- George -
Papasok na ako sa UST nung makita ko si.. King with Robert and Dianne.
Bilis..Bilis ng Lakad George!!
"Hi Alexa!!" Dianne said.
"H-hi!" Binilisan ko pa..
"Georgina.." humarap ako saka ko naman nakita si King na parang nagpapaawa ang mukha at gusto akong kausapin.
"A-ah, King..pasensya na ah! Nagmamadali ako eh. Bye!!"
Sobrang bilis ng takbo ko para lang maiwasan siya. Buong araw nga akong kinokonsensya nung dalawa sa tingin, syempre sinabi na din dun kila Daphne and Ivo.
"Georgina Alexa, kausapin mo na kasi.!"
"Daphne, di ganun kadali yun."
"Eh alam mo naman magisip ang mga lalaki, syempre di susuko yun. Malay mo paglabas mo mamaya, nasa labas pala at hinihintay ka."
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Ivo, anong idadahilan ko?
"Matuwa ka na sinusuyo ka niya, kasi iba ang lalaki pag napagod." - Ivo
"Anjan na, papakawalan mo pa ba? I'm sure, hahanap hanapin mo siya." - Daphne
Gulong gulo na ako kung ano ba talaga ang gagawin ko, hanggang sa naguwian na. Di nga nagkamali si Ivo, naghihintay nga siya.
"Georgina..."
"King, ano kasi eh...*kring kring* teka! May tumatawag, sagutin ko muna." Lumayo layo ako at nakita kong tumatawag si Robert.
*Oh?*
*May ginagawa ka?*
*Pauwi na.*
*Punta tayo Mall, bibilhan ko si Dianne ng gift, monthsarry namin tomorrow, samahan mo ko.*
*SIGE! SIGE, PUNTA NA AKO DIYAN SA PARK BA?*
*Oo, ge bye.*
"King, pasensya na ah, may pupuntahan pa kasi ako eh."
"Saan? Samahan na kita!"
"Ay, hindi na, may kasama ako."
"Kasama? Sino?"
"Si... Robert."
"A-ah, okay. Magiingat ka. Bye." Sabay alis at paharurot na umalis.
- King -
Kainis! Badtrip naman yang Robert na yan, akala ko ba ipapaubaya na niya saken si Georgina? Ang linaw ng usapan namin kanina eh.
Di muna ako umalis at pinauna ko si Georgina, saka ko nalaman kung saan siya pupunta noong sonundan ko siya, at nakita ko siya with.. Robert. Sa isang Park, hanggang sa sinundan ko pa rin sila sa Mall, pero di ko inaasahan na ganun pala siya pag kasama si Robert. Bakit ganun? Sobrang saya niya, abot tenga ang ngiti samantalang sa akin kulang na lang eh mag walk out siya.
Nasaktan ako sa nakita ko, lumabas sila sa isang shop ng mga jeweleries at sa sobrang saya niya, hinalikan niya sa pisngi si Robert. Bakit? Dahil binilhan siya ng jewelry ? Kaya ko rin naman siya bilhan nun. Mayaman din naman ako, pero bakit parang mas gusto niya kay Robert?
Susuko na ba ako?
BINABASA MO ANG
Forever within a Month (JaDine) (COMPLETED)
Teen FictionMaaaring aksidente silang nagkakilala pero di mo rin masasabi sa kalagitnaan ng istorya nila kung aksidente nga ba o tadhana ang pilit na pinaglalapit sila. Forever within a Month? sabi nga ng Famous line ng mga bitter ngayon "Walang Forever" pero m...