Wakas

72 14 4
                                    

"Welcome to the world, baby Venice." malambing na sabi ni Isaac sa'kanyang anak bago ito ibigay kay Venus na nakahiga pa hospital bed dahil kakapanganak lang.

"Hi baby!" bulong ni Venus habang naluluha ito. Sa isipan ay masaya siyang nairaos ang pagbubuntis kay Venice.

"I love you," bulong ni Isaac sa'kanya kaya kaagad itong tumugon sa halik ng asawa.

"I love you too," marahan nitong sagot.

Isang taon matapos silang ikasal nang dumating si Venice sa buhay nila. Kaya naman masayang-masaya ang mag-asawa nang lumabas na ito dahil ilang buwan din nila itong hinintay at inalaagan sa loob ng sinapupunan ni Venus.

Maalaga at maalalahanin na asawa si Isaac. Hindi niya hinahayaang may mangyaring makakasama sa asawa kaya hangga't maaari ay palagi itong nakaantabay kay Venus.

"Stay here baby, okay?" malambing na sabi niya kay Venus. "Magluluto lang ako ng pagkain mo."

Nang makalabas sa hospital, nag-take siya ng mas mahabang leave para maalagaan ang asawa at ang bagong silang na anak.

"Come on, baby! I can walk," rebutt ni Venus pero umiling siya.

"Please stay there," sabi nito at lumabas sa kwarto para ipagluto ang minamahal.

Matiyaga at masaya siyang nagluto para sa asawa. Alam niya sa sariling buong puso niyang pinagsisilbihan ito at kahit anong mangyari, hindi siya magsasawang gawin ang mga bagay na ito.

"Masarap ba?" tanong niya habang sinusubuan si Venus.

"Hmm," sagot ng asawa. "Thank you." At hinalikan si Isaac

Malawak na ngiti ang ginanti niya bago ulit subuan si Venus.

Sa gabi, buong tiyaga niyang hinehele ang anak tuwing iiyak at magigising ito. Wala siyang balak gisingin ang asawa hangga't hindi nagugutom ang bata. Alam niyang kailangan ni Venus magpahinga dahil kakapanganak pa lang nito. Sa umaga, magluluto naman siya ng pagkain at lalaruin si Venice. Matiyaga din niyang nilalabhan ang mga damit ng asawa't anak.

Sa loob ng isang taon nilang pagsasama ni Venus ay hindi ito nagsawang ipakita kung gaano niya kamahal ang babaeng pinagdasal. Hindi nawala ang mga simpleng effort niya para mapangiti lang ang asawa.

"Good morning!" Hinalikan ni Venus si Isaac at masaya itong pinagsilbihan matapos maka-recover sa panganganak. "Kumain ka muna bago pumasok."

Hinalikan siya ni Isaac at masaya naman itong tumugon.

"May binalot na rin ako para sa lunch mo at hindi ka na mag-abala pang lumabas para bumili."

"Hmm thank you," sagot nito habang nakayakap ang asawa mula sa likuran.

"Huwag mo kakalimutan ang tubig mo," paalala muli ni Venus. "May towel or panyo ka ba? You should bring one para kapag pinawisan ka may pamunas ka."

Tango lang ang ginanti ni Isaac at hindi pa rin makalas ang yakap sa asawa.

"Baby, you need to eat na. Male-late ka." Hinawakan ni Venus ang ulo ng asawa at nakangiti itong inangat dahil tinatamad na naman itong pumasok at gusto lang samahan ang mag-ina maghapon sa bahay.

Umayos nang pagkakatayo si Isaac at nakangiting hinalikan ulit ang asawa.

"Happy Anniversary, Baby!" sigaw ni isaac nang makauwi siya sa kanilang bahay isang gabi matapos magtrabaho.

Hinalikan niya ang asawa bago ibigay ang kumpol ng bulaklak at chocolates dito.

"Happy Anniversary," tugon ni Venus at hinalikan ulit ito.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon