Kabanata 9

57 14 2
                                    

[I'm playing Fall by Ben&Ben while writing this chapter♥️]

Mabilis akong naglalakad habang mabilis din na tumutulo ang mga luha sa aking mata.

Nasaan ba kayo Mommy and Daddy?

Please help me!

I can't say any word!I can't save myself! I'm drowning!

I know I'm drowning!

All I want is to cry. I don't want to explain everything kasi in the first place alam kong talo kaagad ako? Para saan pa ba ang explanation ko?

Tiningnan ko ang paligid pero parang hindi naman nagkalat ang balita sa'kanila. The visitors still dancing with their partners, rsome are still chatting while drinking wine.

I saw Marthina with my parents. They are smiling. Mukhang ini-introduce ang aking kapatid sa kanilang mga amigo at amiga.

How ironic? Sila ang nagdudulot ng sakit sa akin pero ang mga paa ko ay patuloy na naglalakad para pumunta sa'kanila.

Para makahanap ng comfort at security sa chaotic scenario na meron ako ngayon na si Marthina mismo ang gumawa.

Hoy sobrang sakit sa dibdib! Parang 'di ko na kaya!

Tawanan ang narinig ko nang makalapit ako sa kanila. Nasa likod nila ako at nag-uusap pa sila kaya hindi muna ako umextra.

Para akong batang naghahanap ng atensyon at oras para makapagsumbong sa nang-away sa akin.

"Nako! Alam mo namang si Marthina ang pinagmamalaki kong anak!" sabi ni Daddy. "Magiging successful talaga ito. Mahal na mahal ko itong anak ko." Yumakap siya kay Marthina.

Nakita ko ang pagyakap din ni Mommy sa'kanila.

Wow! A happy family indeed!

But how about me?! How about my existence?! Nasaan ang space ko sa yakapan na yan?!

Tumulo nang tumulo ang luha ko.

Tumalikod na ang mga kausap nila pero nanatiling magkayakap ang pamilya ko.

Hindi nila ako naramdaman sa likod na nasasaktan habang pinagmamasdan kung gaano sila kasaya.

"Let's dance."

Nawala ang imahe ng masayang pamilya sa aking harapan nang iharang ni Isaac ang kanyang katawan.

Tinitigan ko siya habang lumuluha. Pero kahit mukhang kaawa-awa ang mukha ko ay kinuha niya ang aking kamay at inilayo sa pamilyang dinudurog ako.

Nilayo niya ako sa imahe na magdudulot sa akin ng sakit.

I just want to ask why Marthina did that? Sobrang sakit kasi.

Dinala niya ako sa gitna ng mga nagsasayawan.

Dahan-dahan niyang inilagay ang aking mga kamay sa kanyang leeg.

He gently put his hands on may waist.

I'm just crying!  Because all I want is to cry.

"Magsasayaw tayo hanggang sa matapos ang pag-iyak mo,"  bulong niya sa akin.

Makapal na siguro ang mukha ko dahil sa sakit nang magawa ko siyang yakapin. Laking pasasalamat ko nang gantihan niya ang yakap ko.

Finally, I feel secured from those human.

Pakiramdam ko wala nang makakapanakit sa puso kong durog na durog na.

"Ang sakit-sakit, Isaac." bulong ko habang yakap siya. "P-paano nagawa ni Marthina 'yun?"

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon