Kabanata 23

38 11 0
                                    

Kapag may oras kang inaabangan halos nakatutok ka na lang sa orasan at hinihiling na sana bumilis ang pag-ikot nito. Pagkagising mo sa umaga, magdadasal ka na sana mamaya alisin ka na sa season ng buhay mo na puro lungkot ang nararamdaman, na sana mamaya makita mo na siya, sana nag-aabang siya sa school,at sana makausap mo na siya. 'Pag matutulog naman sa gabi, mag-isa mong dadamhin 'yung pagkabigo dahil lumipas ang buong araw na hindi natupad ang hinihiling mo simula pagkagising. Pero dahil may halong pagmamahal ang paghihintay na ginagawa mo, ipipikit mo ang mga mata, habang binubulong sa sarili na baka bukas, pagbigyan na ako ng tadhana.

Baka bukas nandito na siya. Baka bukas umuwi na siya.

Alam kong tama ang ginawa kong pakawalan siya sa oras na 'yun dahil ayaw kong maging makasarili. Una, kailangan siya ng Mommy niya. Pangalawa, ang gusto lang naman niya ay makita ang halaga nang mag-isa. Naiintindihan ko 'yung point ni Venus na ayaw niyang habang buhay ibang tao ang magsasabi na may halaga siya dahil tama nga naman, kahit ilang tao pa ang magsabi sa'yo na may value ka sa mundo kung hindi mo naman kayang tanggapin at choice mong huwag paniwalaan ang sinasabi nila, balewala rin ang lahat.

Hindi porke hinayaan ko siyang umalis ay hindi ko na siya mahal. May mga pagkakataon lang talaga sa buhay na kapag nagmahal ka, kailangan mong magparaya at magpalaya. Hindi dahil wala kang pakialam kung aalis siya kundi dahil ito ang hinihingi ng panahon at pagkakataon. At kung tunay mo ngang mahal ang taong 'yun, magtitiwala ka sa tamang oras at tamang season para pagtagpuin ulit kayong dalawa kung kayo talaga ang para sa isa't isa.

Isa lang alam ko ngayon, ang hirap pala. Parang hindi ka makahinga dahil nawala 'yung nagsisilbing hangin mo sa mundong toxic at nakakapagod.

"Come on Isaac! Let's go!" Hinila ni Marthina ang kamay ko dahil kanina pa sila nagyayaya mag-lunch sa cafeteria. Hindi ko alam kung bakit parang hindi siya nalulungkot na wala ang kapatid niya rito.

"Mauna na kayo. Tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko."

Naramdaman kong nagkatinginan sina Christian at Laurence . Huminga naman nang malalim si Marthina.

"Next week pa ang deadline niyan." Tiningnan ko siyang umiirap sa hangin.

"Kahit pa,"  walang gana kong sabi.

"Pare?Saglit lang naman 'to, kakain lang tayo." Hinawakan ni Laurence ang balikat ko.

"Hindi magugustuhan ni Venus na ganyan ka. Pinapabayaan mo ang sarili mo,"  dagdag ni Christian.

Umiwas ako ng tingin bago ayusin ang gamit para sumama sa'kanila. Pagkatapos ay niyaya ko na silang pumuntang cafeteria.

"You know what? Three months ng wala si Venus dito Isaac." Nagsalita si Marthina habang naglalakad kami. "Tingnan mo ayaw nga niya makipag-communicate sa'yo 'di ba? I think she's enjoying her life in America."

Masama kong tiningnan si Marthina kaya kaagad niyang kinagat ang labi para siguro hindi na siya makapagsalita pa. Huminto ako at mas madiin siyang tinitigan.

"Paano mo nasasabing nag-eenjoy si Venus doon ngayon? May sakit ang Mommy mo Marthina at siya ang nag-aalaga.Idagdag mo pang nag-aaral siya. Paano pala kung napapagod 'yun? Kulang 'yung tulog? Hindi kumakain nang maayos? Hindi ka ba nag-aalala?" frustrated ang tono ng boses ko habang tinatanong siya.

"Bakit ba masyado kang nag-aalala sa'kanya eh malaki naman na 'yun?" inosenteng tanong niya.

Umiling na lang ako dahil hinawakan na ni Christian ang balikat ko para awatin.

"Isaac!"

Narinig ko ang boses ni Aphrodite kaya mabilis ko siyang nilingon at nakangiti itong lumapit sa'kin.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon