BU 10

11 1 0
                                    

"ANAK, ayos ka lang ba talaga?" Bumagsak nalang ang mga balikat ni Khlar, pang ilang beses na siyang tinatanong ng ina dahil hindi nito mapigilan ang mawala sa sarili—iniisip ang panghahalik ni Jae sakanya.

OA na siya! Alam niya na yun. Pero hindi nito mapigilan ang sarili.

Bakit ba kasi ganto kalakas ang epekto ni Jae sa akin?

"Nako, hayaan mo na 'yan si Khlar iha. Paniguradong problemado lang yan sa mga plates niya." Pinaningkitan niya lang ng mata si Jae na ngayon ay hindi na halos makahinga sa kakatawa sakanya.

Nang matapos sa pagkain, sumakit naman ang paa niya kakasunod sa mga babae nitong kasamang mamili ng kung ano anong kailangan 'kuno' nito.

"Eto, isukat mo yan Jae. Ako na ang bahala."

"Nako, wag na po. Ayos na po ako sa mga damit na pinahiram niyo."

Paminsan minsan ay nangingiti sa pagpipilit ng mama niyang bilhan si Jae. Masaya dahil nagkakasundo naman ang dalawa.

"Dali na, I'll be very sad kapag—"

"Isusukat ko na po, wait lang."

Sa mga pangyayaring ganto, hindi tuloy mawala sa isip niya kung paano kung andito ang papa niya. Paniguradong matutuwa rin iyon kay Jae.

Hanggang ngayon ay sinisisi niya pa rin ang sarili. Kung nag ingat lang sana siya, kung hindi na siya pumayag na ipagmaneho ang ama noong araw na 'yun edi sana hindi pa nawala ang papa niya. Hindi nahihirapang lumaki ang mga kapatid niya dahil mayroong kumpletong pamilya.

Ilang taon na simula nung nangyari iyon pero hindi niya pa rin halos matanggap. Mas malapit ito sa ama niya noon palang, siya nga rin ang dahilan kung bakit ginusto nitong maging arkitekto. Gusto niyang maging katulad ng papa niya pero dahil lang pala sakanya mawawala iyon.

Gusto niyang saktan ng saktan ang sarili, gusto niyang pahirapan iyon pero palaging may pumipigil sakanya twing iisipin niyang subukan.

Mahirap at habangbuhay niya na atang dadalhin ang hindi matapos tapos na paninisi niya sa sarili dahil sa sinapit ng sariling ama.

"Hindi ka makatulog?"

Malapit na mag alas dies na ng makauwi sila, kung hindi pa ata magsasarado ang mall ay hindi pa magpapaawat ang mama niya. Wala namang problema dahil wala namang pasok ang mga ito kinaumagahan.

Pagdating nila, hindi na nagpapigil ang mga kapatid niya sa pagtulog dahil sobrang antok na raw ang mga ito. Maya maya ay nagpasya na rin silang magpahinga pero nang maramdamang hindi siya dinadalaw ng antok ay bumaba na muna ito sa living room. Doon ay nakita rin niyang nakaupo si Jae, parang may malalim na iniisip.

"Hindi eh."

Ang totoo, nag aalala rin ito para sa dalaga. Iniisip niya rin kung ano na maaari ang ginagawa ng mga magulang nito o kung hinahanap man lang ba siya.

Umupo ito sa tabi ng dalaga, gustong ipaalalang andito lang siya para Jae. Malinaw na sakanya ang nararamdaman, noon pa man. Pero malinaw rin na hindi dapat nito madaliin si Jae. Nasaktan na ito dahil sa panloloko ni Raizen kaya alam niyang may kaonting takot pa rin ang dalaga para sa isang relasyon.

Isa pa, may problema pa itong iniisip ngayon kaya hindi naman magandang magsisingit pa siya ng panibagong iisipin ng dalaga.

"Ilang taon na silang ganyan. Hindi nga ako pinapalayas pero kinukulong naman ako sa kwarto. Iiwan ako doon madalas ng nakalock ang mga pinto. Madalas akong sinasaktan at binubugbog, kaming dalawa ni mama. Pero ewan, bakit hindi ko pa rin magawang magsumbong man lang." Hindi nawala ang titig niya kay Jae. Ngayon alam niya na kung ano ang mga iniisip nito at kung bakit hindi makatulog.

"Gusto kong matigil pero hindi ko man lang ginagawan ng paraan. K-Kasi natatakot ako Khlar.." Sandamakmak na paraan para matigil ang dalaga sa pag iyak pero ang pag yakap ang napili ni Khlar gawin.

Pero imbes na tumigil ito sa pag iyak ay mas lalo lang napahagulgol si Jae, ang mga yakap noon ay maraming ipinararating at isa na don ay ang andito lang ang binata para sakanya.

