Kabanata 16

45 12 1
                                    

Mag-isa akong naglalakad sa malawak na field ng aming campus. My professor in major subject asked me to bring this books and papers on her office kaya wala akong choice kundi matiyagang bitbitin ang may kabigatang tatlong libro at mga papel.

It's awkward lang because I'm wearing plaid miniskirt and black turtle neck top and worst I partnered it with my black stilleto. GOSH!

"Hey! Venus!"

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses mula sa aking likuran. In just a few seconds, I found Drix walking besides me.

"Oh?" sabi ko. "Wala kang class?" tanong ko sa'kanya.

"W-wala naman." Kinamot niya ang ulo, " tulungan na kita."

"Ha? Hindi na kaya ko naman. Thanks na lang," nakangiti kong sabi dahil nakakahiya talaga.

"Hindi Venus sige na tulungan na kita."

Kumunot ang noo ko nang kuhain niya sa akin ang dala-dala ko kaya wala na akong nagawa pa.

"Ow! Ang bilis huh?" sabi ko."Ocakes, thanks," medyo awkward kong dagdag.

"Saan ba 'to?" tanong niya.

"Doon," sabay turo ko sa office ng prof ko sa major.

Sinabayan ko siya sa paglalakad. Napasigaw ako nang muntik na siyang mapatid dahil hindi niya napansin ang nilalakaran niya. Parehas kaming natawa sa maging reaksyon namin sa nangyari sa'kanya.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

Tumango siya pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

"Ako hindi ako ayos." Halos manginig ang katawan ko nang marinig ang boses ni Isaac mula sa aming likuran.

I can't move my body para sana harapin siya kaya nang tumapat siya sa akin ay napangiwi ako.

"Ako na ang sasama sa'kanya." May diin na sabi niya kaya mabilis na binigay ni Drix kay Isaac ang mga hawak ko kanina.

"O-osige," sagot ni Drix.

"Pamilyar ka," sabi ni Isaac. "Ikaw 'yung nagpturo sa'kanya ng BASIC na lesson dati?" Medyo yumabang yata siya ngayon.

"Uh-" kumamot sa ulo si Drix at hindi na nakapagsalita.

"By the way I'm Isaac, " seryoso niyang pagpapakilala. "Future boyfriend ni Venus."

Napangiwi ako nang banggitin niya ang huling mga words at nakitang nagulat din si Drix.

"Ikaw? Sino ka?"

Hinawakan ko ang kamay ni Isaac para patigilin na siya. Bakit ba ganyan siya? Tsk.

"D-drix," sagot nito.

"Okay Drix pwede ka ng bumalik sa classroom niyo, at mag-aral kang mabuti."

Tumango si Drix at nginitian pa ako nito bago tuluyang umalis.

"Parang ewan 'to!" singhal ko kay Isaac nang mag-umpisa siyang maglakad.

"Hindi ko gusto ang taong 'yun," seryoso niyang sabi habang nakakunot ang mga kilay.

"Paano mo siya magugustuhan eh ako na ang gusto mo 'di ba?" pagbibiro ko pero tinitigan lang ako nito.

"Luh! Ocakes ka lang?" tanong ko at kinalabit siya dahil hindi ito namamansin at nagsusuplado na. Hinawakan ko ang braso niya para tumigil siya sa paglalakad. "Nagseselos ka ba kay Drix?" diretsong tanong ko.

Nag-smirk siya bago ako titigan.

"Bakit naman ako magseselos sa'kanya, magaling ba sa Calculus 'yun?" tanong nito at suplado pa rin ang mukha. "Kung magaling siya sabihin mo one on one kami ako na dadayo!"

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon