Ilang araw na akong di pinapansin ni King at galit siya sa akin, actually mas okay yun para walang makulit pero kasi ayoko nang may kaaway. Kaya eto magtatanong ako kay Becca, wala si Dom eh.
"Hello Becca!"
"Anong kailangan mo?"
"Agad agad?"
"Bakit ano pa ba? Were not even friends."
"May itatanong lang ako."
"Itanong mo na."
"Bakit nagalit si King nung sinabi ko sa kanya na.. wag siyang magtaka kung lahat ng taong meron siya ay iiwan din siya kasi nga kahapon naguusap kami tungkol sa family."
"Ano? Sinabi mo yun?"
"Unli unli? Oo nga di ba."
"Eh kasi dati may Girlfriend siya, si Jane. Mahal na mahal niya yun pero isang araw, umalis na lang siya ng walang paalam. Pupunta daw sa States para dun mag aral. Eh sinabi daw, may BF na daw yun kaya ayun, simula noon, naging babaero na siya. Gabi gabing may dalang babae, syempre di mapigilan, siya boss namin eh. At saka ba't ba kinukwentuhan kita eh di naman tayo friends?"
"Ah okay." So ganun pala, hahahaha LAGOT AKO!
"Ha?"
"Magsosorry ako. Bye!"
Pumunta ako sa kwarto niya. Nasa labas na ako ng biglang may narinig na naman akong kung anong paguungol dun sa kwarto niya and syempre may nagtakip na naman sa tenga ko.
"Sorry for the second time." Dominique, while covering my ears, paano ko narinig? Ewan hahaha.
"Ayos lang hahaha. Ang weird lang talaga, ganun ba siya maglabas ng frustrations? Hahaha."
"Hayaan mo na. Wala tayong magagawa dun, ano ba kasing ginagawa mo dun?"
"Ha? Mag sosorry ako. Wag mo nang itanong kung bakit kasi mahabang istorya po. Tara baba na lang tayo."
"Sige."
Bumaba na kami at nakita namin sa mga benches sa labas ng mansion na nakaupo sina Manang at Manong with Becca.
"Hi everyone."
"Uy yung epal anjan na." - becca
"Grabe ah! Ansarap pala ng hangin dito, kanino tong gitara?"nakita ko kasi sa gilid kaya kinuha ko at tinono.
"Sa akin yan Hija, marunong ka bang tumugtog?" - Manong
"Ah opo, tinuruan ako nung Teacher na hinire ni Daddy."
Nagisip muna ako ng kanta na makakarelate sila para maksabay din sila.
".. heto na! Heto na! Heto na waaah!
Doo bi doo bi doo bi doo bi doo waahh!"
TAPOS SUMABAY NA SILANG LAHAT AT KASAMA SILA MANONG AT MANANG.. HAHAHAH LAFTREP XD
Sa aking peripheral vision, nakikita ko si King na nanonood sa amin, tapos na ba sila? -______-
Tapos naku po, heto na at na hot seat na ako..
"Hija, kaganda mo namang bata pero nagkaroon ka na ba kasintahan?" - Manong
"Ha? Ah eh.. "
"Kayo na lang po magkwento sa love life niyo Manong, parang kailangan ata niya ng Privacy eh."
GRABE DOM! CRUSH NA KITA PRAMIS!
"Ah ganun ba? Kami ni Rosie, nagkakilala kami sa isang pista sa bayan, nagkabungguan kami at natapon ang mga pagkain na dala niya kaya't sinungitan niya ako."
"Aba't sino ba namang di magagalit? Eh bago yung damit ko noon."
"Eh aminin mo at napogian ka din saken nun!"
"Ayyiie! Kadiri naman yan!" - Becca
"HAHAHAHAHA!!!" nasaan na kaya si King Kong? Hahaha nawala eh.
Bigla na lang silang nanahimik at ako naman, takang taka.
"Bakit?" Ako.
"Manong, parang ngayon ko lang po yan narinig mula sa inyo?" Si.. si.. si King?! Pero nagmumula sa likod ko yung boses, ibig sabihin, KAYA SIYA NAWALA DUN SA PINTO DAHIL NASA LIKOD KO SIYA?
"A-ah.. Oo Hijo, pero matagal na yun. Tara na Rosie, mga bata pasok na at malamig na dito sa labas."
Nagsialisan na sila at kaming dalawa na lang ni King ang natira. Nakikita ko pa rin ang shadow niya eh!!
After siguro ng 5 minutes of silence, aalis na sana siya kaso..
"King!"
"What?!"
"S-Sorry na!!"
"Bakit ka nagsosorry?" he's using his creepy smile.
"Kasi, kasi tama ka. I dont know you too well, i judged you. Kaya sorry."
"Okay." Saka siya tumalikod.
"Huy! Ano ba nagsosorry na nga eh!"
Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad papunta sa kwarto niya. Ako rin ay umakyat na sa kwarto ko.
Habang nagiisip ng peace offering, kumulo yung tiyan ko kaya bumaba ako para magtimpla ng Milk.
*LIGHT BULB!!*
Bibigyan ko na lang siya ng Milk. Pagkatapos ko magtimpla, dinala ko na to sa room niya, pero sarado.
"King, alam ko gising ka pa. Sorry na nga di ba? Eto milk oh, kunin mo na baka lumamig pa. Bilis!"
Naghintay ako ng limang minuto pero ayaw pa rin, bahala ka magtitimpla na lang din ako. Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Dom.
"Oh Dom? Gising ka pa?"
"Di ako makatulog eh."
"Teka, inumin mo to oh, para antukin ka."
Ininom niya na nga at..
"HAHAHAHA! ANG CUTE MO MAY GATAS KA SA LABI! HAHAHAHA!"
"Ha? Eh Ikaw din naman eh hahahahaha!"
Tawa lang kami ng tawa ng biglang nag ring yung phone ko.
(Hello?)
(It's already 11:00 o clock and you're still awake! Ang ingay ingay nyo dyan sa baba! Saka may nagsosorry ba na tawa pa ng tawa?!)
(Chill ka lang ba't galit?)
(Hayy! Kainis! Pangit ng lasa ng gatas!!)
*Toot toot toot*
"Dom, tulog na ako. Bye!"
"Sige, salamat sa gatas." I smiled at him. As i went upstairs, i saw the glass of milk, pero guess what? UBOS NA UBOS KAYA PAANONG PANGIT ANG LASA?
"Ang arte arte mong King Kong ka ha! Goodnight!" Sabi ko sa labas ng kwarto niya.
I dont know but natulog ako ng may ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Forever within a Month (JaDine) (COMPLETED)
Teen FictionMaaaring aksidente silang nagkakilala pero di mo rin masasabi sa kalagitnaan ng istorya nila kung aksidente nga ba o tadhana ang pilit na pinaglalapit sila. Forever within a Month? sabi nga ng Famous line ng mga bitter ngayon "Walang Forever" pero m...