CHAPTER 22

8 1 1
                                    

"Saan kayo galing?" tanong ni Lorraine na nakaupo sa high chair sa may counter top "Ang dami nun ah" 


"Bumili lang ng susuot bukas" umupo ako sa tabi niya para tignan kung ano ginagawa niya "Hindi ba kayo invited sa debut ni, Celine?" 


"Pota waldas ka nalang ng waldas ng pera ngayon ah. Magkano ba sweldo mo? Pauatang naman" sunod sunod na sinabi niya


"Gagu, mas mayaman ka kasi may sugar daddy kana" tumawa naman ako para mas maasar siya


"Atleast ako meron na, ikaw?" nakangisi pa siya akala mo naman talaga


"Ha ha, edi wow. So ano nga pupunta ba kayo?" iniba ko na ang usapan dahil andito lang din siya sa bahay baka kung ano pa ang mapagusapan namin at marinig niya 


"Oo malamang." inirapan niya pa ako "18 roses din Kenji eh, tapos ako candles naman" bumalik na ulit siya sa pag sketch


"Ah okay sige. Kita kits nalang doon" sabi ko sa kanya "Yayain sana kita uminom kaso jontis ka"


"Gusto ko rin sana kaso nga jontis ako" she mocked me "Ikaw main ninang niya ah" hinawakan niya pa ang tiyan niya, hindi pa naman masyadong halata 


"Main ninang amp" syempre gusto ko, nakakaexcite nanaman tuloy ulit


"Tapos si Cullen main ninong" binigyan niya pa ako ng thumbs up "Ayos ba 'yon, ninang?" she continued


"Bakit naman hindi?" I mean wala naman mali doon, desisyon naman nilang mag asawa 'yon "'Yan na ba bahay?" tinuro ko iyong kanina ko 


"Oo, huwag ka mag reklamo na pangit. Ginagalingan ko nga eh" pagmamayabang niya


"Wala naman akong sinasabi, bobo" hinila ko ang buhok niya "Love na love mo talaga ako 'no?"


"Para kay Tita kasi kaya ginagalingan ko, hindi sayo" aba talaga nga naman "Anjan na pala kaibigan mo" bumalik na siya ulit sa pag s-sketch


Nilingon ko naman kung sino ang sinasabi niya at nakita ko si David na palapit sa amin. Kaya bumaba na ako agad sa kinauupuan ko para masalubong siya. 


"Hi" nakipag beso naman ako sa kanya "Ano ginagawa mo dito?" hindi naman kasi siya nagsabi na pupunta siya ngayon o nakalimutan ko lang


"Wala ako magawa eh. Hindi rin naman tayo makakalabas, kaya ako nalang pupunta dito. And also" ngayon ko lang nakita na kasunod niya pala ang mga kasambahay namin at may dala na mga pagkain "Nagdala ako food para sa mga nag t-trabaho. Ano na ba sinisimulan nila?" tanong naman niya 


"Ay hala! Dito nalang po manang" iginaya ko naman sila doon sa may counter top "Sinisimulan na nilang gibain doon sa may bandang likod, habang nag de-design na si Lorraine ngayon" humarap ako ulit sa kanya 


"Tawagin mo na sila, para maka kain na tayo" hinawakan niya naman ang bewang ko


Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now