Kabanata 3

69 17 5
                                    

"Siswang sinetch ang nang-warla sa'yo at mukhang wala ka sa mood?" tanong ni Aphrodite sa akin dahil kanina pa ako tahimik.

Lumingon ako sa buong cafeteria at nasulyapan ang magkaibigan na magkatabing nakaupo. Nakita ko ang pag-ngiti ng isa at niyakap ang friend niyang may pinakita sa'kanya.

Nahawa ako sa mga ngiti nila.

"Ang gandaaa naman!"

Agad nabaling ang tingin ko sa babaeng tinutukoy ng lalaki.

Palapit pa lang ang sa tingin kong girlfriend niya pero compliment na kaagad ang binungad nito.

"Hoy!" kinalabit ako ni Aphrodite kaya naman binigay ko ang atensyon sa kanya.

"Inggit ka? Wala kang jowa?" pang-aasar niya kaya naman umirap ako at bahagya siyang sinabunutan.

"Ang sarap lang siguro sa feeling kapag may taong nakaka-appreciate sa kung sino at ano ka. 'Yung pipiliin ka kahit anong mangyari," sagot ko.

Natawa siya at kiniliti ako.

"Drama beks!" sabi niya. "Gandara ka naman ah.Oh na-appreciate kita!" Hinawakan pa ang pisnge ko.

"Tss," singhal ko at tinawanan siya. "Alam mo magpa-kalalaki ka na lang, jowain mo ako!" natatawa kong biro sa'kanya.

Sinabunutan niya ako kaya naman tumawa ako nang malakas.

Parang hindi nasaktan kanina hahahaha.

"Kala ko ba gandara ako?" I just want to ignore what happened earlier.

"Oo nga pero sis kadiri naman kung jojowain kita ewww!"

Mas lalong lumakas ang tawa ko nang pinakita ang nandidiri niyang mukha.

"Tapos na ako diyan, sis!" dagdag niya pa. "Pinilit kong magmahal ng girlalu kaso wit nangyari mamsh! Kadiri!" Nilabas niya pa ang dila para sabihing diring-diri siya.

Tumawa ako at bahagya siyang kiniliti kaya natawa kaming dalawa.

Napatigil ako dahil hindi ko na napigilan magtanong.

"Sis may ask ako sa'yo," biglang pagseseryoso ko.

"Anes?" Umayos ulit siya nang pagkakaupo at inayos ang mga buhok naming nagulo na kakaharot.

Matiyaga niyang sinusuklay ang aking mahabang buhok gamit ang kanyang daliri.

"Hindi mo ba bet 'yung kilos tsaka pananalita ko?" tanong ko sa'kanya.

Tiningnan niya ako habang nakanguso.

"Why mo naman in-ask?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako bago siya sagutin.

"Nothing but I just want to know."

Huminga siya nang malalim at tiningnan ako.

"You know what, prangka akong tao te kaya kung ayaw ko sa'yo, sasabihihin ko. Pero ikaw? Oo medyo maarte ka magsalita tsaka maharot ka, alam mo 'yun hindi ka mahinhin at Maria Clara gumalaw at pomorma pero bet na bet ko ang ugali mo," sabay halik siya sa pisnge ko. "Bet na bet nga kita maging friendship for lifetime e." Pagkatapos no'n ay niyakap niya ako.

Gusto kong maiyak sa sinabi niya. At least there's someone na nakaka-appreciate sa akin.

"Really?" tanong ko.

"Yes sis!" puno ng sensiridad niyang sagot.

"Yieeeee thank you!" Pinanggigilan ko siya habang niyayakap.

"Arte mo. More drama ka today!" singhal niya sa akin kaya natawa ako.

Mabilis na natapos ang araw. Umuwi kaagad ako after my last subject. Buong biyahe ay kinausap ko lang si Kuya Rene para hindi na ako mag-isip pa ng kung anu-anong bagay.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon