Ang daming nangyari sa buhay ko, syempre after kong maka graduate dun na ako nagtrabaho sa ibang bansa, I'm now a Flight Stewardess. Pabalik na ako sa Pinas, it's been 2 years since tumungtong ako dito sa Pilipinas. Na miss ko ang polusyon! Hahaha, pero syempre meron pa akong isang taong di maiwasang ma miss.. bukod sa magulang at mga kaibigan ko, hulaan niyo! Pero syempre alam kong alam niyo na yun.
"Hija, lalo kang gumanda." Si Dad.
"Thanks Dad."
"Mana sa akin yan eh.." Mom said.
"Eh I can't really imagine na yung dating sobrang napakasimple at boyish na babae na kapatid ko ay isnng flight stewardess na. I'm really proud of you Georgina."
"Thanks Kuya Alexis, first time yan ah."
"Oh hija, wala ka banag gustong puntahan? Mga friends mo?"
"Actually Mom, aalis ako ngayon. May pupuntahan lang po."
"Si King yan Mom!! Woohoo!!"
"Shut up Kuya, I don't have any connections to him since umalis ako kaya paano mangyayari yun?"
"Just guessing."
"Alis muna ako Mom, Dad. Babalik ako mamaya, siguro before seven andito na ako."
"Allright."
Pumunta ako sa kaisa isang lugar na nagpapaalala sa akin ng lahat, sa isang lalaking nagsabi sa akin na papalitan daw niya ang memories na naiwan dito sa bay ng magandang memories pero di naman napanindigan, sa bagay.. may point siya kasi di naman kami dito nagtapos eh, sa mansion niya. Bumabalik ang lahat pero matapang na ako, matapang na akong harapin ang lahat. Wala na akong tatakasan ni iiwasan man, I'm stronger na.
"Paupo ha?" Umupo ako sa bench na bato dun sa bay, sa tabi nung naka wheel chair. Ewan ko ba kung lalaki o babae.
"Umupo na ako, di ka naman umangal eh." Sumimpleng silip ako sa mukha niya at nakita kong naka tingin siya sa malayo, naka shades, putlang putla, payat na payat, naka hoodie at may hawak na.. ano yun? Album? Teka.. wow, Apo Hiking Society, kung pwede lang hiramin eh, hayy naku.
"Alam mo ba? Isa akong lalaking walang kwenta." Sabi niya, so lalaki pala siya? Pasensya, di ko kita yung mukha eh.
"Hala bakit naman?"
"Kasi pinakawalan ko yung babaeng mahal na mahal ko." Nakatingin pa rin siya sa malayo, di man lang tumitingin sa akin, well, iba ang ayos ko eh, naka make up..naka heels..kulot at brown ang buhok at maputi ako ngayon kung icocompare mo sa itsura ko dati. Girly girly na nga, bakit? Nasisilaw si Kuya sa beauty ko kaya ayaw tumingin hahaha.
"Eh bakit mo pinakawalan? Mahal mo pala?"
"..I thought, that's the best way of saying 'I have a lung cancer and I dont want you to be involve sa mga problema ko' kaya ginawa ko lahat ng ayaw niya."
"Hala ka, bakit naman ganun? Pero infairness, sa kwento mo parehas kayo ng ex ko eh, kaso sya wala siyang sakit. Iniwan lang ako."
"Ginawa ko lahat ng ayaw niya, nangbabae ako, umiinom ako gabi gabi.."
"Parehas nga kayo, pero mas pogi lang siya sayo.."
"Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon hanggan sa mamatay ako." Bigla niyang nabitawan ang album.
"Uy Mister, nalaglag." Syempre simpleng silip sa album, pero nagulat ako sa nakita ko.
..Hihintayin kita Bae, hanggang sa muling pagbabalik mo, ibibigay ko 'to sayo...
BINABASA MO ANG
Forever within a Month (JaDine) (COMPLETED)
Genç KurguMaaaring aksidente silang nagkakilala pero di mo rin masasabi sa kalagitnaan ng istorya nila kung aksidente nga ba o tadhana ang pilit na pinaglalapit sila. Forever within a Month? sabi nga ng Famous line ng mga bitter ngayon "Walang Forever" pero m...