Kabanata 8

44 15 2
                                    

"Hindi na muna tayo pupunta sa kapatid ko."

Narinig ko ang boses ni Isaac at naramdaman ang pag-upo nito sa aking tabi.

Dinala niya ako sa isang tahimik na lugar. Hindi ako nagsasalita kanina pa, pero nao-observe ko ang matiyaga niyang paglalatag ng blanket kanina rito sa damuhan bago ako paupuin.

Tanaw ang payapang lawa sa aming harapan at ang mahabang tulay na magdadala sa'yo sa kabilang side ng tubig.

"Sa susunod na lang kita ipapakilala sa'kanya, "dugtong niya at marahang ngumiti sa kawalan.

Nilingon ko siya at pagod na ngumiti.

"Sorry. Palagi ka na lang nag-aadjust sa akin," sincere kong sabi.

Ngumiti lang siya bago sumagot.

"Palagi kang nag-aadjust sa ibang tao. Deserve mo rin na may mag-adjust para sa'yo,"  sagot nito.

Huminga ako nang malalim at tinitigan ang lawa sa aming harapan.

"Sino ba ang mga lalaking 'yun?" tanong niya nang hindi na ako nagsalita pa.

"The boy who's wearing blue jersey is the one who left pain and insecurities on me," honest kong sagot at ang tinutukoy ay si Ian.

Naramdaman ko ang pag-ayos niya nang upo at hinarap ako.

"What do you mean?" tanong niya.

Kumuha ako ng bato at parang batang ibinato 'yun sa lawa.

"My last year in High School was the worst chapter of my life. Definitely it was year ago."

Tiningnan ko siya at nakitang interesado siyang makinig sa akin.

"Si Ian, kilala mo ba 'yun?" tanong ko.

"Yeah kilala siya sa mga liga sa barangay pero hindi ko siya close dahil hindi ako lumalabas madalas sa bahay," sagot niya.

Tumango ako.

"Naging magkakilala kami dahil sa liga. Niyaya ako ng mga ex-friends ko noon na manuod daw kasi lalaban daw ang boyfriend nila." Huminga ako nang malalim dahil naalala ko ulit ang mga taong nanakit sa akin.

"Ayun syempre nagkakuhaan ng number no'ng na-introduce siya sa akin. Nagka-text at tawagan, hanggang sa nagka-mutual understanding," peke akong natawa. "Balak no'n manligaw talaga pero hindi ako pumayag kasi natatakot pa nga ako. Sweet siya, promise! Caring tapos napaka-supportive. Mararamdaman mong sincere siya."

Tiningnan ko si Isaac na matiyagang nakikinig.

"Alam mo namang lack of attention ako sa family kaya no'ng naramdaman kong binibigyan ako ng oras at panahon ni Ian, pinagbigyan ko na ang feelings ko. Pero siguro wala talagang permanente sa mundo,"sabi ko pa. "Nagbago siya kung kailan ready na ako i-level up 'yung relationship namin. "

"Paanong nagbago?" tanong niya.

Natawa ako at umiling.

"Hindi na niya ako kinakausap. Noong mga panahong hinihintay ko ang message niya, 'yun ang panahon na kailangan na kailangan ko ng masasandalan at atensyon. Sobrang down ako because of my family.My Daddy told that he's disappointed to me. Hindi raw ako maipagmamalaki and guess what? He told that because I failed my quiz in Math. " Tumingala ako dahil inaalala ang nakaraan. "He want me to be scholar in our school right now. We have money naman pero mas mapa-proud sana ang parents ko kapag naging scholar sa university na pinapasukan natin ngayon. Scholar si Marthina ngayon pero ako full payment lagi that's why Dad's attention is always on her." Bumusangot ako.

"Back to Ian," pagpapatuloy ko. "Hindi na siya nagparamdam pa hanggang sa nalaman ko na nagkabalikan na pala sila ng ex niya. Take note, walang paalam at walang pasabi."

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon