Kabanata 21

45 13 0
                                    

[Try to listen "Masyado Pang Maaga By Ben&Ben]

"Mommy!" sigaw ko nang maabutan si Mommy na nakahiga sa hospital bed. Masyado na siyang nanghihina at alam kong nahihirapan siya.

Inalalayan ako ni Dr. Reyes habang umiiyak at niyayakap si Mommy. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang paggalaw niya kaya tiningnan ko siya.

Isang ngiti kaagad ang binungad niya sa'kin pero iyak ang ginanti ko sa'kanya.

"So-sorry Mommy," bulong ko pero tinap lang ni Mommy ang likod ko.

"Mana ka sa'kin anak. Masyado kang malakas," nanghihina niya rin na bulong sa'kin at pinunasan ang luha ko.

"Mommy please ha! Just rest," paalala ko pero deep inside kinakabahan na ako dahil hindi maganda ang lagay niya.

"Oo anak,magpapahinga ako,"mahinang sabi niya.

"Pahinga Mommy para lumakas ka na ulit." Baka kasi iba ang meaning ng sinasabi niya.

Tumango si Mommy at ngumiti.

"Please Mom mangako ka," pagmamakaawa ko.

"Oo anak." Hinaplos niya ang buhok ko at tumingin sa mga kasama namin sa kwarto na ito. Nakatayo lang si Marthina at Daddy habang umiiyak na rin. Si Dr.Reyes at Isaac ay nandito rin pero hindi ko makita ang mukha nila dahil nakatalikod ako sa'kanila.

"Magpapagaling ako anak para sa'yo."

Mas lalo akong umiyak nang sabihin niya ang mga salitang 'yun. Mga salitang pinanghahawakan ko sa mga oras na 'to.

Gusto ko pa siyang makasama nang matagal. I want to spend my whole life with her because she's my Mom. I love her no matter what!

"Kailangan dalhin ang Mommy niyo sa America." Nang makatulog si Mommy ay nagsalita kaagad si Daddy na para bang walang nangyari kaninang gulo at away sa pagitan namin. "Mas magagamot ang sakit niya roon."

Narinig ko ang malakas niyang paghinga.

"Kailan pa po ito?" nanghihina kong tanong.

"Ilang buwan pa lang ang nakakalipas nang malaman namin. Ayaw ipaalam ng Mommy niyo sa inyo kaya we kept it as a secret."

Tiningnan ko si Mommy na mahimbing nang natutulog. Naiimagine ko kung gaano siya nahirapan ng ilang buwan at tanging pagtulog lang ang pahinga niya sa sakit na nararamdaman niya.

"Kailangan po niyang gumaling," bulong ko.

Tiningnan ko si Marthina at Daddy at hindi na lang ininda ang ginawa ng kapatid ko dahil alam kong kailangan kami ni Mommy ngayon.

"Hindi ako pwedeng umalis sa bansa dahil walang mag-aasikaso ng trabaho namin ng Mommy niyo, kapag walang nag-asikaso no'n mauubusan tayo ng pera so better na isa sa inyo ang sumama sa'kanya sa America para samahan siyang magpagaling. Besides, ang Tita Pat niyo ang magiging doctor niya roon."

Kinabahan kaagad ako sa anunsyo ni Daddy pero isa lang ang alam ko, kahit ano ay gagawin ko para sa Mommy ko.

"Isa sa inyo ang mag-aaral sa ibang bansa para masamahan ang Mommy niyo," dagdag niya pa.

Narinig ko ang pagtayo ni Marthina at lumuhod ito sa harap ni Daddy kaya kumunot ang noo ko. Masyado na kaming problemado para mag-drama siya at dagdagan ang stress namin.

"Dad? I'm sorry but I can't," sabi niya."Sayang ang full scholarship ko sa university kung papalipatin niyo ako."

Kinagat ko ang labi nang marinig ang sinabi niya. Because I'm sure wala ng choice , ako na ang sasama sa Mommy namin para magpagaling sa ibang bansa.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon