Kabanata 27

40 11 0
                                    

"Are you sure you want to eat here?" tanong ni Venus sa akin nang magdecide kaming kumain sa Korean restaurant.

Tumango ako kahit pa hindi ako sigurado kong magugustuhan ko ang mga pagkain dito. Ang totoo basta kasama ko siya wala na akong angal kung anong lugar o kainan man ang pupuntahan namin. Ang mahalaga lang naman sa akin ay nasa tabi ko siya.

Sabado ngayon at nangako kaming buong araw kaming magkasama.

"Venus?"

Nag-angat kami ng tingin nang marinig naming may tumawag sa'kanya. Sa tono ng boses na 'yun ay parang nagulat siyang nakita niya si Venus sa lugar na ito.

"Oh my-!" gulat na sabi ni Venus nang makita niya ang apat na babae sa harapan namin.

Tumayo siya at isa-isag bineso ang mga babae.

"Kailan ka pa nakauwi? Last time ang alam ko nasa America ka pa!" gulat na sabi ng isa.

"Last day lang actually," sagot ni Venus. "How are you? Kayong lahat?" tanong nito.

"Uh-we're fine," sagot ng unang nagsalita.

Actually silang dalawa lang naman ang nag-uusap samantalang ang tatlo ay parang nahihiya pang magsalita dahil kaharap nila sa Venus.

"Grabe you improved a lot!" wika nito at muling niyakap si Venus.

"Thank you! Kayo rin naman," nakangiting tugon ng girlfriend ko. "By the way si Isaac nga pala." Sabay tingin si Venus sa akin.

Tumayo ako at nakipagkamay sa apat bilang respeto.

"Isaac," pagpapakilala ko. "Boyfriend ni Venus."

"OMG HUH! HE'S HOT!"  manghang sabi ng kaibigan niyang nagsasalita kanina pa.

Ngumiti lang si Venus bago ipakilala sila.

"Isaac, si Sheena." Tiningnan niya ang babaeng kanina pa nagsasalita. "Si Niña, Krisha and Jessa. Old friends ko."

Ngumiti naman ang tatlo bago tumingin ulit kay Venus.

"Uh-Venus masaya kaming makita ka ulit!" sa wakas nagsalita na si Jessa.

"Ako rin talaga," si Niña.

"Ang totoo n-namiss ka namin." Hindi na napigilang maging emosyonal ni Krisha at mahigpit na niyakap ang kaibigan.

Hindi na alintana sa'kanilang nasa public area kami at maraming nakakakita pero hindi sila nagpatinag na iparamdam kay Venus na sobrang namiss nila ang kaibigan.

"Gusto lang namin mag-sorry sa nagawa namin," bulong ni Jessa habang niyayakap siya.

"Actually sobrang nagsisi kami dahil do'n," si Niña.

Isang mahigpit na yakap lang ang tinugon ni Venus bago siya magsalita.

"It's fine guys. Bata pa tayo no'n and ocakes na talaga!" Natawa siya at niyakap ulit ang mga kaibigan.

Isa talaga sa part ng healing ay ang pagpapatawad. And forgiving is a sign of being brave. Kaya proud ako kay Venus na napatawad na niya ang mga taong nagdulot ng pain and insecurities sa'kanya. And because of that, I am totally sure na she's already healed.

"I just learned that the most important thing in this world is your pure and kindest heart." Sinamahan ko si Venus sa isang event na siya ang speaker. Karamihan sa mga nakikinig sa'kanya ay mga kabataan. Masaya kong kinukuhaan ng litrato ang babaeng minamahal ko pa nang sobra-sobra.

"You may accept criticism and judgement. But if you know who you are and you're just doing nothing but kindess, you will be contented."

"Lahat ng pangit na nakikita mo sa sarili, baka yan ang gamitin ng Diyos para pagandahin ang buhay mo."

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon