Kabanata 29

48 12 0
                                    

Dahan-dahan Venus!" paalala ni Marthina sa kapatid habang inaalalayan itong bumaba sa hagdan.

"Come on Marthina ocakes na nga ako. Kaya ko na maglakad," angal ni Venus kaya napangiti na lang ako.

Mabilis akong tumayo para salubungin ang magkapatid na nagtatalo pa sa hagdanan.

"Good mornin, " bati ko sa'kanila.

Kumaway si Marthina sa akin bago ko mahalikan ang noo ni Venus.

"Good morning baby," malambing na bati ni Venus at marahan akong niyakap.

"Oh siya kailangan ko na pumasok sa office," singit ni Marthina at ngumiti ito. "Ikaw na bahala sa'kanya ha," paalala nito sa akin kaya tumango ako.

"Ingat ka," sabi ko at muling kumaway.

"Oo naman, " Sagot nito. "Venus, una na ako." Yumakap siya sa kapatid.

"Bye. Take care. Eat your lunch!" paalala pa nito. Kindat lang ang tinugon ni Marthina bago kami tuluyang talikuran.

"Oh? Saan ang lakad natin?" tanong ni Venus habang nakangiti.

"Ipapakita ko sa'yo 'yung bahay na lilipatan natin after nating ikasal," excited kong sabi.

"Wow talaga ha!" mangha niyang sabi. "Until now I can't believe na nagpagawa ka ng bahay para sa atin habang wala ako!"

Tumawa ako at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

"Ganon talaga kapag sigurado."

Umiling na lang siya at malambing na niyakap ang braso ko.

"Opo na sige na!" sabi niya at nagsimula na kaming maglakad. "Dalhin mo na ako sa future house natin."

Ngumiti ako at inalalayan siya palabas ng bahay. Maingat akong nagmaneho papunta sa future house namin na malapit lang naman. Mga trenta minutos ang oras na kailangan para makarating doon.

Kita ko ang mangha sa mata ni Venus ng lumabas siya sa kotse at inilahad ko sa kanya ang bahay na sinasabi kong matagal kong pinaghirapan na maipundar. Magkahalong white at pastel gray ang dalawang palapag ngunit malawak na tahanang ito. Ang ikatlong palapag kasi ay rooftop na. May malawak itong sala at kusina. Sa gilid ay makikita ang mini garden at sa likod ay naroon nakapwesto ang swimming pool. Sa ikalawang palapag ay may apat na kwarto at isa roon ang master's bedroom.

Pumasok kami roon kung saan kami matutulog dalawa sa oras na mag-asawa na kami. Napangiti ako nang maisip na ilang buwan na lang at magkatabi na kaming matutulog. May mini sala ang kwartong ito dahil may maliliit na sofa, center table at t.v. Ang king size bed naman ay nakapwesto sa gitna ng kwarto. May mahabang kurtina rito na tinatakpan ang glass door papuntang veranda. Sa gilid ay makikita ang isang pinto papasok sa walk-in closet na diretso papuntang bathroom. Sa bathroom may shower, toilet at malaking buthtub.

"Wow!" manghang sabi ni Venus at niyakap ako nang mahigpit. "It seems like planado ang lahat."

"Planado talaga," mayabang na sagot ko.

"Ano pala ang magiging ambag ko?" tanong niya habang nakanguso.

"Wala," sagot ko."I only want to be with you and create a happy and peaceful family na kasama ka." Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya.

"I can imagine ourselves here, baby." sabi niya at ramdam kong puno ng kasiyahan ang tono kung paano siya magsalita."Thank you for not giving up."

Tumango ako at mas lalong hinigpitan ang yakap sa'kanya.

"Hindi mo deserve sukuan," sagot ko. "Kahit anong gawin ko, babalik at babalik pa rin ako sa unang rason kung bakit kita hinintay, at 'yun ay dahil mahal kita."

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon