CHAPTER 31

556 36 0
                                    

- George -

Napagod ako kasi namasyal pa kami ni Robert, ang saya ko nga kasi nung binilhan niya si Dianne ng jeweleries, napasama din ako. Bestfriends ring ang tawag ata, basta para sa amin lang, kaya sa sobrang tuwa ko, nahalikan ko siya sa pisngi. Okay lang naman yun di ba?

Nagulat ako nung tawagin ako ni Kuya Alexis.

"George, maya tawag ka!!!" Parang bilanggo lang eh noh? Haha.

"Coming!!" I shouted.

"Hello? Who's this?"

"George, si Dom 'to."

"Uy Dom! Miss na kita!"

"M-miss na din kita, kaso di yun yung dahilan kung bakit ako napatawag."

"Why?"

"Si King kasi.. "

"Oh? Ano na namang meron dun? Babae na naman?"

"Hindi, lasing kasi siya."

"Oh anong bago dun?"

"Yun na nga eh, lasing na lasing pagkauwi niya kanina. Tapos umiiyak, sumisigaw! Tapos nagbabasag, nasa kwarto, nagkulong."

"What??"

"Kaya nga pumunta ka dito, pangalan mo ang isinisigaw, tawagan ka daw namin."

"Oh sige, 20 minutes."

"Bye." "Bye."

Binilisan ko at nang makaabot ako sa Mansion niya..

"Uy George, nasa kwarto, nagwawala." Sabi ni Becca.

"Uy infairness, namiss kita."

"Bilisan mo!'

"Ah okay!" Nakita ko silang lahat, haay it's really good to be back here.

*Tok tok tok*

"LEAVE ME ALONE!! GEORGE, WHY ARE YOU DOING THIS TO ME!! *blag!!*"

"HOY KING, KUMAG KA! BUKSAN MO 'TO! BALIW KA NA BA?"

"George?? Ikaw ba yan??"

"Oo! Loko loko ka! Ang drama mo!!" Natawa tuloy ang lahat, symepre pinapagaan ko lang ang atmosphere.

"George.." he hugged me.

"King, I can't breathe."

"Thank God you're here."

"Maiwan muna namin kayo." Sabu ni Manang.

Nang makaalis na silang lahat..

"King ano ba? Bakit mo ginagawa 'to?"

"George I want to explain everything."

"Oo na, sige umpisahan mo."

"Alam mo, nung pagkababa mo at naabutan mong hinalikan ko si Jane, may napatunayan ako."

"A-ano yun?"

"Na wala na talaga akong pagmamahal para sa kanya, na ikaw lang talaga. Hindi ko naramdaman sa kanya yung naramdaman ko nubg hinalikan kita." Hinawakan niya yung kamay ko.

"Georgina, totoo lahat ng sinasabi ko. Yung nahuhulog na ako sayo? Yung sooner or later, mamahalin kita, eto na oh, mahal na nga kita."

"W-weh? Totoo?"

"Oo nga, Promise."

"Asus! Nilolo —- Oomph!!" He kissed me.

"Naniniwala ka na?" He smirked.

"Oo na."

Gumaan ang nararamdaman ko, nawala lahat ng pangamba, lahat ng pag aalala na baka niloloko lang niya ako ng dahil sa pamamagitan ng.. isang halik. Isang halik na nagpatunay na mahal talaga niya ako, at hindi lang isang ilusyon ang ipinararamdam niya sakin.

*BAKIT ANG DRAMA NG OTOR?*

Forever within a Month (JaDine) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon