- Author -
Hindi alam ni King ang gagawin, na mis understood kasi ni Georgina ang lahat. Unang una, hindi hinalikan ni King si Jane dahil sa mahal niya pa ito, ginawa niya ito para lang patunayan sa sarili niya na mahal niya na nga talaga si George kaya't nung halikan niya si Jane, wala na, wala na talagang pagibig.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, kumunsulta muna si King sa mga kaibigan niya kung ano bang dapat gawin. Samantalang sa kabilang banda naman.. nagiimpake na si Georgina. Naabutan naman siya ni Manang na umiiyak.
*Tok tok tok* pinahid ni George ang Luha niya bago..
"Pasok!"
"Hija, bakit di ka pa nagaalmusa-- teka? Umiiyak ka ba? Nag away na naman kayo?"
"Ha? Di po ah."
"Teka, anong ginagawa mo? B-bakit ka nagiimpake?"
"Ahh, remember po? January 28 ako dito nakitira, and it's already February 28 kaya naka 1 month na ako. Hahaha ang saya po di ba?" Nagulat siya nung yakapin siya ni Manang Rosie.
"Hija, babae din ako. Alam ko ang nararamdaman mo, iiyak mo ang lahat. Hindi mo kailangan magpanggap sa harapan ko."
Sa balikat ni Manang Rosie bibuhos lahat ni Georgina ang mga hinanakit at sakit na nararamdaman niya.
"T-tama na po. Aalis na ako, baka abutan pa ako ni King dito at baka mag away na naman kami."
"Halika nga at ihahatid na kita sa labas. Papahatid ka kay Cesar ah?"
"Opo."
Bumaba na sila ng hagdan na kasabay naman ng pagpasok ni King sa pintuan.
"G-george, where are you going? What's with the luggages?"
"King, aalis na ako."
"Hindi pwede! No! Hindi ka aalis!!"
"Aalis ako whether you like it or not. Naka 1 month na ako dito, at wala ka nang maisusumbat sa akin! Ginawa ko ang parte ko kaya do what's yours!!"
"W-wait!! Pwede.. pwede bang dito ka muna? Pwedeng bukas ka na lang umalis?"
"Papayag sana ako kaso wala namang 29 ang February eh." Sabay alis ni Georgina sa kamay ni King na nasa kanang kamay niya.
"Bye King, Thanks for breaking my heart."
Lahat ng mga pangyayari ay nakatatak na sa isip at puso ng mga bida ngunit ang pinakamatatandaan ni George na nakita niya sa araw na ito? Yung ay ang pagtulo ng mga luha sa mata ni King dahil sa labis na pagmamahal niya sa babaeng mali ang pagkakaintindi sa pagmamahal niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/29130415-288-k475539.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever within a Month (JaDine) (COMPLETED)
Teen FictionMaaaring aksidente silang nagkakilala pero di mo rin masasabi sa kalagitnaan ng istorya nila kung aksidente nga ba o tadhana ang pilit na pinaglalapit sila. Forever within a Month? sabi nga ng Famous line ng mga bitter ngayon "Walang Forever" pero m...