CHAPTER 18

4 1 2
                                    

"Kailan balik mo niyan?" si Denise na katabi ko ngayon dito sa resto. 


Nag yaya pa kasi sila na mag dinner na hindi naman ako makatanggi dahil ang tagal ko rin silang hindi nakita. Hindi ko alam kung dinner pa 'to o bibitayin na kami eh. Ang dami nalang inorder. May mga seafoods din. Marunong na kaya siya mag balat? Kasam namin sila ngayon kaya titignan natin kung marunong na siya o baka binabalatan din siya ng 'Grilfriend' niya. 


"Depende pa. 1 month balak ko pero baka pag may biglang tawag bumalik ako doon. Babalik din naman ako agad para sa birthday ni Celine." tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakikipagaway ata sa kuya niya. "Pati sa kasal nilang dalawa" 


"Uh please don't tell her na sinundo ka namin" nagkamot ng ulo si Kenji "Baka kasi mag tampo. Huwag ka na rin muna papakita sa kanya. Bukas nalang"


"Sige. Ano ba plano mo?" tinatry ko na maging normal pero nararamdaman ko na nakatingin siya sa akin kaya nababalisa ako. Asan kaya girlfriend nito? Sila pa rin ba?


"Isusuot sa kanya sing sing malamang" aba marunong na siya mamilosopo "Doon sa favorite spot namin sa tagaytay"


"Ang galing mo talaga, Architect 'no?" inirapan ko siya "Pasalamat ka umuwi ako."


"Kung hindi pa nga sila ikakasal, hindi ka pa uuwi" mahina na sinabi ni Sage


"Ano 'yon Engineer?" si Kenji naman ngayon


"Wala"


Nasa isang mahaba kami ngayon na table. Si Kenji ang nasa gitna habang kaming dalawa naman ni Marco ay nasa gilid niya. Si Denise naman ang katabi ko, katapat niya naman ay si Sage. Katabi niya si Celine. Si Joaqs naman ay nasa pinakadulo. 


Puro filipino foods ang pina order ko. Ngayon nalang kasi ako makakain ng ganito. Nag request din ako ng hipon, ang tagal ko na talaga na hindi nakakakain ng pinoy foods. Doon naman kasi ay hindi na nga sila nag luluto ng pinoy foods hindi pa nagkakanin. Wala rin naman akong time na magluto dahil busy ako sa trabaho. Kaya kung ano ang nasa ref ay iyon na lang. 


Pagdating ng mga pagkain ay hindi ako nakatakas sa mga tanong nila. Imbes na mag focus ako sa kinakain ko ay tanong sila ng tanong! Kaya paputol putol ang kain ko. 


"Madaming pogi sa school mo?" ayan si bruha naman ngayon 


"Oo" sabi ko at kinain na iyong kanina ko pa binabalatan 


"Tapos wala ka man lang nakalandian?" tanong niya sa akin


"Bakit ako lalandi?" pasado ba si David? Wala naman iyon eh "Pero meron si David, kaibigan ko. Kasama ko umuwi noong nanood kami DC" inunahan ko na 


Sasagot na sana si Denise nang biglang sumigaw si Celine. Kaya nasa kanya ang buong atensyon namin. 


"Kuya Engineer kana hindi ka pa rin marunong magbalat ng seafood. Sa akin pa talaga?" iritado na sinabi ni Celine sa kuya niya. 

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now