CHAPTER 8

606 39 3
                                    

Maaga akong nagising para maghanda ng Breakfast. Pakanta kanta pa ang Lola niyo habang nagluluto..

"Panalangin ko sa habang buhay.."


Nang biglang dumating si Manang Rosie and Manong Cesar with Dominique and Becca. Si Manong and Manang sumabay sa akin.


"Makapiling ka, makasama ka, Yan ang panalangin ko!!"

"At hindi papayag ang pusong ito!!" - Manang Rosie, tinapat ko po sa kanya ang sandok hahaha.

"Mawala ka sa'king piling, Mahal ko iyonh dinggin!!" - Manong Cesar

"HAHAHAHAHA!!" - We all laughed, yeah including Becca.

"What's up? Bakit maingay?" - Si King kong hahahaha XD

"Ahh, Hijo naabutan kasi namin na kumakanta si Georgina habang nagluluto, eh Theme song namin ni Cesar yun kaya sinabayan na namin" - Manang Rosie

"Kay ganda pala ng boses mo Ineng, pwede ka nang isali dun sa Da Boys? Pero di ba dapat pang lalaki lang yun? Ba't may mga sumasaling babae?" - Manong Cesar

"Tay naman, Voice po hindi Boys. Aga nyo naman mag joke eh." - Becca

"HAHAHAHAHA!!" - All

"Sige na po, kain na! Masarap yan, specialty ko yan. Adobo for Breakfast!"

"Breakfast? Adobo? Di ba uso sayo ang diet?" - King

"Sus, diet diet pa! Kung anong meron sa hapag, lantakan na. Dami pang arte eh."

"Whatever."

"Ang sarap naman neto George!" - Dom

"Syempre! Ako pa!"

"Yabang." - King

"Ikaw King kong ka ha! Wag mong sinisira ang umaga ko. Che! Akyat na po ako."

Inisnob ko muna si Kibg bago pumunta sa room ko and did my rituals before going to the University. Ano ba naman yan! Hassle, anlayo tuloy ng lalakbayin ko.

Pagkababa ko, nakita ko si King.

"Huy ano tatakas ka?"

"Huy ano tanga ka? May pasok kaya PO! Una na ko."

"Sabay na tayo, dont get me wrong. Ayoko lang matakasan."

"Edi go!"

Umalis na kami pero syempre gamit ang sari-sariling sasakyan. And syempre nag part na kami ng ways. Pagkarating ko sa UST, eto pang aabutan ko.

"Anyare teh? Haggardness ang Fes?! Saang parte ka ng mundo nakipagsapalaran?" - Daphne

"Ay inday tigilan mo ako, badtrip ako."

"Lagot ka Daphne! Sinabi ko naman sayo na masama magalit ang mga super saiyan eh! Mamaya tawagin niya si Goku." - Ivo, BF niya na bespren din namin.

"Kayong dalawa, pag di niyo ko tigilan rarakin ko yung mga FB niyo at Sisiraan ko pa kayo. Gusto niyo umpisahan ko ngayon?!"

"Ikaw naman Joke lang. Ang ganda ganda mo nga eh." - Daph

"Blooming na blooming oh." Hinawakan pa ni Ivo yung buhok kong naka pony tail.

"Whatever."

Nagtuloy tuloy ang araw ko na wala ako sa sarili ko. Ewan ko ba pero may nasesense akong di magandang mangyayari. Pagkatapos ng klase, nagbye na ako sa dalwang kumag at pagkalabas ko, andun si King. Andaming pulutong ng babae na nakapaligid sa kanya.

"Hey Georgina! Over here!"

"Mukha mo!"

Pinaharurot ko ang kotse ko hanggang sa may nakita akong di kanais nais na nagpapaalala sa akin ng past ko. Naglalakad siya papunta sa isang coffee shop para.. para puntahan ang babaeng mahal niya, mas mahal niya saken kaya nagawa niya akong gamitin para mapalapit dito. Nakita ko rin sa side mirror na nakasunod na si King sa akin. Binilisan ko ang takbo ng sasakyan ko hanggang sa mapadpad ako sa lugar, lugar kung saan niya ako binitawan, lugar kung saan niya inamin ang lahat.

Forever within a Month (JaDine) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon