CHAPTER 19

5 1 0
                                    

"Ninang ako ah" sabi ko sa kanila pagkatapos ng proposing scene nila


"Gago ka talaga" hinila niya bigla buhok ko "Wala pa nga eh. Kailan ka umuwi?" tanong niya sa akin


"Kanina dumeretso ako dito" syempre joke lang 'yon, ayaw pasabi ng asawa mo eh


Pagkatapos ay pumunta na kami doon sa may function room. Magkalapit lang kami ngayon dahil syempre pareho naming bestfriend ang andito. Sa gitna ay iyong dalawa syempre. Ako naman nasa side ni Lorraine, siya naman ay nasa side ni Kenji. Sila tita ay nasa kabilang dulo ng table. Nag p-plano na sila eh. 


"Ikaw kailan ka magpapakasal?" binulong sa akin ni Lorraine. 


Lumapit naman ako sa kanya para maibulong ko rin sa kanya. Nananadya ata 'to ah. 


"Gago ka ba?' nakangiti pa rin ako dahil naguusap usap pa sila eh


"Ay oo nga pala, hindi na kayo nag papansinan ngayon" aba talaga nga naman "Wala pa ata siya jowa. Yayain mo ulit mag hike"


Gigil kong pinalo ang legs niya sa ilalim ng lamesa. Mahina naman siyang napadaing, kung hindi lang talaga ako nagpipigil hindi lang legs nahampas ko sa kanya. 


"Gago, sige bili kana sing sing mag p-propose na ako" pabiro kong sinabi sa kanya 


"Cullen, mag p-propose daw si-" hindi lang hampas ang nakuha niya ngayon, pari kurot


"Huh?" magkausap kasi sila kanina ni Kenji 


Mas kinurot ko pa siya para hindi niya sabihin. Siraulo talaga 'to, parang dati siya lang naaasar ko. Ngayon baliktad na, syempre hindi ako papayag na maasar asar niya lang ako ng ganoon. 


"May proposal ako sayo, oo. Trabaho ba. Trabaho alam mo yun dagdag kita." pormal na sinabi niya pero halata mo naman loka loka lang talaga siya


"Okay. Email mo nalang sa akin" sabi niya at bumaling na ulit ang tingin kay Kenji. Muntik ko na makalimutan na sa iisang trabaho lang pala silang dalawa. Nakakagulat nga na hindi siya kay Kenji sumama eh. 


Matagal pa sila na nagplano doon. Nakikinig lang ako dahil wala naman akong maitutulong. Baka pag tumulong ako mag kanda leche leche kasal nila 'no. Pero infairness naman kay Kenji na handang handa na siya sa lahat. Parang, oo, nalang talaga ng kaibigan ko ang inaantay niya.  


Pagkatapos noon ay kung ano ano nalang ang pinagusapan nila. Kaya napagdesisyunan ko na magpahangin na muna sa labas, tutal wala naman akong natutulong eh. Mabuti nalang at naka coat ako at hindi masyadong malamig. 


Dahil sa lamig na sumalubong sa akin ay niyakap ko nalang ang sarili ko. Wala namang ibang yayakap eh. Bwiset. Nilingon ko naman ulit iyong function room at nahuli ko siya na nakatingin sa akin. Nang makita niya na nakatingin ako ay nag iwa siya agad ng tingin. 


"Kamusta?" tumabi sa akin si Lorraine


Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now