CHAPTER 5

6 1 0
                                    

Pagkatapos noong activity namin ni Cullen ay hinatid niya na rin ako pauwi. Gustuhin ko mang paakyatin siya doon sa condo ko, kaso lang hindi pa naman ako nakakapaglinis. Next time nalang siguro.


"Hello?" tanong ko kay Lorraine na nasa kabilang linya


"Nomi!" matinis na sigaw niya 


"Kailan?" sunday ngayon kaya balak ko sana mag gym, pero biglang siyang tumawag. 


"Ngayon malamang. Kasama natin sila Denise" 


"Sige itext mo nalang sa akin kung saan"


"Okay!"


Pumayag na rin ako dahil miss ko na rin naman iyong mga kaibigan ko. Hindi nalang ako iinom ng marami dahil maaga pa training bukas. 


Nag gym muna ako pagkatapos noong tawag ni Lorraine. Mayroong gym dito malapit sa condo ko.  Nag stretching muna ako, bago ko sinimulan ang treadmill. Iyon ang uunahin ko bago ako mag focus sa core at biceps. 


Tumatakbo na ako ngayon dito sa treadmill. Sinuot ko na rin ang airpods ko. Napag isipan ko na tumingin muna sa Instagram. Halos mapahinto na ako at hindi na masabayan ng maayos ang takbo nitong treadmill dahil sa post ni cullen. 


Iyon ang picture naman noon. Nakataas ang kamay namin parehas. Swi-nipe ko naman iyon at nakita na nag pinost niya iyong picture niya noong humarang siya habang pinipicturan ko iyong view. Halos umakyat lahat ng dugo ko nang makita ang caption niya dito. 


"Ang pangit niya, tapos ako ang pogi ko,

01"


Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magcomment. Nakita ko rin iyong mga kaibigan namin na nagcomment doon. May mga kaibigan niya rin naman pero, halos sila Lorraine ang nag comment doon. 


Isabelsuarez

-Napaka-kapal ng mukha mo. Lagot ka sakin pag nagkita tayo.


Iversonkenji

-You didn't invite us. Ang daya niyo. 


lorrainegon

-Hoy ano yan?! Di ako informed na lumalabas na pala kayong dalawa


marcot_

-Ang daya niyo sama na kami next time


_joaqshernandez

-Egul erp


denisemartinez

-Uy ako rin!


Veronicams

-Wag kana


Natawa naman ako sa comment ni Denise. Kaya nagreply ako dito. 

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now