CHAPTER 13

5 1 0
                                    

"Mag dahan dahan ka kaya?" sabi sa akin ni Sage paakyat na kami ngayon sa falls. 


"Ang dulas kasi eh 'no?" balik ko sa kanya


"Mag aaway pa kayo jan. Tulak ko kayo eh" pagbabanta sa akin ni Lorraine. Nasa likod ko sila ngayon ni Kenji. Si Sage naman ang sinusundan namin ngayon. Siya naman kasi ang may dito. 


Medyo madulas kasi ang daan dito. Medyo madulas din kasi ang sapatos ko. Buti pa itong sinusundan kong lalaki akapit ang sapatos niya. Ang sasakyan namin kanina ay kotse ni Sage. Kotse niya naman ang ginamit ngayon. Kaya ayon ang ending ay nasa likod iyong dalawang mag jowa. Mas nakapag lampungan tuloy. 


Wala pa kami sa kalahati ngayon sa nakakakalad. Sanay naman na ako sa ganito, dahil nga lagi namang ganito ang ginagawa naming dalawa. Halos lahat na ata ng bundok napuntahan namin eh. Joke lang. 


"Teka bakit naman ganyan?" kasi nakita ko ang susunod na lalakaran namin ay sobrang tarik tapos pababa pa. Sabi ko nga ay madulas ang sapatos ko. "Baka madulas ako" natatakot na sinabi ko. 


"Halika na" naglahad ng kamay sa akin si Sage. Tinanggap ko naman iyon. "Pasmado" sabi niya habang nagtuloy tuloy sa paglalakad. 


"Edi huwag mong hawakan" pilit kong kinalas ang kamay naming dalawa. Pero mas hinawakan niya iyon at pinagsiklop pa. Kung wala lang siguro kami ngayon sa ganitong sitwasyon ay baka umasa na ako. 


Mga nakailang hakbang na  rin kami ng maramdaman kong wala ng mga tao ang nakasunod sa likod ko. Alam ko iyon dahil kasi kapag andiyan sila ay puro reklamo iyong kaibigan ko o di naman kaya si Kenji. 


"Hoy, ano na? Pumunta nalang sana tayo studio kung ganyan din naman ang gagawin niyo. Naabutan ko sila na nagpipicture. May pa kiss pa sa pisngi! 


"Bayaan mo na. Antayin nalang natin" tumigil din naman si Sage pero hindi niya pa rin binibitawan kamay ko. Mas hinawakan niya pa iyon. Bakit naman ganito?


Hindi nalang ako tumingin sa kanya. Dinala ko nalang ang buong atensyon ko sa dalawa kahit nakakabwiset na. Sobrang clingy naman kasi nila kahit saan. Edi sana all nalang. 


"Oh" bungad ni Lorraine pagkatapos nilang magpicture at nakapahlakad na malapit sa amin. Bumaba ang tingin niya sa kamay namin. "Bakit may pa ganyan?" pinagtaasan niya kaming dalawa ng kilay. 


May binulong sa kanya si Kenji na ikinatawa niya. 


"Madulas kasi kanina tapos pababa pa. Kaya inalalayan ko" paliwanag niya


"Madulas parin ba ngayon?" si Kenji naman ang nagsalita. Alam ba nito? I mean may naikwento kaya sa kanya kaibigan ko?


"Hindi na. Pero maglalakad na ulit tayo, kaya tara na" nagsimula na kami ulit na maglakad. Maghawak parin ang kamay namin ngayon. 


Inabot pa ng mga ilang minuto bago naman matanaw ang falls. May mataas doon na bato na puede mong talunan. Andito kami sa may bato ngayon. Kaya handa na tumalon. 

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now