Minalas lang talaga siya sa mga magulang nito pero hindi sa ibang tao—mga kaibigan.. pamilya ni Khlar at siya mismo.

Nang mag angat muli ng tingin si Jae ay sinalubong na niya ang nag aalalang tingin ni Khlar. Pagkatapos ng mga yakap na iyon ay mas naging magaan ang pakiramdam niya kaya ngiti na ang isinukli niya rito. Maswerte siyang may iilang tao pa ring makakakita ng halaga niya bilang tao at bilang babae.

Natigil lang ang iisip ni Jae nang naramdaman niya ang malalambot na labi ni Khlar sa labi niya, nanlalaki pa ang mga mata noong sinubukan niyang suklian ang mga iyon.

Mabagal at maingat ang mga halik niya na para bang isang mababasaging bagay si Jae na hind niya hahayaang masira. Maiingat ang mga halik na iyon na naghahatid ng kiliti sa sistema ni Jae.

Ibang iba kay Khlar, Jae thought. Walang katulad ang mga halik na 'yun.

Pagkatapos ng halik ay nag antay lang ulit ng ilang segundo si Khlar para mapusok namang halikan ang mga labi ni Jae. Salungat sa nauna, madiin at mabilis namang halik ang iginawad ni Khlar ngayon, ipinararamdam kay Jae na sakanya siya at walang pwedeng makakuha sa babae.

Hinihingal nang maghiwalay sa pangalawang beses ang mga labi ng dalawa, parehas mapupungay ang mga mata.

Nang inilapit pang muli ni Khlar ang mukha sa dalaga ay awtomatikong napapikit si Jae, inaantay ang paglapat ng mga labi ng lalaki sakanya pero agad ding natauhan noong naramdaman ang halik sa noo nito.

"Subukan mo nang matulog. Goodnight, Jae." I love you, gusto niya pang ipahabol pero nawalan na siya ng lakas ng loob kasabay ng pagkawala ng dalaga sa paningin niya dahil pinili na rin nitong bumalik sa kwarto.

KUNG ang mga iniisip niya tungkol sa mga magulang ang unang rason kung bakit hindi siya nakatulog dahilan para lumabas sa kwarto, ngayon ay ang mga halik na pinagsaluhan nila ng binata.

Bakit hindi mawala 'yun sa isip ko? Nagawa na niyang magpagulong gulong sa higaan pero hindi pa rin siya magawang bisitahin ng antok. Kahit pinagod na niya ang mga mata kakabasa ng kung ano ano, dilat na dilat pa rin ang mga iyon.

Kaya kinaumagahan, pinilit na nito ang sariling tumayo kahit dalawang oras palang ang tulog niya. Itong mga mata niya naman kasi, hindi pa pipikit kung hindi pa makikitang pasikat na ang araw.

Ayaw naman nitong gumising ng late dahil wala naman siya sa sariling bahay at kailangan rin niyang tumulong sa mga gawaing bahay dito.

"Hala, Ate! Ano pong nangyari sa'yo?" Dahil sa pagsigaw na iyon ni Khlea, napatingin tuloy ang lahat sakanya.

"May sakit ka ba anak?" Tahimik lang siyang umiling sa tanong ng mama ni Khlar pagkatapos ay sinamaan ng tingin ang lalaking nakatingin rin sakanya at nag aayos ng sarili.

"Kumain kana dyan, iha. Maaga kasi ako ngayon, kailangan sa trabaho. Pagkatapos ay itong si Khlar, may mga bibilhin din para sa eskwela. Iiwan ka muna namin dito kasama itong dalawang makukulit na to ha?" Masigla ang naging pagsang ayon niya. Syempre magugustuhan niya iyon!

Mas magiging close pa siya sa dalawang kapatid ni Khlar, mapupunan din ang kagustuhan nitong magkaron ng kapatid.

Pagkatapos niyang mag almusal ay iyon na rin ang naging pag alis ng dalawa. Silang tatlo—siya, si Khlea at Kheiza ay inaaksaya ang oras sa panonood. Pero hindi maalis sa utak niya ang nangyari, dahil sa Khlar na iyon hindi siya nakatulog.

Pinukos niya ang sarili sa pag iisip ng paraan kung paano makakaganti, maliliit ang mga naging tawa nito sa likod ng utak.

"Khlea? Anong pinakaayaw na pagkain ng kuya mo?" Inosenteng napabaling sakanya ang babae pagkatapos ay nag isip.

"Ampalaya ate!" Si Kheiza na ang sumagot, parehang naguguluhan ang dalawa sa tanong ni Jae.

"Kung samahan niyo akong magluto?" Mabilis pa sa alas kwatro ang pagkilos at pagpayag ng dalawang bata.

Brace yourself, K.

Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon