Kabanata 25

36 12 0
                                    

Tumulo ang luha ko habang pinapanuod si Venus na umiiyak sa bisig ng lalaking kasama niya. Sa mga oras na ito ay hindi ko na napanuod ang Northern Lights dahil nasa kanya na ang paningin ko.

Ang totoo, nasasaktan ako. Pero mas nangibabaw na gusto ko siyang yakapin nang napakahigpit. For seven years, naglonging ako sa boses niya. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to pero hindi ko siya malapitan dahil may kasama siyang iba.

Gusto ko na sanang umalis at maglakad palayo pero nanghihina ako hindi dahil sa lamig ng temperatura kundi sa bagay na nasasaksihan ko ngayon.

Wala na sigurong sasakit pa sa bagay na katabi mo na ang babaeng minamahal mo pero hindi mo mayakap dahil may ibang yumayakap sa'kanya. Na kahit gustong-gusto mo siyang lapitan at ilahad ang balikat mo hindi pwede, dahil hindi na niya kailangan.

Hindi na niya ako kailangan.

Iniwas ko ang tingin at pinilit igalaw ang sarili para sana makalayo na sa'kanila pero narinig ko ang boses niya na nagpabago sa emosyon na nararamdaman ko ngayon.

"I r-really miss Isaac," may halong hikbi sa sinabi niya.

Mas lalo akong natigil at hindi na makagalaw sa  huling dialogue na sinabi niya. Pakiramdam ko ay gusto kong tumalon at yakapin na siya pero nanghihina talaga ako.

Kung ganon sino ang kasama niya? Sino 'yang kayakap niya? Sigurado akong hindi ako nagkakamali nang pagkakarinig sa pangalan ko.

Alam kong ako 'yun.

"S-siya dapat ang kasama ko ngayon dito," bulong muli nito.

Marahan akong lumingon ulit sa'kanila at mas lalong hinigpitan ng lalaki ang yakap kay Venus. Hindi siguro nila ako napansin dahil nakatago si Venus sa braso ng lalaki.

"Stop it couz," saway ng lalaki sa kanya. "Let's enjoy the moment."

Gusto kong batukan ang sarili dahil sa awkward na pakiramdam.

Pinsan niya lang ang kasama niya?

"I know but I can't control my emotion," reklamo ni Venus sa'kanya.

Marahan akong lumapit dahil sa excitement na nararamdaman. Kasabay nang paglapit ko ay ang pag-angat ng ulo ni Venus sa pinsan niya para punasan ang luha.

Mas lalong tumindi ang pagsayaw ng kulay berdeng ilaw sa kalangitan. Kasabay no'n, sa halos pitong taon ay muling nagtagpo ang mata namin ng babaeng matagal kong pinagdasal.

Gulat, mangha at may halong kasiyahan ang una kong nakita sa mata ni Venus.

Mabilis na tumulo ang luha niya habang tinititigan namin ang isa't isa. Walang makagalaw at walang nagsalita.

Para bang panaginip lang ang lahat. At kung isa man itong panaginip, ayaw ko ng magising pa. Ayaw ko ng bumalik pa sa realidad na puno ng lungkot at pangungulila.

Nanginginig ang mukha niya habang sinisiguradong totoo ang nakikita niya kaya ng magkaroon ako ng lakas para lapitan siya, mabilis akong tumakbo para ilahad ang bisig sa'kanya.

For seven years, I prayed for this moment. I've waited for so many years para makayakap lang ulit ang babaeng ito at ang mas malupit, sa lugar pa kung saan pinangarap kong makasama siya.

Now, I know that Greatest Artist never been too early or late. Talagang perfect palagi ang timing Niya. At papatunayan Niyang worth it lahat ng pinagdadasal at hinihintay mo.

"I-Is this a dream?" nanghihinang bulong ni Venus.

Nasulyapan ko ang pinsan niyang nakakunot ang noo dahil hindi alam ang nangyayari.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon