Kabanata 6

55 16 1
                                    


"OMG! Excited ako diyan sa party mo siswang!" tumitiling sabi ni Aphrodite matapos kong sabihin sa mga ka-course ko na invited sila para sa 19th birthday party namin ni Marthina.

"Party namin ng kapatid ko," pagtatama ko sa kanya.

Umirap ito at hinila ako para mabilis kaming makapag-lakad. Papunta na kami sa classroom ng aming next subject at talagang wawarlahin kami ng prof namin kapag na-late kami.

"Alam mo sis nagtataka talaga ako e." Bumagal ulit ang paglalakad nito tapos tinitigan niya ako gamit ang maliliit na mata.

"Saan?" tanong ko.

"Bakit ba magka-edad kayo ni Marthina? Kambal ba kayo? Kasi kung kambal kayo, bakit hindi kayo mag-kamukha?I mean may mga hindi naman talaga magka-kamukhang kambal pero ang layo talaga ng istura niyong dalawa."

Napahinto ako sa tanong niya at hindi magawang sumagot.

"May ampon sa inyong dalawa no?" tanong nito.

Tinitigan ko ang kaibigan at tinaasan ng kilay.

"Ay sorry, tsismosa lang!" sabay takip sa bibig niya.

Umiling ako at nagpatuloy sa paglakakad. Naramdaman ko naman ang pagbilis ng lakad niya para masabayan niya ako.

"Pasensiya ka na sis," sabi ko nang masabayan niya ulit ako. "Rule kasi nina Daddy at Mommy sa amin ni Marthina na hindi magsalita tungkol sa pamilya na meron kami," malungkot ko siyang tiningnan. "Sana maintindihan mo."

Ngumiti lang si Aphrodite at hinawakan ang braso ko.

"Okay lang. I understand." At binigyan niya ako ng isang genuine na ngiti.

Hindi ako pwedeng magsalita tungkol sa bagay na 'yun. Una sa lahat, ayaw na ng parents ko ungkatin ang past. Pangalawa, baka may masaktan sa amin ni Marthina kapag inungkat ko pa ang bagay na 'yun lalo na ang kapatid ko, masyadong sensitive para sa'kanya ang bagay na ito lalo pa na sobrang lapit namin sa isa't isa.

Hapon na nang matapos ang last subject ko. Nagmadaling umuwi si Aphrodite kaya wala akong kasama maglakad papuntang parking lot.

Matiyaga kong binabasa ang hand outs na hawak dahil may quiz na naman kami bukas nang marinig ko ang boses sa likuran ko.

"Bakit nandito ka pa?"

Bahagya akong napatalon sa boses na narinig ko at hinarap siya bago irapan.

"Ang hilig mo mang gulat!" singhal ko sa'kanya pero nanatiling malamig ang reaksyon ni Isaac.

"Bakit nandito ka pa?" tanong niya at tiningnan ang relo sa kanyang braso. "5:00 p.m na ah."

Tumaas ang isang kilay ko at pinag-krus ang mga kamay sa dibdib.

"5:00 po natapos ang last subject ko," may pagka-sarcastic kong sagot."Eh ikaw bakit nandito ka pa?" tanong ko at bahagyang tiningnan ang kanyang braso na may pilay.

"May pinasa at pinacheck lang, " sagot niya at naglakad na.

Wala akong nagawa kundi sundan siya.

"Nasaan si Marthina?" tanong ko.

"Umuwi na. Kaninang 4:30 pa ang uwian namin," sagot niya.

"Ah ocakes," tanging nasagot ko

Hindi na siya umimik pa hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Nasaan ang sasakyan mo?" tanong niya.

Nilibot ko ang mata sa buong parking lot pero wala doon ang sasakyan maging si Kuya Rene.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon