Kabanata 28

40 13 0
                                    

Mabilis akong nagtungo sa Hospital at nararamdaman kong nakasunod ang mga magulang ko maging ang mga kaibigan sa akin. Wala akong ibang maramdaman kundi kaba. Hindi ko alam ang gagawin kung may mangyaring hindi maganda kay Venus.

Hinihingal na ako pero pilit kong tinatakbo ang pasilyo kung nasaan ang kwarto niya. Mabuti nga at wala siya sa emergency room dahil hindi ko na alam ang sisisihin ko kapag nalaman kong malala ang lagay niya.

"Isaac!" naiiyak na tawag ni Marthina at sinalubong ako nito.

Nakita kong walang kagalos-galos ang katawan niya pero ang dumi ng mukha nito dahil nagkalat ang make-up niya kakaiyak.

"Walang hiya kang bruha ka!"

Isang sabunot ang ginawad ni Aphrodite sa'kanya nang maabot niya si Marthina.

"Hanggang kailan mo papahirapan ang kapatid mo ha?" naiiyak nitong sabi."Walang ginagawa si Venus sa'yong bruhita ka!" singhal nito.

Mabilis na inawat ni Mama ang dalawa samantalang ako ay hindi na makagalaw dahil nanghihina na sa mga nangyayari.

"H-hindi ko sinasadya," naiiyak na sabi ni Marthina. "S-sinundo niya ako para sabay kaming pumunta sa bahay nila Isaac," paliwanag pa nito.

"Oh tapos? Ano? Sinagip ka na naman ng kapatid mo ha?"gigil na gigil si Aphrodite.

Nakita kong nanghihina na rin si Marthina kaya pumagitna ako sa'kanila.

"M-maniwala kayo. Hindi ko sinasadya." Iyak siya nang iyak pero pinipilit niyang maging malinaw ang paliwanag niya. "N-naabutan niya akong wala sa sariling tumatawid sa kalsada habang gumagamit ng cellphone. H-hindi ko n-naman alam na may parating na sasakyan."

"Si Venus pa nag-suffer dahil sa kashungahan mong bruhita ka!" Dinuro-duro siya ni Aphrodite.

"Tumigil na kayo," saway ni Mama. "Hindi kayo nandito para mag-away kundi para kay Venus."

Nanahimik si Aphrodite pero iniirapan pa rin si Marthina nang lumabas si Tito Marthin.

"Tito kumusta po si Venus? Saan po ang masakit sa'kanya? Ano po ang lagay niya?"

Sunod-sunod kong tanong. Naramdaman ko ang paghawak ni Papa sa balikat ko at ang titig ni Tito Marthin sa'kin.

"Maayos na si Venus," sagot ni Tito kaya nakahinga ako nang maluwag. "Napilay ang kaliwa niyang paa at may galos siya sa noo at kamay pero bukod doon wala ng nangyari pang mas malala."

Naglabas ako ng hangin sa bibig at sinapo ang noo ko.

"Nagpapahinga lang siya ngayon at natutulog."

Tumango ako bago itap ni Tito ang balikat ko. Mabilis akong pumasok sa kwarto ni Venus para tingnan siya.

Mahimbing itong nagpapahinga kaya marahan kong hinalikan ang noo niya.

"You're still selfless baby," bulong ko sa'kanya. "Pinili mo na naman ang kaligtasan ng iba kaysa sa kaligtasan mo," dagdag ko. "Napakabuti ng puso mo, and I'm proud of you."

Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya pagkatapos narinig ang pagbukas ng pinto. Pumasok roon si Marthina at si Doctor Reyes. Tumikhim ako bago sila pagtuonan ng pansin.

"Nasaan sila?" tanong ko kay Marthina at ang tinutukoy ay ang mga kasama ko kanina pati si Tito.

"Inasikaso ni Daddy 'yung bills, sinamahan siya nina Tito at Tita. Samantalang sila Laurence, Christian at Aphrodite ay lumabas para bumili ng pagkain."

Tumango ako bago tingnan si Doctor Reyes.

"Doc kumusta po siya?" tanong ko ulit kahit alam kong nasa mabuting lagay na siya.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon