CHAPTER 11

8 1 1
                                    

Hindi nalang ako nagsalita noong sinabi nila mommy na sa New York ako mag la-law school. I can't. Hindi ko kaya na iwan sila dito. Wala akong kilala doon. Mahirap mag adjust. My friends are one my support systems. 


Especially, Sage. 


Bakit kailangan na sa New York pa? Hindi ba puedeng dito nalang? Ang hirap. 


"Ang tagal mo ah" naabutan ko na ang mga kaibigan ko sa couch na may mga tama na ata. 


"Maaga lang kayo. Uy, Kenj" syempre hindi na sila nagkahiwalay nito ni Lorraine. 


Sa table namin ay may ilang bottle na, na ubos. Sinisimulan na nila itong isa pagkadating ko. Si Denise nga ay ang ingay na. Welll, kahit naman hindi siya nakainom ay maingay siya. Pero alam ko na ang ingay niya kapag lasing. 


"Kamusta siz?" si Veronica ang kausap ngayon. Kasama ni Charles kasi ang iba pa niyang mga kaibigan, kaya naiwan muna siya dito. 


"Ayos lang naman, lumalaban" nagkibit balikat siya uminom sa baso niya


"Nako, pag kailangan mo ng kausap andito lang ako ah" pinaalalahanan ko siya


"Oo naman, alam ko naman 'yon" ngumiti siya sa akin "Ikaw kamusta?"


"Ayos lang" ngumiti ako sa kanya pabalik


"Weh? Sapakin man kita?"


"Oo nga. Kung ayaw mong maniwala ako sasapak sayo" inambahan ko siyang susuntukin


"Sikat ka lang ganyan ka na" she dramatically held her chest


"Ang arte ampota"


Ayaw ko na muna sabihin sa kanila iyong plano nila mommy. Ayaw ko na kasi na guluhin pa sila. Pag may problema ako hindi na ako lumalapit sa kanila feeling ko kasi ang babaw lang ng problema ko. Kaya ayon. Kay Sage nalang ako lumalapit. Hindi ko pa alam kung kailan ko sasabihin sa kanya. 


Naubos na namin ang tatlong bote ng JD. Nakakalahati na kami ngayon sa pang apat. Hindi ko alam kung nakailang coke na kami. 


"Let's dance" si Lorraine nang makarami na kami


"Careful" Kenji kissed her cheek


"Ay tapang niya oh" pang-aasar sa kanya ni Denise


"Porket may bantay eh" si Veronica naman ngayon


"Ang bitter niyo. Tara na" ako na ang humila sa kanila dahil baka hindi na kami makasayaw at mag away away nalang sila. 


Nasa gitna na kami ngayon ng dancefloor. Halo halo ang tao kaya mas naiipit kami para sumayaw. Medyo lasing na ako kaya ang lakas ng loob ko na sumayaw sayaw sa gitna. Mas nalasing ata ng may humawak sa bewang ko. Kaya humarap ako sa kanya. 

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now