Kabanata 24

44 13 0
                                    

"Good morning BSMath Students!"

"Good morning Professor Fonasher!"

Ngumiti ako bago sila paupuin.

"Last meeting I told you that you will have a quiz in MMW, right?"

"Yes sir!" konti lang ang sumagot so it means konti lang ang nag-review.

"Hmm," sagot ko at napangiti. Naisip ko kasing minsan din akong naging katulad nila. "Kailangan niyo i-take ang quiz ngayon bago ako umalis."

"Awwwww," reklamo nila dahil ayaw nilang may pumalit sa akin as their professor sa MMW. Well, napamahal na rin naman ako sa'kanila.

"Class?" tawag ko. "Two weeks lang naman akong mawawala," natatawa kong sabi.

"Kahit pa Sir baka mamaya hindi po namin ma-gets mga ituturo ng papalit sa'yo for two weeks," sabi ng isa kong estudyante.

"Class mabait si Sir Tiu tsaka mas magaling sa'kin 'yun since naging prof ko rin siya noon," sagot ko. "Kailangan ko talagang umattend ng seminar sa Malaysia dahil ako ang naatasan ng university na maging representative."

Malungkot na lang na kumuha ng papel ang mga students ko para maumpisahan na ang quiz na ibibigay ko. Maybe this is the hardest part of being a teacher or professor, kapag sobrang na-attached ka sa mga tinuturing mong anak, mahirap na ang umalis.

Mabilis natapos ang schedule ko ngayon sa university kaya nang matapos ang last class ko, mabilis akong naglakad papuntang parking lot dahil may trabaho pa akong tatapusin sa isang company na pinagtatrabahuhan ko. Statistician ako roon at tambak ang gawain ko since sa susunod na araw na ang umpisa ng leave ko. Habang naglalakad ay naramdaman kong nagba-vibrate ang phone ko kaya walang pag-aalinlangan ko itong sinagot habang papunta pa rin sa pinaradahan ko sa sasakyan.

"Hello." Huminga ako nang malalim dahil narinig kong si Marthina ang tumawag.

"Bakit?" malamig kong tanong.

"Magkikita kami nina Laurence at Christian later, sama ka ha!" nae-excite niyang sabi.

"Hindi ako pwede. Tambak ang trabaho ko," sagot ko.

"Come on Isaac!" pangungulit nito.
"Tinatapos ko na nga mga gagawin dito sa company namin para makasama ako sa lakad na 'yun kaya please sumama ka na!" pangungulit nito.

"Ikaw 'yun Marthina. Ako marami pa akong tatapusin dahil malapit na ang flight ko pa-Malaysia," sagot ko.

"Please Isaac. Sabi rin nila Laurence sumama ka, namimiss ka na kaya nila." Parang nalungkot ang boses niya.

"Wala ba kayong inaabala ha at nagagawa niyo pang magyaya lumabas?" tanong ko.

"Well marami talaga akong ginagawa pero nakakastress kaya kailangan ko mag-chill.Si Daddy kasi ang daming iniwan sa aking gawain tapos malalaman ko puro bonding lang pala ang ginawa nila ni Venus doon sa ibang bansa!" Pakiramdam ko ay umiirap siya samantalang ako ay biglang nalukot ang mukha.

Given na sigurong palaging lumalabas ng bansa si Tito Marthin lalo pa't nakatapos na ng pag-aaral si Marthina. Last time na nag-usap kami ni Tito nakwento niya sa akin na bumabawi na siya sa mga pagkukulang niya kay Venus noon kahit pa nasa ibang bansa ito. Simula nang mamatay si Tita Raya at nagdecide si Venus na manatili sa America kahit namayapa na ang ina, madalas na kaming lumabas ni Tito since humingi na siya ng paumanhin sa akin noon dahil pinag-isipan niya raw ako ng masama at para na rin may makausap siya tuwing nangungulila siya sa tunay na anak at nalulungkot sa pagkamatay ng kanyang asawa.

"ISAAC!" tawag niya sa akin nang hindi na ako sumagot pa.

Binuksan ko ang kotse pero bago ako makapasok ay nasulyapan ko ang dating pinagpu-pwestuhan ng SUV ni Venus kaya napailing ako.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon