Simula

194 26 10
                                    

"Life is a choice." Masyado na yatang gasgas ang mga salitang yan. Given na siguro na ito ang advice na matatanggap mo tuwing magbabahagi ka sa isang kaibigan o mapagkakatiwalaan. Pero choice pa rin ba ng isang tao ang mainggit? Siguro may part nga, pero naniniwala ako na malaki ang ambag ng mga taong nasa paligid mo kung bakit ka nakakaramdam ng insecurities.

Society has norms, human that surrounds you set standards, at kapag hindi mo na-reach ang mga 'yun, maaaring maraming tanong ang mabuo sa isipan mo at pwedeng doon ka magkaroon ng inggit na parang gabi-gabi o kaya'y kapag nag-iisa ka siya ang magiging kasama. Hindi ka papatulugin at unti-onting papatayin ang buong damdamin mo.

Bakit kaya ng iba?

Bakit sila may gano'n?

Bakit masaya sila?

Bakit parang sobrang halaga nila?

Bakit ako hindi?! Bakit hindi ako?!

I'm starting to believe that I was born to be an option rather than a choice. Maybe hindi ako pinanganak para mahalin at piliin.

Lumaki na lang akong maraming insecurities and believe me, no one dare to release that on me. Mas lalo pa nga nilang pinapalaki. Habang tumatagal ang existence ko sa mundo, unti-onti kong nararamdaman na wala akong value.

Baka nga habang buhay kaibigan ko na ang inggit na meron ako.

Hanggang isang pangyayari at araw ang tuluyang nag-trigger sa akin na makaramdam pa lalo ng inggit.

"Nag-message na sa'yo?" Nabalik ang aking wisyo nang tanungin ako ni Ate Elena, high school classmate ko.

Sinara ko ang aking notebook at inilagay sa bag para makauwi na.

"Hindi pa eh, " malungkot na sabi ko. "It's been one week ate," dagdag ko pa.

Mas matanda si Ate Elena sa'kin ng isang taon kaya nasanay akong ate ang tawag ko sa'kanya.

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim at masuyo niya akong tinitigan.

"Diretsuhin mo na kaya, Venus." Sabay haplos sa buhok ko, "baka ghoster 'yun ah!"

Napailing na lang ako sa sinabi niya.

"Parang hindi naman kasi eh. Mag-iisang taon na kaming may mutual understanding kaya naniniwala akong hindi siya ganon." Pinaglaban ko pa si Ian.

"Mutual understanding," may diin sa sinabi niya. "Walang kasiguraduhan diyan, Venus." Napailing pa siya.

"Kaya nga handa na akong i-level up, ate. Kung sakali man siya ang unang boyfriend ko."

"Pero kung ako sa'yo, diretsuhin mo na. Hindi ka ba nagtataka? Isang Linggo na siyang walang paramdam sa'yo!"

Tiningnan ko lang siya at hindi na nag-abalang sumagot pa dahil may punto ang sinabi nya.

Nagpaalam na rin kaagad ako nang makita ko ang kotseng naghahatid at nagsusundo sa akin, nakaparada na sa parking lot ng school.

"Ma'am!" Agad akong pinagbuksan ng aking driver na si Manong Rene, parang magka-age lang sila ni Daddy.

"Thank you Manong," nakangiti kong saad.

"Ayos ka lang ba Ma'am?" tanong niya bago bigyang pansin ang manibela.

Nginitian ko siya at tumango kahit pa nakatalikod na ito sa akin.

Tahimik lang ako buong biyahe kaya naman nang tumunog ang cellphone ko, agad ko itong sinagot.

"Caloy?" bungad ko, "napatawag ka?"

Kaibigan siya ni Ian kaya nae-excite ako dahil baka may mahalaga siyang sasabihin.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon