Kabanata 7

47 15 1
                                    

Wearing my high-waisted denim short partnered by light pink cami strap top, I started to put lipstick on my lips. I bun my ash blonde and silver ombre hair, reason why my piercing revealed. I wear my sneakers and sling bag before I left my room.

Nagpaalam na ako sa parents ko kanina bago sila umalis at mabilis naman silang pumayag.

Pumayag ako na sumama kay Isaac dahil buong maghapon lang akong mago-overthink kapag nag-stay ako rito sa bahay.

Siguro, some people will say na ang imatured ng ugali ko dahil palagi na lang akong nag-iisip nang kung anu-ano, pero ang hirap lang talaga pigilan. I tried so many times na piliin na lang maging masaya at huwag na mag-overthink pero ang hirap especially a lot of people will trigger you to feel some negative vibe.

Matiyaga akong naghintay sa labas ng gate dahil sabi ni Isaac kaya na raw niya mag-drive ng motor. Kung bakit mabilis ang paggaling niya ,hindi ko alam. Try niyo tanong sa'kanya charot hahahaah.

Nakangiti akong nag-wave ng kamay nang makita ko siya.

You know what, ang hot tingnan nitong si Isaac lalo na kapag nagda-drive ng motor. 'Yung porma at mukha niya ang nagdadala sa buong pagkatao niya. Pero mabait din siya kahit mukhang matapang at masungit ang mukha.

"H-hi." Hindi pa ako masyadong sanay na ganito kami pero bakit ko ba pagbabawalan ang sarili ko na hindi muna mag-isip.

Ngumiti siya matapos tanggalin ang helmet at pinasadahan ang suot ko.

Ginalaw niya ang ulo bahagya at nakangusong tumingin sa akin.

"What's wrong?" tanong ko.

"Wala naman.Kasama mo naman ako," sagot niya at binigay sa akin ang isang helmet.

First time kong sasakay sa motor pero walang pag-aalinlangan kong sinuot ang helmet na binigay niya.

Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang paglapit sa akin. Parang nagtaasan ang balahibo ko nang hawakan niya ang helmet na nasa ulo at inayos ito sa pagkakasuot.

Sa unang pagkakataon, natitigan ko siya nang malapitan.

I think he's the definition of real Adonis.

"Huwag mo akong titigan," malamig na sabi nito pero sa helmet pa rin na nakasuot sa akin ang kanyang tingin.

"Why? Is it a crime?" pabiro kong tanong.

Umiling ito habang naka-smirk.

"Walang sisihan kapag may nahulog."

Mahinang sabi nito at mahinang tumawa.

Tiningnan ko ang motor niya bago nagtanong.

"Kakapit naman ako sa'yo nang mahigpit eh. Baka hindi naman ako mahulog," inosente kong sagot sa huli niyang sinabi.

Tinitigan niya ako nang malapitan kaya medyo nailang ako.

"Mahirap yan." Hindi inaalis ang titig at seryosong mukha sa akin, "mas nahuhulog kapag mas lalong kumakapit."

"Huh? W-why?" medyo naiilang kong sabi at iniwas na ang tingin.

Bakit parang pinagpapawisan ako.

Natawa ito at pinatalikod ako para mahawakan ulit ang balikat ko at dalhin ako malapit sa kanyang motor.

"Bakit magaling kana kaagad?" tanong ko dahil napansing wala ng benda or what ang kamay niya.

"Hindi naman ako masyadong napuruhan," sagot niya at huminto sa paglalakad.

"So acting lang na masakit yang kamay mo noong nakaraan?" tanong ko

"Masakit talaga.Medyo nga lang," natatawa niyang sabi kaya inirapan ko siya.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon