"HOW'S your night? I tried texting you pero hindi kana nagreply kaya.." Nang makuha ni Khlar ang mga titig nito, hindi na niya muli pang inalis ang mga iyon. Para bang inaantay ng lalaking tingnan rin siya ni Jae.
"Ah." Hindi naging maganda ng umaga niya pagkatapos ng nangyari kagabi. Nagising siyang wala ang mga magulang kaya hindi na muli pang nadagdagan ang gulo pero ang sama ng loob ay nandoon pa rin.
Ang galit ay nandoon parin.
Hindi na nito mabilang kung ilang beses niya na bang hiniling na sana, kahit hindi na magkaayos ang mga magulang niya, hindi na ito mag away lalong lalo na sa harap niya. Sana ay hindi na siya muli pang mapagbuntungan ng galit, sana ay hindi niya muli siyang saktan ng pisikal.
Gusto pa sana nitong hilingin na kung pupwede ay sana huwag na rin siyang masaktan sa emosyonal na aspeto pero alam niyang iyon na siguro ang pinakahuling mangyayari sa buong buhay nito, at wala paring kasiguraduhan ang mga iyon.
Ang pag iisip ng galit maging ang sama ng loob ay lubos nakaapekto kay Jae lalo na sa exam nito. Hindi nito nagawang makapag aral at kung magkaroon man ng pagkakataong buklatin ang mga libro, wala ring pumapasok na kaonting impormasyon sa utak niya kahit ilang beses niya pang ulit ulitin ang mga iyon.
"Okay lang naman." Muli nitong hinarap si Khlar na may mga ngiti sa labi. Kakakilala palang ng dalawa at ayaw na nitong bigyan pa ang binata ng panibagong poproblemahin.
Nakita nito ang mabilis na pagkislap ng mga mata ng lalaki bago sinuklian ang pag ngiti nito, "Alright. Tell me kung anong gusto mong pagkain."
Sa narinig ay agad itong tumango at binalik ang mga mata sa menu na hawak. Kailangan talaga nitong kumain, dahil kung hindi mababawasan lang lalo ng mababawasan ang enerhiya niya para sa susunod na exam kinahapunan.
"Well, except for me.. of course." Sandali siyang natigilan, mariing tsinek kung si Khlar ba talaga ang kasama nito.
"I'm joking, Jae." Doon ay saka palang siya nagsimulang tumawa. "Sino naman ang nagturo niyan sayo?"
Hindi alam ni Khlar kung bakit niya pa yun sinabi at bakit pa nga ba ito nakikinig sa mga payo ng kaibigan. Ngayon tuloy ay siya ang nahihiya! "Si Axl."
Marahan itong yumuko na parang nawalan bigla ng lakas ng loob, ilang beses niya na bang nasabi sa sarili na bully si Jae?
"Now alam mo na kung kanino lang dapat makinig." Hindi parin tumitigil sa kakatawa akg dalaga. Para kay Jae, hindi naman talaga ang sinabi ni Khlar ang tinatawanan niya kundi ang reaksyon ng binata sa sarili.
"Let's rewind, please. Ayoko nang maalala 'yun!"
Napailing nalang siya at hinayaan doon si Khlar na hindi parin makamove on sa nararamdaman nitong kahihiyan pagkatapos ay umorder.
Khlar is a nice guy, alam niya sa sarili niyang hindi na niya kailangan makipagtalo pa roon. Sometimes, he's just so good to be true.
Hindi kasi nagbabago ni minsan man lang ang ugali ni Khlar at ang pakikitungo nito sakanya. Minsan, nakakatakot. Pero naiisip rin ni Jae na hindi naman kailangan ang matakot dahil malakas rin naman ang tiwala niyang may iilan pang tao ang katulad ni Khlar.
At kahit lumipas pa ang isang buwan, nanatili sila sa ganon. Hindi na napaghihiwalay at kung may oras ay sabay papasok at pauwi. Kung hindi naman kasama ni Jae ang mga kaibigan ay paniguradong si Khlar ang kasama nito.
Saktong sakto pa nga ngayon na parehas natagpong wala silang klase ni Khlar sa hapon, kaya katulad ng aasahan, magkasama na naman ang dalawa.
"Hi, Jae." Tipid na nginitian niya lang si Axl na unang bumati sakanya pagkarating niya sa lugar nila Khlar sa East Campus. Doon na rin kasi nila napag usapang magkita.
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
Teen FictionWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024