Kabanata 20

35 13 0
                                    

"Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid?" tanong ni Isaac sa'kin kaya mabilis akong tumango.

"Yes," sabi ko. "You should go home na para masabi mo na sa parents mo na nasa dean's list ka. Besides, andito naman si Kuya Rene."

Huminga siya nang malalim at muli akong niyakap.

"Basta kapag kailangan mo ng kausap, itext mo lang ako o tawagan ha," paalala niya kaya tumango ulit ako.

Marahan niyang hinalikan ang noo ko bago niya ako alalayan pumasok sa SUV.

"I love you. Always remember that," sabi niya nang makaupo na ako sa sasakyan.

" I love you too,"  halos pabulong kong sabi at hinalikan niya ulit ako sa noo bago isara ang pintuan ng SUV.

Pinaandar kaagad ni Kuya Rene ang sasakyan at tiningnan pa si Isaac na unti-onting nawawala dahil sa bilis ng pagpapatakbo.

Pagkarating sa bahay ay nakasalubong ko kaagad si Ate Sania na parang kinakabahan ang mukha kaya mabilis akong lumapit sa'kanya para tanungin kung ano ang nangyayari.

"Ma'am!" tawag niya sa'kin at niyakap ako nito nang napaka-higpit.

"A-ate why?" tanong ko at parang kinakabahan na rin.

Hindi siya sumagot basta nararamdaman ko lang na umiiyak na siya at sobrang higpit ng yakap niya na and it feels like she wants to protect me sa kung ano man ang mangyayari.

"Ate what happened!?" tanong ko at napalakas na ang boses.

"VENUS!"

Isang malakas na pagtawag ang narinig ko mula kay Daddy. Nakita kong galit na galit ang mukha nito habang pinipigilan siya ni Mommy na makalapit sa akin. Nakasunod sa'kanila si Marthina na maamo pero kabado ang mukha.

Hinawakan ako nang mahigpit ni Ate Sania pero kaagad na hinila ako ni Daddy papunta sa'kanya at malakas na sampal ang binigay para sa akin.

Dahan-dahan kong hinawakan ang pisnge ko at tinitigan si Daddy.

That moment I feel fear, nervous, and pain. Parang mas lalong nagbukas ang damdamin na matagal nang nakatago.

"D-dad?" tanong ko at nag-umpisa na namang umiyak.

"Daddy t-tama na," pagpigil ni Marthina sa'kanya pero hindi nawala ang galit sa mukha ni Daddy.

"Marthin! Itigil mo yan!" saway ni Mommy sa'kanya. "Huwag mo sasaktan ang anak mo."

Tumulo nang tumulo ang luha ko dahil hindi makapaniwala sa nagawa ni Daddy para sa akin. Ayaw mag-sink in na sinampal niya ako. It seems like it's just a dream or imagination.

Baka kasi nagi-imagine lang ako dahil sobrang emotional ko kanina.

"Anong gusto mong ibalita sa akin ha Venus?!" galit na sigaw niya. "Hanggang ngayon wala ka pa rin maipagmamalaki?"

Yumuko ako at hinayaan na lang umagos ang mga luha. Nasasaktan ako pero ito ang consequence dahil hindi ako nakapasok sa dean's list. Wala akong maipagmamalaki.

Noon pa man, I'm just nothing!

Pero ang nakakapagtaka, dati wala naman pakialam si Daddy kung wala akong maipagmamalaking achievement sa'kanya. Sabi ko nga,  wala akong atensyon na nakukuha. Pero ngayon bakit galit na galit siya? Binigyan nga niya ako ng atensyon pero para saktan naman.

"So-sorry Dad," bulong ko dahil wala na akong maisip na gustong sabihin.

"Sorry?" Dinuro-duro niya ako habang inaawat siya ni Mommy. Masyado akong nag-aalala para sa kalagayan niya dahil kakagaling lang niya sa Hospital. "Tatanggapin ko pa Venus na hindi ka kasama sa dean's list. Pero ang mabalitaan ko mula kay Marthina na hindi mo inaayos ang pag-aaral mo, ibang usapan na 'yun."

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon