pagiging seryoso ng kuya. Mahina siyang natawa sa sarili.

"Uhm, si Khlar po ba?" Bumaling na siya ngayon kay Lara, ang mama ni Khlar na busy na din sa pag aayos ng sarili at pagkain.

"Yun nga iha eh, pwede bang ikaw na ang tumingin? Baka nakatulog ulit iyon, mahuhuli na kayo."

Sa naisip na pupwede nga silang mahuli, agad na tinakbo ni Jae ang distansya dining area at ang hinihinalang kwarto ni Khlar. Bukas iyon kaya hindi na siya nagdalawang isip na pumasok.

"Khlar—oh my gosh!" Malakas ang pagkakasarado niya sa naunang binuksang pintuan. Paano ba naman kasing hindi nagsasara ng pinto ang lalaking iyon?

Padabog naglakad si Jae pabalik pero umayos din agad nung natanaw ang mama ni Khlar. "Papunta na daw po siya rito."

Nauna nang matapos si Jae sa paghahanda at dumerecho na sa kotseng gagamitin nila ni Khlar papasok. Tatlo ang kotse nilang naroon, higit na marami para kay Khlar at sa mama niya.

Doon niya palang naisip kung nasaan ang papa ni Khlar, nasa ibang bansa kaya?

"Kayo lang?" Hindi na napigilan ni Jae ang magtanong, nasa daan na sila papasok.

"Kami lang ang ano?" Habang nagmamaneho, hindi mawala sa isipan ni Khlar ang nakita ng dalaga noong nagbibibis pa lamang siya. Paminsan minsa'y natatawa ito, naalala ang reaksyon ni Jae.

Nag ayos muna nang pagkakaupo si Jae bago sunod na nagsalita, "Ang papa mo, asan siya?"

Binalingan naman agad ito ni Khlar, kapagkuwan ay dumerechong muli ng tingin sa daan. "Patay na si Papa."

Oh my! Dapat ay hindi ko na tinanong. Halos mabatukan ni Jae ang sarili, how can I be so insensitive? Ako na nga ang nakikitira, ako pa itong tsismosa.

"I'm sorry.."

"It's fine." Derecho parin ang tingin ni Khlar sa daan, pinipilit ang sariling huwag nang maapektuhan.

Ang sagot naman na iyon ni Khlar ang nagpatigil kay Jae, dapat talaga'y hindi na siya nagtanong. Ngayon tuloy mas curious pa siya sa kung anong nangyari.

Dumating ang lunch at ang mga kaibigan ni Jae ang kasama niya, ani Red ay kailangan niya daw magkwento—iyon daw ang utang niya.

"Go na, ano na ngang nangyari?"

Talagang madalian nilang tinapos ang tanghalian para makapag kwentuhan kaya naman hindi na niya binitin ang mga kaibigan. Agad niya ring sinimulan ang pagkukwento, doon sa pagkauwi niya hanggang sa madaanan ito ni Khlar.

"That's too much! Pupwede namang ireport ang mga 'yan!" Kahit si Red hindi maitago ang inis, totoo naman kasi. Sinasaktan na nga si Jae ng mga magulang, pinalayas pa ito!

"Red, alam mo namang hindi ko kayang gawin iyon sa mga magulang ko." Iyon naman talaga ang totoo, marami na siyang naging pagkakataon noon para makapagsumbong pero mas pinili pa rin nitong manahimik. Hindi dahil iyon ang tamang gawin kundi dahil hindi niya kayang isumbong ang mga magulang niya.

Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon