Kabanata 10

55 14 1
                                    

Pagod akong umupo sa upuang kahoy na nakasilong sa isang malaking puno. Mula rito ay tanaw ko ang buong field ng aming university.

I'm hoping na I can hide sa paraan na ito.

Kanina lang ay may nagtanong sa akin na BSMath student kung totoong ampon ako. Hindi ako makasagot kasi I'm torn between mage-explain ako or mananahimik na lang para wala ng hanash. Tsaka para ocakes na rin kaya I keep my mouth shut. I'm praying that this issue will fade na. Kahit hindi masyadong kalat ang issue, syempre hindi maiaalis sa'kin ang lungkot at disappointment sa kapatid.

Huminga ako nang malalim at tinangkang magbasa ng textbook na binigay ng aming prof sa isang minor subject. Iniwan ko saglit si Aphrodite sa mga kaklase ko dahil gusto kong mapag-isa. Pero hindi ako makapag-focus sa binabasa kaya inangat ko na lang ulit ang aking paningin para pagmasdan ang mga taong dumadaan at nakatambay rin malapit sa pwesto ko.

I smile even my heart feels sad and insecure sa mga taong nakapaligid sa akin.I can see their happiness. May isang babaeng napaka-genuine ng tawa niya habang kausap ang kanyang boyfriend. Kitang-kita ko ang mangha ng lalaki sa'kanya kahit pa medyo haggard na ang mukha nito. Ang group of friends naman na nasa bandang kanan ko ay masayang nagku-kwentuhan at nagbibiruan kahit ang daming nakatambak na papel sa lamesang kahoy na nakatapat sa'kanila.

Sana lahat katulad nila.

Sino ba naman kasi ang hindi magiging masaya kung may taong pipiliin ka kahit anong flaws and imperfections mo. 'Yung kontento na siya sa'yo kahit pa anong ayos at itsura mo.

Sino ba namang hindi magiging masaya kung hindi ka magawang iwan ng mga kaibigan mo at sinasamahan ka pang tumawa kahit stressful ang acads.

Ako kasi lahat ng nakikita ko ngayon ay kabaliktaran ng nangyari sa akin noon.

Iniwan ako at hindi pinili dahil siguro nakita nila ang worst part ko. Even my flaws and imperfections.

"Anong ginagawa mo rito?" Isang malamig pero manly-ng boses ang narinig ko.

Nakatayo na sa harapan ko si Isaac habang ang kanyang dalawang kamay ay nakasuot sa bulsa ng kanyang ripped jeans.

Tipid akong ngumiti at umurong dahil naramdaman kong uupo siya sa tabi ko.

"Wala ka bang klase?" tanong niya.

Umiling ako at tumingin sa malayo.

"So uwian niyo na?" tanong niya.

"Hindi," sagot ko. "May last subject pa ako maya-maya."

Naramdaman ko ang pagtango-tango niya. Medyo hindi na rin ako mapakali dahil amoy na amoy ko ang manly scent niya.

"Hihintayin kita mamaya."

Nakataas ang kilay ko nang harapin siya.

"Why?"

"Gusto mo magtago?" tanong niya.

Tumango ako.

"Sumama ka sa akin," diretso pero puno ng authority niyang sabi.

Tiningnan ko lang siya at walang sagot ang lumabas sa aking bibig.

Of coarse I want to hide! I just can't imagine that Isaac can help me to do that thing. And siya pa talaga ang nag-invite huh?

"Wala ka na bang class?" tanong ko.

"Wala na," sagot niya at iniwas ang tingin sa akin.

Tumikhim ako.

"Why you're always like this?" tanong ko ulit.

Binalik niya ang tingin sa akin at kumunot ang noo.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon