- George -
Hayy, tignan mo nga naman oh, papaalis na ako sa bahay na 'to pero aalis ako ng pagod at walang ka day off - day off. Heto't magtatapon ako ng basura ngayon, haiist! Ang baho ah? Kadiri. Isinarado ko yung gate at pumasok na sa mansion.
Maya-maya pa't natapos ko na ang lahat, hayy.. pasok na ako sa room ko. Tinignan ko ang lahat ng photos namin ni King sa Phone ko na kinuhanan lang kahapon.
"Ikaw! Ang pogi mo pala, nakakainis. Baka mamaya mafall na ako sayo, tapos ikaw di mo naman ako sasaluhin." Tinuturo turo ko yung picture ni King sa phone ko.
Pero ang nakakagulat lang ay ang..
"GEORGINA! GEORGINA! BUMABA KA NGA DITO!" si King yun ah? Ano na namang iniinda nun?
"Yeah! Coming!" Bumaba na ako at nakita ko ang galit na galit na poging King Kong este King Henson pala at nakapamewang pa.
"Ano pong kailangan niyo?" Nakita ko rin na nakapaligid silang lahat kay King na waring takot na takot.
"Ikaw ba ang huling lumabas?!"
"Ewan, siguro. Nagtapon ako ng basura sa labas kanina, so siguro ako nga."
"IKAW?! NAWAWALA SI SPEED AT MAY NAKAIWAN SA GATE NA NAKABUKAS!"
"Wait! Pinagbibintangan mo ba ako?"
"Sino ba dapat ha? Tell me?" He said, then move closer to me.
"King Hijo, hayaan mo na." - Manang
"Speed is missing, and you're telling me na hayaan ko na lang Manang? Alam niyo naman kung gaano kahalaga sa akin si Speed! Siya na ang kasama ko simula noon pa!"
Biglang may lumabas galing sa C.R. Si Jane! Baka si Jane!
"Dianne Jane, ikaw siguro ang nahuling lumabas kanina noh?"
"W-what? Hindi ah."
"Teka nga Georgina, don't put the blame on her." - King
"Wow ah? Then why are you putting the blame on me? Kampihan na pala ganun? Oh sige, wala rin naman akong magagawa.. hahanapin ko na lang si Speed!Hmmp! Kainis."
Lumabas na ako at kung saan saan na ako nagpunta para mahanap lang siya kaso.. wala talaga eh. Napaupo ako dun sa swing ng playground ng mga dumila sa kamay ko.
"Ay patatas!"
"Arf! Arf!"
"Speed! Thank God. Tara na uwi na tayo. Ikaw naman saan saan kaya kita-- ay patay umuulan!"
Wala naman masilungan edi maligo na lang , medyo malayo layo pa kaya heto't nahihilo hilo na ako dahil sa nilalagnat na ata ako.
Feeling ko, nagewang na ang palogid ko kaya napaupo na ako. Pero bago ako mawalan ng malay, alam ko at nakita ko si Dominique at sinigaw niya ang..
"George!!"
BINABASA MO ANG
Forever within a Month (JaDine) (COMPLETED)
Teen FictionMaaaring aksidente silang nagkakilala pero di mo rin masasabi sa kalagitnaan ng istorya nila kung aksidente nga ba o tadhana ang pilit na pinaglalapit sila. Forever within a Month? sabi nga ng Famous line ng mga bitter ngayon "Walang Forever" pero m...