Kabanata 15

49 14 5
                                    

"Totoo sis? Nililigawan ka na niya?"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Aphrodite dahil tumingin ang mga kaklase namin sa amin.

"Quiet!" saway ng prof namin kaya mabilis akong umayos nang pagkakaupo.

"Shhhh. Please-"

"Oo na ! Oo na!" mas humina na ang boses niya. "Pero truly ba?"

Ang mukha nito ay parang mas masaya pa siya kaysa sa akin.

"Oo nga," mahina kong bulong at pinipigilan ang ngumiti.

"Ang harot!" mahina niyang tili habang sinasabunutan ako. "Sabi mo noong nakaraan ayaw mo sa'kanya tapos ngayon nililigawan ka na!" umirap siya sa akin.

"Bakit ako ba ang manliligaw?" tanong ko.

"Ay wow! Manliligaw ba siya kung 'di mo pinayagan?" pagtataray niya. "Umamin ka na kasi bet mo rin si fafa Isaac!" kinikilig na sabi nito habang kinikiliti ako sa tagiliran.

Tinarayan ko siya at hindi na sumagot pa.

Wala naman sigurong masama kung subukan ko ulit 'di ba? Maghihintay naman siya hanggang sa maging sigurado ako, hanggang sa maging handa ako. At alam ko namang iba si Isaac kay Ian. Masyadong malayo ang personality nilang dalawa.

Pwede ko namang pagbigyan ang kagustuhan ko kahit ngayon lang 'di ba?

"Pst!" Muling kiniliti ni Aphrodite ang tagiliran ko kaya nabalik ang aking wisyo.

"Why?" tanong ko.

"Andiyan na ang sundo mo," sabay turo sa labas.

Nakita kong nakatayo roon si Isaac at matiyagang naghihintay sa labas ng classroom.

"Sige na. Mauna ka na tatapusin ko lang 'tong activities ko tsaka larga na rin naman ako sa baler after kasi maaga uwi ng mudang ko."

Marahan ako nitong niyakap at kinindatan kaya tumayo na ako para ipasa ang natapos kong activities.

Malayo pa lang nakita ko na ang magandang ngiti ni Isaac kaya napangiti na rin ako. Paano niya nagagawang hawaan ako nang gano'n kadali?

"H-hi," medyo nahihiya pa ako dahil ito ang first day na medyo lumevel-up na kaming dalawa.

Iba na 'to, dahil sure na akong may nararamdaman siya para sa'kin.

"Napagod ka?" Tinitigan pa ako nito at marahang inayos ang medyo nagulo kong buhok.

Umiling ako at nahihiyang ngumiti.

"Sakto lang naman," mahina kong sagot.

"Tara?"

"Saan?"

"Walk trip?" tanong niya at tinitigan ang suot ko.

Naka fitted lace dress ako ngayon partnered with my lace-up ankle leather boots kaya kung gusto niyang maglakad-lakad, ayos lang naman dahil hindi ako nakasandals.

"Ano namang gagawin natin sa walk trip?" natatawa kong tanong pero deep inside kahit saan pa basta kasama ko siya ay papayag ako.

"Mag-uusap." Natawa rin siya sa sarili niyang sinabi pero tumango ako at inumpisahan nang maglakad.

Nagpaalam ako kay Kuya Rene kanina na huwag na akong sunduin dahil nag-suggest si Isaac na gusto niya raw ako ihatid kaya pumayag na ako.

Lumabas kami sa campus at nag-umpisang maglakad-lakad.

"Alam na ba nina Tita at Tito?" tanong ko at ang tinutukoy ay ang panliligaw niya.

Tumango siya at marahang ngumiti.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon