Agad akong bumaba ng kotse ko at huminto sa isang lugar na nagpapaalala sa akin kung paano ako ka pathetic, na ginamit lang ng isang tao for his own sake. Nasa isang bay ako at bumabalik lahat ng nakaraan ko.
Nagulat ako ng may biglang tumabi sa akin.
"Nakakagulat ka naman, ang bilis mong magpatakbo. Ano bang naikot sa kokote mo at naisipan mong pumunta dito?!" Si King. Nginitian ko na lang siya kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa mata ko.
"H-huy! Bakit ka umiiyak! Baka sabihin ng mga tao inaway kita! Tahan na nga, sorry na uy sorry na nga!"
"Hahahaha, duwag ka pala eh." Tinatago ko ang lahat King, kasi ayokong makita ng ibang tao kung gaano ako kahina. Ayoko nang kaawaan, sawa na ako. Tumayo ako at pinagdikit ko ang kamay ko sabay sigaw ng..
"ROBBY KO! MISS NA KITA! MASAKIT PA RIN, SOBRA!!" Iyak ako ng iyak eh kasi naman eh!
"H-huy! Ano ba tama na, sino si Robby?"
"H-ha? Wala! Arte ko lang yun! Tara na nga." Naglakad na ako pabalik sa kotse ko pero bago ako makasakay tibwag ko ulit siya..
"KING!"
"Oh?"
"Don't worry, di kita tatakasan. I'm a woman of my words, pag sinabi ko, ginagawa ko. Di ako nagbibitaw ng mga pangakong di ko kayang tuparin."
Pagkasabi ko ng MALA-TELENOVELA kong litanya na yan ay pumasok na ako sa kotse ko at tumungo na sa bahay.
Mabilis kaming nakarating at magkasunod lang, pagkapasok ko sa bahay ni King, nakita ko si Dominique.
"Hello George, Magandang gabi."
"Good Eve din Dom."
"May problema ba?"
"Ha? Wala. Pagod lang ako, sige akyat na ako ah." Tumungo lang siya kaya umakyat na ako. Since dala ko naman yung Laptop ko, nag online ako sa FB and unexpectedly, may nag friend request, and guess what? Dalwa pa sila.
Robert John Valdez and Dianna Jane Salazar
Ang dalawang taong nagtraydor sakin, na noon ay parehas kong bestfriends. Well, masyado pang maaga para pag usapan natin yan kaya skip muna tayo. At yaman din lamang na nageffort sila na bwisitin ako, edi i accept na. *Click*
*scroll down* *plop!*
Robert John Valdez - Hello Alexa, Good Evening :)
at ang kapal pa ha? Smiley? Woah grabe.
George Lacsamana - What do you need?
Robert John Valdez - Nothing. Just wanna say hello.
George Lacsamana - Oh okay.
Robert John Valdez - How are you?
Sa tingin mo ibababa ko pa ang pride ko? Di na men. Never!
George Lacsamana - Good.
Robert John Valdez - Oh it's nice to hear that. You already have a BF?
Aba't! Nang aasar ba 'to? Leche flan naman oh!
George Lacsamana - No time for that.
Robert John Valdez - Ah okay. Where are you studying and what course?
ANG KULIT MONG KULUGO KA!!!
George Lacsamana - UST, Tourism. K bye.
CLICK LOG OUT! HAAYY BUHAY KAINESSSS!
*TOK TOK TOK*
"George kakain na."
"Coming! Go ahead." Nagbihis muna ako and ready na. Bumaba na ako at kumain.
BINABASA MO ANG
Forever within a Month (JaDine) (COMPLETED)
Teen FictionMaaaring aksidente silang nagkakilala pero di mo rin masasabi sa kalagitnaan ng istorya nila kung aksidente nga ba o tadhana ang pilit na pinaglalapit sila. Forever within a Month? sabi nga ng Famous line ng mga bitter ngayon "Walang Forever" pero m...