Kabanata 2

72 18 5
                                    

"Am I baduy, Marthina?" tanong ko habang naglalakad kami papasok ng bahay.

Tiningnan niya lang ako at pagod na ngumiti.

"No," maikling sagot niya.

"I think I am," mahinang sagot ko at naalala na naman ang sinabi no'ng Isaac na 'yun sa akin kanina.

Turuan daw ako manamit nang maayos? Bakit may mali ba sa porma ko?

"Hindi Venus, huwag mo na lang pansinin si Isaac. Ayaw niya lang siguro ng pormahan mo," bulgarang sagot sa akin ng kapatid ko.

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya, "ayaw?" tanong ko, "why?"

Nagkibit balikat siya at hindi na ako inabalang sagutin dahil nakita kaagad namin sina Mommy at Daddy sa sala.

"Marthina!" Ang tono ng kanilang pananalita ay punong-puno ng kasiyahan.

"Hi Mommy! Hi Daddy!" Sabay yakap ni Marthina sa dalawa.

I wish I have space on their hugs. Pilit akong ngumiti bago lumapit sa'kanila matapos nilang magyakapan.

"Oh? Sabay kayo umuwi?" nagtatakang tanong ni Daddy. Halatang galing silang dalawa sa office dahil naka-formal attire pa sila.

"Yes po," sagot ko habang nakangiti.
"Nasira kasi 'yung kotse ko kaya po pinapaayos ni Kuya Rene ngayon."

Kapag tinatanong talaga nila ako, madalas gusto ko habaan ang explanation at sagot dahil pakiramdam ko mas tatagal ang atensyon nila sa akin kapag ginawa ko ang bagay na 'yun.

Humalik ako sa pisnge nilang dalawa at binigyan sila ng matamis na ngiti.

"By the way, how's your day anak?"

Napangiti ako sa tanong ni Daddy pero agad din napawi nang makita kong bumaling ang mata niya kay Marthina.

Ngumiti si Marthina at mabilis na pumulupot ang kamay sa braso ng aming ama.

"It was great Dad!" masaya niyang anunsyo, "I passed our quiz in Solid Mensuration. 'Yung major subject namin this sem."

Hinalikan siya ni Daddy sa tuktok ng ulo at kita ang mangha sa'kanyang mata.

"Wow!" natutuwa niyang sabi, "ang galing talaga nga anak ko!"

Ngumiti si Mommy sa akin bago siya lumapit kay Marthina at niyakap din ito.

"Congrats anak," bulong niya pero rinig na rinig ko.

Ako rin po Daddy' Mommy! Pumasa rin po ako sa quiz namin sa Introduction to Communication kanina. Major subject ko rin po 'yun!

"I was scared Mom'Dad! Wala kasi akong review kagabi."

"Hindi mo na kailangan ng review anak matalino ka naman eh!" proud na proud na sabi ni Daddy.

Mapait akong ngumiti.

"Eh ikaw, Venus?How's your day?" tanong ni Mommy sa akin.

Nakahawak pa rin sila kay Marthina habang ako ay parang extra lang sa palabas.

"Okay lang po," masaya kong tugon dahil kahit papaano ay nabigyan nila ako ng chance para mag-kwento sa araw ko. "Masaya po at nakapasa rin po ako sa quiz ko kanina-"

"Dapat lang Venus," tugon ni Daddy. "Madali lang naman ang course mo unlike kay Marthina na puro computations."

Sanay na ako sa ganitong eksena. Alam ko naman na lamang si Marthina sa katalinuhan. Palagi siyang nangunguna sa klase simula kinder hanggang highschool. Ako? Nakakasali naman sa top pero hindi 'yun enough para masabihan ako nila Mommy at Daddy na magaling or proud sila sa akin.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon