Kabanata 18

36 13 0
                                    

"Oh how's Isaac birthday?" tanong ni Daddy nang makauwi kami ni Marthina kinabukasan.

"Ang saya Dad!" natutuwang sabi ni Marthina at niyakap ang parents namin. "Ang saya nga po niya eh, sobrang na-appreciate niya. Paano ba naman ang effort ng ginawa ko."

Tipid akong ngumiti at niyakap din ang magulang.

"Are you ocakes, Mom?" tanong ko kay Mommy.

"Yes Venus," maliit na ngumiti si Mommy.

"Come on Mom! Tell me, magpacheck-up na kaya tayo. I can see na you're not feeling well this past few months," sabi ko at hindi tinanggal ang titig sa'kanya.

"No Venus. Kami na lang ng Daddy mo ang magpapatingin kay Doctor Reyes."

Kumunot ang noo ko at tinitigan pa si Mommy.

"Don't worry Venus, ako ang bahala sa Mommy mo. Better na mag-focus kayo sa acads niyo at magpa-finals na," singit ni Daddy.

Labag man sa loob ko dahil gusto ko sumama sa pagpapatingin kay Mommy ay tumango na lang ako dahil alam kong hindi ako mananalo kay Daddy.

"Anyway Dad, I'll make sure na makakapasa ako sa finals and mapapasali ako sa dean's list so don't worry." Si Marthina naman ang sumingit sa usapan at niyakap si Daddy.

"That's good anak!" masayang sabi ni Daddy at ginantihan si Marthina ng yakap.

Tiningnan ko na lang si Mommy at ngumiti ito. Naalala kong ipapaalam ko na palang kami na ni Isaac. Nasabi ko na 'to kay Marthina kanina pero wala naman siyang reaksyon.

"Ah Mom' Dad may sasabihin pala ko," sabi ko.

Tiningnan na ako ng parents ko pero muling sumingit si Marthina.

"Uh-Mom' Dad may ipapakita pala ako sa inyo sa room ko. Tara po!" Hinila ni Marthina ang mga magulang ko paakyat sa hagdan kaya hindi na ako nagsalita pa.

Naging busy ang mga lumipas na araw sa akin. Finals na at kailangan ko ng mag-review. I want to be in the dean's list din kaya push na push akong makakuha ng matataas na score ngayong finals. Inayos ko rin at ginandahan ang mga presentation ko para mas mataas ang grades.

"Sis pwede bang itigil na muna natin 'tong kakabasa super haggardness na ako!" reklamo ni Aphrodite habang nagbabasa kami ng reviewer na ginawa ko.

Umirap ako sa hangin bago siya titigan.

"Please samahan mo naman ako. I need to be perfect sa mga exam!" pagmamakaawa ko sa'kanya.

"Hindi kasi kita maintindihan sis eh. Hindi mo naman kailangan ma-perfect yang exam kasi sakto lang naman nakukuha mong score!" Pinagkrus niya pa ang mga braso niya sa dibdib. Siguro nga bored na 'to.

"Maiintindihan mo 'ko kapag buhay mo ang buhay ko, Aphrodite." Tipid akong ngumiti sa'kanya.

I just want my parent's recognition for me. Kapag nagawa kong makapasok sa dean's list sure akong matutuwa sila at mapapasaya ko sila. Hindi lang sila kay Marthina magiging proud.

"Nako ha! Sinasabi ko sa'yo 'di mo kailangan makipag-kompetensiya sa kapatid mo!" sabi ni Aphrodite sa akin. "Hindi niya naman maaagaw si Fafa Isaac sa'yo no! Heller! Legit bebe mo na kaya siya," sabay parang kinukuryente itong humalakhak.

Mas masaya pa siya kaysa sa akin nang sabihin kong kami na ni Isaac.

"Hindi naman sa ganon sis," sagot ko. "Taon-taon kasi palagi kong nakikitang napapasaya ni Marthina sina Mom and Dad dahil may achievement siya. Nakakainggit lang kasi hindi ko nabibigay 'yun." I sighed. "Siguro kaya siya ang favorite dahil na rin matalino ang kapatid ko at siya ang inaasahang magiging successful sa amin."

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon