Kabanata 14

52 12 3
                                    

"Congratulations Ms. Calderon, you got perfect score in our prelim. You're the highest!"

Isang malakas na palakpakan ang maririnig sa buong classroom. One week na simula nang mag-prelim at ngayon malalaman ang result ng exam. Gusto kong magkaroon ng pag-asa na magiging highest ako sa ibang subject pero nakalimang subject na ang nag-announce ng score pero nasa gitna lang palagi ang score ko.

Mapait akong ngumiti at pinalakpakan din ang kaklase ko.

"Congrats siswang! Yay ang galing naka 85 sa exam! 15 lang mali mooo ayiiieee!" Kiniliti ako ni Aphrodite habang naglakakad sa hallway.

"Marami namang naka-85 sis,"  walang gana kong sagot.

"Nako! Ayos na rin no? Ako nga 74 lang score eh pero ayos na sa'kin 'yun!"

Ako rin Aphrodite, gusto ko rin maging masaya sa score ko pero hindi kasi ito ang score na magiging dahilan para maipagmalaki ako ng parents ko. Paniguradong may perfect si Marthina.

I want to feel genuine joy dahil hindi ako bagsak! Pero how can I kung mako-compare pa rin ako pag-uwi ko sa bahay.

Tumunog ang phone ko at dali-dali itong binuksan. Nang titigan ko kung sino ang nag-text ay nadismaya ako nang bahagya.

Isang Linggo na akong hindi kinakausap ni Isaac.

Marthina:
Venus! Dalhin mo si Aphrodite mamaya sa bahay. Asahan ko ang pagpunta niya hihi♥️

Mabilis kong tinitigan si Aphrodite kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Why?" tanong niya

"Pinapapunta ka ni Marthina sa bahay mamaya, " sabi ko. "Sabay ka na sa'kin."

Umirap ito sa hangin.

"Ano na naman ang balak ng impakta mong sister!" Kinurot ko siya habang nagmamaldita ito pero umiwas lang siya at pinagpatuloy ang sinasabi. "Alam mo kinakabahan na ako diyan ha. Noong nakaraang pumunta ako sa bahay niyo, pinahiya ka niya sa mga schoolmates natin. Nako! Akala niya nakalimutan ko 'yun?" tinutukoy ang birthday party namin.

Pagod akong ngumiti sa kaibigan at nagmakaawang pumayag na sa gusto ng kapatid.

"Oo na oo na!" sagot niya. "Kapag may ginawang 'di maganda 'yun, pasabunot sa'kanya kahit one more time lang!"

Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Pumasok kami sa next class at nagba-baka sakaling maperfect na ang exam.

"Congratulations Ms. Arcegono, ikaw ang highest." Nagkamali na naman ako.

Pumalakpak ulit ang mga kaklase ko kaya nakisabay ako. Wala na yatang pag-asa, tatanggapin ko na lang ang katotohanan na hinding-hindi ako maipagmamalaki ng magulang ko.

Pagkatapos ng klase agad akong nagpaalam kay Aphrodite dahil hindi ko na mapigilan pa ang emotion ko. Madalas ko nang maramdaman ang bagay na 'to pero bakit natatakot pa rin akong umuwi sa bahay at makitang nakangiti ang magulang at pinupuri ang kapatid ko.

Bakit nakakainggit pa rin?

Pumasok ako sa isang cubicle ng comfort room at isinara ang takip ng toilet para makaupo ako. Mabilis kong binuklat ang mga test papers na binalik sa'kin kanina lang.

"F-fifthy over one hundred," bulong ko nang makita ang huling test paper na nakuha ko. Kinagat ko ang labi para pigilan ang pag-iyak.

Bakit gano'n? Nag-review naman ako ah!

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon