Kabanata 4

62 15 2
                                    

"Venus I have favor," bulong ni Marthina sa akin kinabukasan bago kami pumasok sa school.

"What?" tanong ko habang naglalagay ng deep nude na lipstick sa aking labi.

Pumasok talaga siya rito sa kwarto ko just to tell na may favor siya.

Sinulyapan ko mula sa salamin ang suot niyang gray round dress at doll shoes. Umirap ako dahil palagi na lang ganon ang suot niya.

"Can you please make an excuse to Mommy and Daddy?" mahinhin niyang tanong.

"Why?" tanong ko ulit at pinasadahan na ang kanyang buong ayos.

Marahan ko rin nilagyan ng tint ang kaniyang labi dahil ang putla niya tingnan.

Masama niya akong tinitigan pero kinindatan ko lang siya.

"Gagabihin kasi ako ng uwi mamaya," sagot niya.

Tumaas ang isa kong kilay.

"Gagabihin?" paninigurado ko. "So why I need to make an excuse?"

Ngumuso siya at marahan akong niyakap.

"Please Venus may pupuntahan kasi kami nila Isaac mamaya," bulong nito.

Huminga ako nang malalim.

"Saan naman?" tanong ko.

"Honestly, it's a road trip."

"What?!" sigaw ko. "No way! Why would I make an excuse for that invalid-"

Tinakpan niya ang aking labi kaya naman pwersado kong tinanggal ang kanyang kamay.

Mabilis siyang nagtungo sa pintuan ng aking kwarto para i-lock ito.

"Please gusto ko sumama Venus," pakiusap niya at niyakap-yakap pa ako.

"Marthina,for me delikado ang road trip na yan. Tsaka saan ba yan?" tanong ko.

"I think around Metro Manila lang nama-"

"No way!" pabulong kong sigaw.

Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"You can use my car. Aangkas naman ako sa motor ni Isaac," nakangiti niyang sabi.

Inirapan ko siya.

"Nakadress ka tapos aangkas ka sa motor?" tanong ko.

Nakita ko ang pag-nguso niya.

"I can change my clothes. Motor lang din kasi ang gagamitin nina Christian at Laurence."

Umirap ako sa hangin at marahan siyang sinabunutan.

"Magpaalam ka na lang Marthina," suggestion ko.

Umiling siya.

"No Venus.I'm sure hindi papayag sila Mommy and Daddy."

"Oh 'yun naman pala eh, hindi pa-pa-yag! So please, don't you dare to join that road trip!" saway ko sa'kanya.

"That's why I want you to make an excuse para hindi nila malaman," sabi niya.

"Wow! Ikaw ba yan, Marthina?" tanong ko.

"Please Venus," pagmamakaawa niya. "You don't want me to enjoy? I'm happy with them," malungkot niyang sabi.

"But you can be with them in different ways. Mas masarap makasama ang barkada kapag alam ng magulang ang ginagawa. Wala kang aalalahanin at ikakabahala," sabi ko pa.

Nagkibit balikat siya at tinitigan ako.

Ilang minuto niya akong nginusuan bago magsalita.

"Okay fine," mahinahon niyang sabi at tinalikuran ako.

TO SECURE YOU FROM INSECURITIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon