Kabanata 13

56 12 0
                                    

Kanina pa pabalik-balik ang tingin ko kay Isaac dahil tahimik itong nagbabasa sa harapan ko. Talagang acads is life siya dahil full scholar siya sa school na 'to at dapat makasama siya sa dean's list at the end of our sem kaya 'di ko siya masisisi na ganyan siya ka-seryoso.

"Siswang? Awra lang ako sa labas.Maygash! Hindi ko bet tumambay rito," bulong ni Aphrodite sa'kin at tumingin-tingin sa buong library.

Inirapan ko siya at dahan-dahang sinabunutan.

"Come on, bukas na ang prelim natin!" hindi ako agree sa gagawin niya.

"Later magre-review ako sa baler," bulong niya at isinara ang librong kanina niya pa tinititigan at hindi naman binabasa.

Tumayo siya at kinalabit si Isaac pero isang tingin lang ang ibinigay nito.

"Gora na akis ha." Tapos nag-wave pa ang bruha at lumakad na parang Ms. Universe palabas ng library. Tsk.

Tinitigan ako ni Isaac kaya nginitian ko siya nang tipid.

"Bored ka na ba?" tanong niya kaya umiling ako. Sanay ako sa pagre-review pero hindi yata ako sanay na may kasama ako kapag ginagawa ko ang bagay na 'to.

"May hindi ka ba ma-gets?" tanong niya ulit tapos nakanguso akong umiling dahil gets ko naman lahat.

"Ocakes lang. Sige mag-review ka lang," mahina kong sabi at nginitian siya.

"Sure ka?" tanong niya kaya tumango ako.

Binalik niya ang tingin sa libro at nagsimula itong magsolve sa kanyang scratch paper. After how many minutes hindi ko namalayan na hindi na ako nagbabasa sa libro ko at nakangiti ko na lang siyang pinapanuod habang nagsosolve.

I really admire his personality, hindi ko ikakaila 'yun. He's Isaac and I don't know if there's another human like him. He's gentle, he is good-looking and I like his manly scent, honestly. Tapos napaka-caring at talino pa. A man like him is rare.

"Stop staring, baby girl."

Namilog ang mata ko nang magsalita siya at agad itong iniwas sa'kanya nang mag-angat siya nang tingin.

"H-huh?" tanong ko at kunwaring nagbabasa ng libro.

"Kanina ka pa nakatingin." Nararamdaman kong nakasmirk siya tsk.

"S-saan?" tanong ko.

"Sa'kin?" kunwari siyang nagtanong.

Wow! just wow!

Hindi na ako makagalaw pa kaya nag-stay ang tingin ko sa libro habang namamawis na ang kamay. Maya-maya ay narinig ko ang mahinag pagtawa niya kaya mas ngumuso ako.

"Tara na! Let's eat," pagyaya nito sa akin.

Dahan-dahan akong tumango at inayos ang sarili bago nakayukong tumayo.

"Chin up you're beautiful," he hold my chin para makatingin ako sa'kanya.

Umirap ako at inalis ang kamay niya sa chin ko pero imbes magalit mas lalo siyang natawa sa reaksyon ko.

"Pa-fall," singhal ko sa'kanya at nanguna sa paglakakad pero dahil mabilis ang lakad niya naabutan niya ako.

"Seryoso naman ako ah, maganda ka." Nakita ko ang maamo niyang mukha habang nakatingin sa akin.

Umiling ako dahil hindi ko mapigilan ang kaba sa puso. Hindi ko alam ang sasabihin at magiging reaksyon.

"Na-fall ka na?" tanong niya at tinaas-baba ang kilay.

Tinarayan ko siya dahil hindi ko alam ang gagawin. Masyadong awkward ang tanong na 'yun. Tsaka anong na-fall? Hindi uso sa'kin 'yun duhhh!

Na-fall tsk! No way!

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon