Kabanata 11

60 13 2
                                    

"Naiintindihan niyo ba ako, class?" tanong ng prof namin sa major subject.

"Yes Ma'am!" sabay-sabay naming bigkas.

"Okay, dismiss!"

Mabilis na umingay ang buong klase habang tumatayo sa kani-kanilang upuan. Naririnig ko ang mga rants nila dahil sa lumipas na mga araw, nagpaparamdam na ang mga prof namin para sa mga kailangan ipasa bago mag-prelim exam.

"OMG!" sigaw ni Aphrodite at hinawakan niya pa ang ulo na parang stress na stress talaga. "Ang sheket sa bangs ng mga pinapagawa!"

Napailing ako dahil wala akong ma-say. Sa totoo lang, nakakaloka talaga mga pinapagawa sa amin. Halos lahat ng subject ay may kailangan ipasa. Pero hindi na ako nagrereklamo baka kasi hindi lang talaga kami sanay. Unang taon pa lang namin sa college at halos isang buwan pa lang nang magsimula ang klase.

"Venus!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Marthina sa aking likod kaya hinarap ko siya. Pero mas nauna kong makita si Isaac.

Sa mga lumipas na araw, walang pagkakataon na hindi kami nagkakatext or nagkakausap ng personal. Madalas niya kasi ako bisitahin sa building nang siya lang mag-isa tapos chika-chika kami.Ang alam ko, walang alam si Marthina na close na kami nito ni Isaac kaya kailangan ko umarte na parang hindi kami friend, char!

"Hi Venus, kamusta kayo?" tanong ni Laurence sa akin.

Ngumiti ako.

"Ocakes lang madami lang pinapagawa mga prof pero keribels naman!" sagot ko.

Naramdaman ko pa rin ang titig ni Isaac sa akin kaya hindi na ako mapakali.

"Sis? Sight mo nasa kanan, nakatitig sa'yo," bulong pa ni Aphrodite at tinutukoy si Isaac kaya mas nailang ako.

Siniko ko ang kaibigan bago magsalita ulit.

"Saan kayo galing?" tanong ko.

"May pinasa lang kami sa minor subject namin kaya napadaan kami rito," sagot ni Marthina.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Christian.

"Ay hindi pa!" Si Aphrodite ang nag-abalang sumagot, " tommy na nga akis eh!" at humawak pa ito sa tummy niya samantalang kami ni Isaac ay naglalabanan ng tingin kahit pa super awkward sa akin.

"Sabay na kayo sa amin," paanyaya ni Marthina kaya tumango na lang ako.

Nakapulupot ang kamay ko sa braso ni Marthina habang naglalakad kami papuntang cafeteria samantalang nasa tabi ko si Aphrodite at ang mga lalaki ay nasa likod lang namin.

"Wala ka bang dalang jacket?"

Nilamig ang buo kong katawan nang marinig ko ang boses ni Isaac na malapit sa aking tenga. Nakita ko ang paglingon ni Marthina sa kanya kaya napakagat ako ng labi dahil magkalapit na ang mukha nila.

Actually pwede na sila mag-kiss.

"Uh wala Isaac eh, bakit?" mahinhin at nahihiyang sabi ni Marthina sa'kanya.

Napailing ako dahil nag-assume ako na para sa akin ang mga words na nagmula kay Isaac pero natigil ako nang magsalita ulit siya.

"Si Venus ang tinatanong ko Marthina," malamig na sabi niya kaya medyo napatalon ako.

Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Marthina and....

...Ughhh hindi ko na alam basta kinakabahan ako. Tsk.

"Uh-" sagot ko pero hindi siya hinaharap.

"Diba sabi ko sa'yo kapag magsusuot ka ng maikling dress o palda magdala ka ng jacket dahil medyo umaangat kapag naglalakad ka," para siyang tatay magpaalala. Pero sinabi nga niya sa akin 'yan noong nakaraang araw nang maabutan niya akong naglalakad galing sa comfort room at medyo maikli ang palda ko no'n.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon